Kabanata 3- Rumors

18 4 0
                                    


"Saan ka na nakatira ngayon Mika?" tanong ni Lara sa akin.

Nagdaan ang ilang araw sa madalas na pagsama namin sa library nalimutan na namin ang usapan noon sa park. Lumipas na ang isang linggo at hindi pa pumapasok ang Gin Lopez na nabanggit ni Lara noon.

"Dito ako sa dorm ng school nakatira ngayon." Sagot ko.

"Oh talaga? Mabuti naman at pinayagan ka sa inyo."

"Ah wala na kasi akong mga magulang. Yung tita ko lang nagpalaki sa akin."

"Tita? Nasaan na ang tita mo ngayon?"

"Ah nasa Isabela kasi siya ngayon."

"Ah."

"Maiba ako. May boyfriend ka na Lara?"

Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala pa."

"Naging boyfriend?"

"Wala din eh. Eh ikaw? Balita ko madaming gwapo sa department niyo" tugon niya.

"Ah may bago pala kaming kaklase."

"Babae o lalaki?"

"Lalaki at sobrang gwapo niya. Kaso suplado."

"Ha? Bad boy type?"

"Hindi naman. May org ka na bang sinalihan?"

"Wala na akong oras pa diyan eh. Ikaw ba?"

"Wala din eh. Parang hindi na kasya sa schedule ko. Siya nga pala, bukas na pala ang eleksyon ng student council. Sino ang iboboto mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam eh"

"Kilala mo ba si Shine Albama? Tumatakbo kasi siyang president sa student council, kaklase ko siya at mukhang maayos naman ang leadership niya."

Tumaas ang sulok ng labi niya.

"That bitch?" bulalas niya

Kung nagulat siya na tumatakbong president si Shine, nagulat din ako sa reaksiyon niya.

"Kilala mo? Bakit mo naman nasabi na bitch siya?" mukhang may alam si Lara. Naku tsismis ito.

"Alam mo Mika kung ako sa iyo, mag-iingat ako diyan sa Shine na yan."

"Bakit? Maganda naman siya, matalino-"

"Maganda, matalino pero may baho-"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil sa taong dumaan.

"Nice to see you again- Lara Jean"

Si Shine sa mapakutyang bati nito sa katabi kong si Lara na tila nawalan na ng dugo at nabuhusan ng yelo sa katawan.

Matangkad ng kaunti si Shine kay Lara, makikita sa kilos nito ang karangyaan. Hindi ko makuhang ngumiti dahil sa reaksyong ibinigay ni Lara sa kanya. Hawak ang kanyang mga libro nakasukbit sa kanyang balikat ang isang Chanel sling bag. Mataman niyang tinitigan si Lara bago dumako ang kanyang paningin sa akin.

"Mika right? I didn't know your friends with Lara."

"Ah, Oo." Matipid kong sagot.

"By the way, tomorrow is the election. Don't forget to vote me" makahulugang sabi nito habang pabalik balik ang sulyap niya sa akin at kay Lara.

"Oo naman." Sagot ko sa kanya.

"See you later in class Mika" sabay alis nito sa aming harapan.

Hindi na maipinta ang mukha ni Lara. At hindi ko din maintindihan kung bakit siya nagagalit. Taas baba ang kanyang dibdib sa pagpipigil nito ng galit.

"Ayos ka lang?" tanong ko dito

"Lara may hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Shine?"

Bigla niyang tinapik ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Iniwan niya akong puno ng pagtataka. Siguro nga magkaaway si Shine at Lara. Dahil tinuturing kong kaibigan si Lara. Gusto ko siyang unawain kaya naman pinalipas ko ang araw na iyon na hindi ako kinakausap ni Lara.

________________________________________________________________________________

Katatapos ko lang bumoto kaya naman lumabas na muna ako sa room para makapaglibot sa school. Free day ngayon dahil nga election day. Minabuti ko muna na magtungo sa park. Sa dating pwesto ako lumugar para hindi gaanong pansinin. Wala naman akong maisip na gawin kaya naman pinapanood ko ngayon ang mga naglalaro ng soccer.

Madami ding nanonood sa kanila sa malapitan. Mabuti nalang at dito ako pumwesto. Naghihiyawan ang mga tao tuwing nakaka score yung isang team. Kasama na dito ang isang lalaking matangkad at matikas ang pangangatawan. Siguro napaka gwapo nito sa malapitan kaya tuwing nakakapuntos ito ay nagsisigawan ang mga kababaihan. Hindi tulad ng pagtili nila kung nakaka score ang mga kasamahan nito.

Wala pa pala akong number ni Lara. Yayayain ko sana siya dito. Sa pagmumuni muni ko biglang tumama ang bola sa paanan ko. Napatitg ako dito. Iniisip ko kung sisipain ko ba o pupulutin nalang tsaka ihahagis. Bago ko pa makuha ang bola may nauna nang pumulot nito. Una kong napansin ang mga daliri ng kung sino mang humawak ng bola. Napakahaba at napakaganda. Mapapansin din ang mga ugat nito sa kanyang braso. Parang tumigil ang pintig ng puso ko nang nag-angat ako ng paningin.

"W-wade?" gulat kong sabi.

"Mag-isa ka yata ngayon- Mika."

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkabanggit niya ng pangalan ko. Kilala niya ako. Kilala niya ako!

"K-kilala mo ako?" naghuhumerentado kong sabi.

"Oo naman. Magkaklase tayo hindi ba? See you around. Tatapusin ko pa yung game." Pagkatapos ay kumindat siya sa akin bago niya ako iniwan doon na tulala.

Wade Mercado, yung sinasabi ko kay Lara na bago kong kaklase na napakagwapo at suplado. Pero heto at naalala niya ang pangalan ko. 

Among Us: Love or WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon