Chapter 1: Moving In

18.9K 133 19
                                    

Here's the first chapter. :)

The beautiful girl in the right is Stephanie. :D

Enjoy Reading! :)

------------------------------------------*

[Stephanie's POV]

Nakakainis! *boogssh!* Arrghh!! Nakakaimbyerna! *banggss!* Hmmp!! Arghhh!! Ayoko lumipat sa condo! *boogssh!* *banggss!*

*tok tok*

Napahinto ako bigla sa padabog na pag-aayos ko ng gamit nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Honey? Are you okay? Please, pakibilisan ang pag-aayos nang gamit, may meeting pa ako."

"Opo, Ma." Ginamitan ko ng sarkastikong boses ang pagsagot ko.

Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan pa kaming pagsamahin ni kuya sa iisang condo?! Alam mo yung, nananahimik ka na sa bahay niyo tapos bigla kang palilipatin sa condo ng kuya mo?! Okay naman ako dito ah! Ako, ung limang katulong, at ung tatlong driver yung kasama ko araw-araw pero masaya naman ako? (Masaya nga ba?) Oo, masaya na din kahit paano kasi hindi ko kasama si KUYA!!!! Kinamumuhian kasi namin ang isa't isa.

As if naman magkasundo pa kami! >.<

Nga pala. I'll introduce myself muna.

Stephanie Chelle Ramirez Tan. 20 years old. Still studying. 4th year BS Business Management at Ateneo De Manila University. Now moving in to Stephen Chris Ramirez Tan's condo unit. >__< Badtrip ako? YES, as in OO, super badtrip ako. Paano ba naman kasi? Alam na nga ni Mama na hindi kami magkasundo ni kuya, pagsasamahin pa kami sa iisang bubong?? WTH?? Ano na lang mangyayari sa buhay ko araw-araw?! Panigurado ako, laging gyera sa condo. -__- Oh yes, ganyan kami kagalit sa isa't isa ni kuya. Malalaman niyo rin kung bakit.

Natapos na din ako sa pag iimpake nang mga gamit ko. Pababa na ako nang makita ko si mama na nakaupo at naghihintay sa sala.

"Mama, si kuya?" Tanong ko.

"Nasa kotse, iniintay tayo. Tara." Then tumayo na si mama mula sa pagkakaupo sa sofa.

Oh yeah. Great, napaka dami kong dalang gamit ah! Tapos si kuya naghihintay lang sa kotse?!

"Mama, wait. Paki tawag naman si kuya, papatulong lang ako sa mga gamit ko." Pakiusap ko kay mama.

"Sige, teka." Then kinuha ni mama yung phone niya sa red Chanel bag na hawak niya. Ano ba yan! Di na lang tawagin sa labas! Kailangan pa sa cellphone tawagan! Siya na maraming load! >__<

"Hello Stephen, anak? Pumasok ka muna dito sa bahay at tulungan mo ung kapatid mo sa mga gamit niya." Then in-end ni mama yung call. Di man lang inintay ung sagot ni kuya.

"He's coming, honey." Malambing na sabi ni mama habang nakatayo siya sa may pinto. Ako naman, nandito pa din sa may tapat nang hagdan.

Nagbigay na lang ako nang fake smile kay mama. Hanggang ngayon kasi naiinis pa din ako sa ginawa niya. Pinipilit niya kaming maging close ni kuya eh wala na ngang pag-asa diba? Dati oo close kami pero after mangyari yung ---

"Akin na nga!" Nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni kuya yung bag na hawak ko. Kailangan niya ba talaga akong sigawan? O.o

Padabog akong lumabas ng bahay. Hahayaan ko na lang si kuya na kumuha nang mga gamit ko. Ang dami at ang bibigat kaya nang mga gamit ko noh! Tapos hahayaan niya lang akong dalhin lahat yun papunta sa kotse niya habang siya relax na relax na naghihintay saken? Tss.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Where stories live. Discover now