Kabanata 2- Classmates

23 4 1
                                    

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang subjects. Kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa kabilang building kung saan ang library. Ngayong araw ay ang briefing ko sa library. Papasok kasi akong student assistant doon.

Hugis bilog ang building ng library, para siyang arena. May tatlong palapag ito. Sa unang palapag ay ang lounge area. Sa ikalawa hanggang pangatlo ay napapalibutan naman ng libro. May escalator at elevator paakyat at pababa sa second at third floor. Ang Ravenwood University ang may pinaka malaking library sa lahat ng university dito sa Pilipinas.

"Ako nga pala si Lara Jean. Welcome dito sa Ravenwood University" nakangiting bungad sa akin ni Lara.

"Hi, ako nga pala si Mika Mones. Matagal ka na bang nag-aaral dito?" tanong ko kasi mukhang alam niya ang pasikot sikot dito sa library.

"Dito ako nag elementary at high school. Sa cleaning department kasi si mama kaya scholar din ako dito. Lahat ng mga empleyado dito mapa guard, tagalinis, tagaluto o teacher automatic na dito nag-aaral, kumbaga yun na ang pinaka benefit ng mga empleyado except kung anak ka ng teacher." Pagpapaliwanag niya. "Unlike sa iyo nakapasok ka dahil-"

"Ah so matagal ka na dito? Kamusta naman?" tanong ko.

"O-okay naman. Nakatagal nga ako dito eh. Kumain ka na ba? Bukas pa tayo magsisimula mag duty dito. Buti nalang at pareho tayo ng schedule ng vacant"

"Hindi pa. Tara sa cafeteria" yaya ko sa kanya.

"H-huh? S-sigurado ka? Nagbaon kasi ako. Marami naman to kaya share nalang tayo."

Hindi ko alam kung bakit parang may iba sa sinasabi niya.

"Ayaw mo ba sa cafeteria?"

"Hindi kasi ako doon kumakain. Lagi akong binabaunan ni mama ng lunch. Tsaka mahal din kasi ang pagkain doon."

Ah kaya pala. Pero nakakahiya naman na makikihati pa ako sa baon niya kaya bumili nalang ako ng sandwich sa cafeteria at tama nga siya mahal nga ang bilihin doon. Kasi itong sandwich na nabili ko nagkakahalaga na ng one hundred fifty ang isa. Mabuti nalang at may baon akong tubig. Dumiretso kami sa may park sa malapit sa quadrangle. Sa pinakadulo kami pumwesto.

"Maganda dito. May mga bench at mesa din. Tapos medyo malapit din sa field." Mangha kong sabi kay Lara.

"Okay lang ba sa iyo na dito tayo sa pinaka dulo?"

"Oo naman. Kaunti ang tao at hindi tayo gaano pansinin."

"Anong kurso kinukuha mo Lara?"

"Education ang pinili ko. Ikaw?"

"Accountancy"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Ibig sabihin sa may Administration building ka?"

"Oo bakit? Hindi ba tabi lang naman yon ng Education and Arts building?"

"Anong room?"

"Sa S-A ako"

"A-ah, w-wow naman."

Nag-iba ang timpla ng istura niya. Namumutla siya bigla.

"Bakit? Okay ka lang?" tanong ko.

"W-wala naman. Okay lang ako. Ibig sabihin kaklase mo si Gin Lopez?"

"Gin Lopez? Wala namang Gin Lopez sa klase ko kanina."

Matagal bago siya nagsalita. Bakit naman niya natanong?

"So hindi pa pala siya nakakapasok." Biglang sambit nito.

"Baka absent. First day of class palang naman. May dalawa pa namang vacant seat sa room"

Biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ang afternoon class. Mabuti nalang at tapos na kaming kumain ni Lara.

"Tara na sabay na tayo pumunta sa building tutal magkatabi lang naman tayo" yaya ko sa kanya.

"Ah mauna ka na muna. May dadaanan pa kasi ako."

Pagkasabi niya nun dali dali siyang umalis sa harapan ko.

Gin Lopez? Kanina maayos ang usapan namin ni Lara, pagkabanggit lang ng pangalan na iyon bigla nalang nag-iba ang timpla niya.

Habang naglalakad ako pabalik sa building may nadaanan akong locker room. May isang locker na umagaw ng pansin ko. Punung-puno ito ng mga teady bears at flowers sa ibaba. Nilapitan ko ito. Sa labas ay nakasabit ang isang litrato ng napakagandang babae. Sa ibaba ng litrato nakalagay ang mga katagang "You will always be missed- Ynna R."

Among Us: Love or WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon