Kabanata 5- Reveal

16 4 0
                                    

Hindi pa din matigil ang bulungan habang kami ay naglalakad pabalik ng room. Sino ba naman ang hindi pag-uusapan kung madikit ka kay Wade? Lalo pa at kilalang suplado siya sa room. Iisa nga lang ang kaibigan niya doon. Hindi ko pa maalala ang pangalan.

Binagalan ko nalang ang paglalakad ko para malayo ang agwat naming dalawa.

"Bakit ang layo mo ata?" tanong nito sa akin.

"Ha? Mabagal lang talaga akong maglakad" pagdadahilan ko.

Pagkasabi ko non binagalan din niya ang kanyang paglalakad para masabayan niya ako.

"Hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala sa iyo. I'm Wade Mercado by the way." Sabay lahad nito ng kamay sa akin.

Napalingon ako sa paligid para makita ang mga reaksiyong ipunupukaw ng mga tao sa aming dalawa. Para bang inaantay nila kung tatanggapin ko ang kamay na nakalahad sa akin.

"A-alam mo naman na ang pangalan ko." Hindi ko na tinanggap ang kamay niya kaya naman binaba na niya ito.

"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa iyo?"

"Huh? Parang ikaw lang naman ang nakakaalala ng pangalan ko."

"You remembered mine" pasagot nito na siyang kinagulat ko.

"Tsaka ano ngayon kung naaalala ko ang pangalan mo? Dapat ba hinde?" dagdag pa nito.

"S-sige nga bukod sa akin at sa kaklase natin na kasa-kasama mo, may kilala ka pa ba sa room?" sagot ko.

"Bukod sa akin at kay Shine, sino pa ang kilala mo?" pagbabalik ng tanong nito sa akin.

"See, you don't know. Because you caught my attention just like I caught yours" makahulugang sabi nito.

Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon. Pagkapasok namin sa pintuan ay nakatingin ang lahat sa aming dalawa. Dumiretso naman ako sa aking upuan. Habang si Wade ay kinausap ng kaklase namin.

Tumahimik naman ang lahat ng dumating na ang professor sa araw na iyon.

Hindi ko nagugustuhan ang atensiyong ibinibigay sa akin ng mga nasa paligid ko.

"Ok that's it for today. For the activity you may get a partner to do that. Submit it to me next meeting. Goodbye" paalam ng professor namin sa Rizal.

Para sa activity na iyon kailangan naming gumawa ng tula para kay Rizal. Wala pa naman akong gaanong kakilala dito sa room. Ngayon lang nagkaroon ng groupings. Inaasahan ko naman ito pero sadyang kulang pa ang panahon para makipagkaibigan ako sa kanila. Dati na silang may kani-kaniyang grupo dahil nasa iisang class lang sila.

Even number ang bilang ng klase namin. Tumayo si Shine at lumapit sa mesa ni Wade. Hindi naman siguro nakapagtataka iyon diba. Lahat nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik at inaantay ang susunod na mangyayari.

"Hi Wade, mind if I join you?"

Nililigpit naman ni Wade ang kaniyang gamit. Nilingon nito si Ken. Yan ang pangalan ng kasama niya kahapon at kanina sa cafeteria.

Lumingon din si Shine kay Ken at para bang sinasabing makuha ka sa tingin.

"Sorry Wade may partner na ako" sagot nito.

Nakangiti naman si Shine na binalik ang tingin nito kay Wade. Siya namang tumayo si Wade. Naglahad naman ng kamay si Shine pero nilampasan niya lang ito. Tsaka siya bumaling at lumapit sa akin.

"I'm hoping you still don't have a partner"

Lumingon naman ako sa paligid at nakitang nakataas ang isang kilay ni Shine sa akin. Napalunok naman ako.

Among Us: Love or WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon