Chapter 22: Decisions

7.4K 106 23
                                    

UD! :)) Guys, paalala lang, wag kayo maiinis sakin kung bakit lagi nalang napuputol ang kaligayahan ng mga bida. :) May purpose ako diyan maniwala kayo, kaso syempre hindi pa ngayon. :**

Busy na pala talaga mga tao ano? Hahah! :))

Dedicated to my babysis @GiezelleVelasco! :) Loveyoulots! :*

Enjoy Reading! :)

----------------------------------------------------------*

SEASON 2 WILL START.. NOW.

Jarreus’ POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hanapin si Stephen pagkaalis ng mama ni Samantha.. at ni Steph...

Ang lakas ng loob ni Stephen! Kahit na hindi talaga sila magkapatid, kung ang alam naman nila ay magkapatid sila, hindi niya dapat binuntis si Stephanie! Anong klaseng kuya yan?

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Stephen, kinuha ko kasi ng palihim sa cellphone ni Stephanie ang number niya.

Pero nung tinatawagan ko siya, shit. Hindi sumasagot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya nag desisyon akong puntahan si Papa.

Nang makarating ako sa opisina niya, bubuksan ko na sana ang pinto nang may marinig akong sigaw. Idinikit ko pang mabuti ang tenga ko sa pintuan.

“Haime! We’ve been good friends since then pero bakit hindi mo sinabi sakin na kaibigan mo din si Alejana Trejano? Lagi akong humihingi ng payo sayo about them lalo na ngayong ikakasal ang anak ko sa anak niya! Ano ba talagang pinaplano mo?”

“Believe me, Margarita. Kaibigan ko sila pero mas kampi ako sayo. Maniwala ka sakin, tutulungan kita.”

Nang marinig ko iyon ay agad akong pumasok sa loob without knocking the door. Napatingin sila sakin ng sabay at halatang gulat na gulat.

“Jarreus.” Seryosong bati ni Dad sakin, napansin ko namang napayuko si Tita Margarita.

“We need to talk, Dad.”

Stephen’s POV

Dahil hindi ko na malaman kung nasaan ang cellphone ko, sumakay na ako agad sa kotse ko at nagmaneho papunta sa bahay nila Samantha sa Villa Elisse, pinagtanong ko sa guard ng village kung saan nakatira ang mga Lee at itinuro naman nila sa akin. Sana nandito pa din sila Stephanie, yun naman kasi ang paalam nila ni Alison sakin kanina, pupunta daw sila sa Villa Elisse sa bahay nila Samantha.

Agad akong nagdoorbell nang makarating ako doon.

*ding dong*

Paulit-ulit kong pinindot ang doorbell. Hanggang sa may narinig akong sumigaw.

“Sandali! Hindi naman makapaghintay? Nanjan na!”

Tapos ay biglang nagbukas ang gate.

Samantha’s POV

Yakap-yakap ko pa si Stephanie dahil hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Si Alison naman ay hinihimas-himas ang likod ni Stephanie.

Hanggang sa may bigla na lang nagdoorbell..

Nakakainis lang! Sunod-sunod kasi ang pindot niya! >.<

I tried to call yaya para pabuksan sa kanya yung gate.

“Yaya! Yaya!” Psh! Di sumasagot! No choice!

Kahit Di Ka Akin (Revising)Where stories live. Discover now