Kabanata 7- Secret

15 4 0
                                    

Lalo kaming naging malapit ni Wade ng mga nagdaang araw pero nang dahil doon naging matunog ang pangalan ko. Recreational activity ngayon sa Phyisical Education. Ang game para sa araw na ito ay ball game na tinatawag na tamaan gitna. Papalibutan ng isang grupo ang tayang grupo saka ito babatuhin ng bola ng volleyball, kung sino man ang tayang grupo ang matatamaan ay maalis sa laro, kung ikaw ay nasa tayang grupo kailangan mong umiwas sa bola para manatili sa laro. Kapag ikaw ay nag-iisa nalang sa gitna, ang tatlong bola na lalapag sa lupa na hindi tumama sa iyo ay hudyat na nanalo ang inyong grupo.

Para mas maging masaya ang laro nagdagdag ng mechanics ang aming professor. By pair ang bawat grupo, babae at lalaki, hindi naman even ang bilang ng boys at girls sa klase namin. Mas madami ang bilang ng lalaki kumpara sa babae kaya yung sobrang bilang ng lalaki ay nag ala babae suot ang wig na binigay ng professor. Kailangang protektahan ng lalaki ang babae, kapag tinamaan ng bola ang babae, tanggal na ito sa laro.

Dahil magkaibigan na kami ni Wade ako ang pinili niyang partner. Nasa taya kaming grupo. Kami ang unang tatamaan sa gitna. Nagsimula na ang laro. Nasa kabilang team si Shine. Habang tumatagal nauubos ang pares sa grupo namin. Halos nagsisigawan na ang mga kaklase namin dahil dalawang pares nalang ang natitira. Nakita ko ibibato ni Shine sa akin ang bola pero bago pa tumama sa akin, nasangga na ito ni Wade gamit ang kanyang braso. Narinig ko ang mga mabibigat na singhap ng mga kaklase ko dahil s amalakas na pagkakatama nito sa kanya.

Nagulat nalang kami nang may tumili sa gilid na siyang nagpatili na din sa iba pang mga kasama namin. Nagsimula na ang asaran.

"Omo, nakakakilig naman"

"Ano kaya ang feeling ng protektahan ka ng isang Wade Mercado"

"Protect me Wade" sigaw ng iba.

Namula ang mukha ko dahil sa mga naririnig ko. Para na sigurong kamatis ito. Bumibilis ang tibok ng puso ko, sa bawat subok nilang tamaan ako nandiyan si Wade para protektahan ako. Sa huli nanalo kami.

Natapos ang activity na nanalo ang grupo namin dahil sa nabuhayan ang ibang pares na maglaro nang makita nila ang galaw ni Wade. Dahil diyan, exempted kami sa susunod na written quiz.

Inaasahan ko na makita ko ngayon si Lara sa library.

"Kamusta na?" bati ko sa kanya.

"O-okay lang naman. B-balita ko, kaibigan mo na si Wade?" tanong nito sa akin.

"Kilala mo ba siya? Pasensiya na sa pang-uusisa pero noong nakaraan parang nabigla ka noong nabaggit ko ang pangalan niya"

Nakita kong gulat na gulat siya. Hindi siya makakapa ng salita.

"Kung ayaw mong sabihin ayos lang. Pero Lara, sana hindi madungisan ang pagkakaibigan natin dahil lang sa isang lihim. Tinuturing kitang kaibigan ko dito sa school."

"Mika, pasensiya na dahil naging duwag ako. Mahirap para sa akin ang mag-open-up sa mga bagay na nangyari sa akin"

"May problema ba? Nandito naman ako para pakinggan ka"

"Transfer student si Wade. Kaya matagal bago siya nakapasok dito. Hindi siya nag-aral dito noong high school. Pero kilala ko siya." Panimula niya.

"Talaga? Bakit hindi mo siya nilapitan. Kilala ka din ba niya? Wait- may gusto ka ba sa kanya?"

