Chapter 19: Complications

7.9K 105 33
                                    

Sorry sa late Update! Naging busy ako lately! :)) Thanks sa support guys! Sana hindi kayo nawala sa tabi ko and sana may nagbabasa pa din nito. :**

Dedicated to my new reader na nag-msg sakin! :)) Thank you so much! :))

Enjoy reading! :*

----------------------------------------------------------------*

Stephen’s POV

Hanggang ngayon magkayakap pa din kami ni Steph. Gusto ko lang siguraduhin sa sarili ko na kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Pero ngayong magkayakap kami.

Nararamdaman ko. At hindi ko maitatangging..

Mahal ko talaga siya..

Hindi ko kasi nakayanan nang marinig ko kanina kay Aries na gusto din niyang hingin ang kamay ni Stephanie. Pakiramdam ko, tinusok ako ng libo-libong karayom sa dibdib. Hindi ako makahinga. At doon ko lang napatunayan, na mas mahal ko pala si Stephanie kaysa kay Alysa.

“K-kuya..”

Pagkasambit niya non ay agad ko siyang binitawan. Doon ko napansin na umiiyak na pala siya. I cupped her face then I wipe her tears using my thumb. I kiss her forehead. Ipinagdikit ko ang mga noo namin pagkatapos. Tears kept running down her face, at pati ako, naiyak na din. For the first time in my life, I never let anyone see me crying.

“Steph, I’m sorry. Sorry sa mga nasabi ko nung nakaraan. I just said that to let you hate me again. Gusto lang kitang saktan para lumayo ka na at kalimutan ako. Dahil alam kong masasaktan lang kita. Please.. I’m sorry..”

Humikbi pa siya lalo. Akmang yayakapin ko siya ulit pero tinulak niya ko. Tinignan niya ako sa mata.

“Pero bakit? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito? Bakit mo ako pinahihirapan?”

“I’m sorry, hindi ko sinasadya. Pero hindi ko na matanggihan si Alysa sa kasal. Hindi ko alam pero.. pero nakatanim na kasi sa isip ko na siya lang ang mamahalin ko habang buhay eh… pero… pero hindi ko namalayan na hindi na pala iyon ang sinisigaw ng puso ko..”

Nakatingin lang siya sakin na parang pinipilit niya pang intindihin ang mga sinasabi ko.

“Anong--?”

“Stephanie, kung alam mo lang kung gaano ako nalilito sa nararamdaman ko. Dati pa, mga bata pa lang tayo, mahal na kita eh.. Alam  ko yun pero hindi ko magawang aminin sa sarili ko. Kasi bawal. Kasi kapatid kita. At nakatanim na sa utak ko na si Alysa lang at walang iba. Pinili kong magalit sayo at kamuhian ka dahil ayoko ng makaramdam ng kakaiba. Pero ngayon hindi ko na kayang pigilan.”

I cupped her face again.

“Mahal kita Stephanie. Mahal na mahal..”

Nakatingin lang siya ng deretso sa mga mata ko na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

Wala akong nagawa kung hindi hagkan siyang muli. Isang halik na alam kong makakapagpagaan sa nararamdaman niya. We didn’t move our lips. Matagal iyong magkalapat at madiin. Ilang saglit pa ay bumitiw kami at saka ko sinabing

“Runaway with me.. Steph.”

Nagulat siya sa sinabi ko. Napanganga siya na tila hindi makapaniwala. Maya-maya ngumiti siya at  niyakap niya muli ako. Umiiyak siya ulit pero dahil ito sa saya. Nang maramdaman ko iyon napangiti din ako at hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Where stories live. Discover now