"Magkakilala kami. Kami nila Shine at Gin. Nakita mon a si Gin? Balita ko dumalaw siya dito noong nakaraan"

"O-oo. Nakita ko siya sa may locker room"

Nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mga mata ni Lara.

"M-May kinalaman ba ito kay Ynnah?" alanganin kong tanong

"Kaibigan ko si Ynnah. Mayaman siya pero hindi siya mapagmaliit katulad ng iba. Una kong naging kaibigan si Ynnah noong tinulungan niya ako habang binubully ng iba dahil anak lang ako ng taga linis dito sa school. Hanggang sa pinakilala niya sa akin si Wade"

Ibig sabihin magkakaibigan sina Lara, Ynnah at Wade. Pero anong nangyari? Bakit nalang naging ganito si Lara.

"Noong kasama ko si Ynnah tinigilan na akong i-bully. Pero nang namatay siya"

Oh My God!

"Sinisisi nila ako sa pagkamatay ni Ynnah. I was totally an outcast. Wade became distant to me. Shine and Gin-" halos maiiyak na siya habang nagkukwento.

"Anong kinalaman nila Shine at Gin?"

"Gin was Ynnah's boyfriend"

Wala nang mas ikakagulat pa sa nalaman ko ngayon.

"Akala ko si Shine ang girlfriend ni Gin"

Iyon kasi ang usap-usapan sa klase namin. Tsaka noong huling kita ko sa kanila na magkasama mukhang may 'something' nga sa dalawa. Pero dahil wala pa si Gin, mukhang na kay Wade ang atensiyon ni Shine.

"Shine was fond of Gin. Pero nang makilala niya si Wade nagbago ang lahat. She wants both of their attention"

Hindi ako makapaniwala.

"Ipinagkakalat ni Shine na kasalanan ko kung bakit nagpakamatay si Ynnah"

"Nagpakamatay? Bakit?"

"Nakarating sa kanya na may relasyon kami ni Wade."

"O ano ngayon? Hindi ba magkaibigan naman kayo"

"Wade is in love with Ynnah...and so she is"

Ano?! Totoo ba ito?

"Pero t-totoo ba?"

"Kaibigan ko si Ynnah. Noong pinakilala niya sa akin si Wade magkaibigan lang sila. Kaya malaya akong nagkagusto sa kanya. Pero noong nalaman ko na may relasyon na silang dalawa hindi ko na sinabi pa kay Wade ang nararamdaman ko para sa kanya. Nalaman ito ni Ynnah. Magkaibigan kami, mabait siya sa akin. Alam kong kung ano ang sa kanya hindi dapat na makuha. Kaya nga hindi makuha ni Shine si Wade. Gin was so mad before to think that-" halos hindi na matapos ni Lara ang kwento niya dahil iyak siya ng iyak. Puno ng lungkot at takot ang mga mata niya.

Dahil doon? Dahil nalaman niyang may gusto ang kaibigan niya sa kay Wade kaya siya nagpakamatay? Hanggang ngayon hindi pumapasok sa isip ko ang mga nalaman ko kanina kay Lara. Kaya iniiwasan niya si Wade. Kailangan ko din ba siyang iwasan?

"Sinasabi ko sa iyo ito dahil tinuring na din kitang kaibigan Mika."

Habang naglalakad ako pabalik ng dorm napahinto ako sa mismong harapan ng locker ni Ynnah. Napakaganda ng ngiti niya sa kanyang larawan.

"You knew her?"

Nagulat pa ako sa taong nagsalita.

"Kanina ka pa ba diyan?"

Lumapit siya sa may tapat ng locker ni Ynnah. Hinawakan niya ang litrato nito.

"Hanggang ngayon masakit pa din. I still miss you Ynnah"

Hindi ko lubos maisip na ang isang Wade Mercadona ganito ka devastated na mawalan ng minamahal. At hindi ko din maisip na kayani Ynnah na gumawa ng mali para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Among Us: Love or WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon