Prologue

87 3 0
                                    

Prologue

"Doc, may dalawa pa pong pasyente sa waiting room." Iyon ang sabi ng secretary ko rito sa clinic nang minsan pang pumasok siya sa loob ng consult room ko.

Mag-aalas-sais na ng hapon at hanggang 6:30 PM lang dapat bukas ang clinic ko, pero hindi ko naman hawak ang oras ko lalo pa't kung agaran talaga ang pagpapakonsulta ng mga pasyente.

If only my dad didn't ask me to go back here in the Philippines, malamang nasa Canada parin ako ngayon at nasa isang malaking hospital nagtatrabaho. Ewan ko ba dito sa ama ko at pinauwi ako bigla dahil pinatayuan na raw ako ng clinic dito ng wala man lang pasabi sa akin.

Ayokong umasa sa daddy ko lalo na sa asawa niya, I want to build my own career, my own setting and my own clinic pero ayaw ko rin namang maging swapang na anak at hindi tanggapin itong inalok niyang oportunidad sa akin.

"Carylle, the next patient please... Hand me the records." Utos ko sa secretary ko na agad naman nitong sinunod.

May ibinigay siyang slip ng papel kung saan doon nakalagay ang pangalan, edad, timbang at ilan pang mahahalagang impormasyon na kailangan kong malaman tungkol sa pasyente.

Ilang segundo kolang binasa ang mga detalye at narinig ko na ang batang lalaki na pumasok sa loob ng consult room.

"Hello, baby boy...." Bati ko sa bata at napatingin sa likuran niya nang mapansing wala siyang kasamang matanda. "Where's your guardian?" Nakangiti kong tanong.

"Dada! Dada!" Tawag ng bata sa kung sino man. Ilang segundo lang ang lumipas ay pumasok ang lalaking tinatawag niya.

I was sticked to my chair and my heart felt like skipping a beat when a familiar set of eyes gazed upon me. His eyes were not as welcoming and warm as before, instead they are visibly cold and no emotions. The familiar guy standing infront of me right now is acting as if he doesn't know me.

Seriously? Hindi dapat ako magulat hindi ba?

Dahan dahan siyang lumapit sa batang kasama niya at saka umupo sa upuang nakahanda sa harapan para sa mga pasyente at kasama ng mga ito.

"G-good evening sir..." Nauutal kong sambit, parang hinahalukay ang tiyan ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko napaghandaan ang pagkakataong ito. Bakit ngayon ka pa nagpakita?

"Ethan come here..." It's him calling his... uh... son? nephew? Wait, may anak na siya?

All of a sudden, the kid coughs and sniffs from his nose.

Umismid ako, masyado ata akong nadala sa atmospera ng pagkikita naming dalawa. Ako lang ata ang OA dito, ni hindi ko nga alam kung kilala pa ba ako ng lalaking 'to.

To ease the tension that I'm feeling inside my body, I tried to sit firm and proper. I also conditioned and composed myself as if there's nothing venting out inside my system. I shouldn't get easily affected by this man, because it seems like he doesn't care about my presence at all.

Pero bakit?

"He's not feeling well... Ilang araw na siyang inuubo, sinisipon, he even got a low-grade fever, and because of this he couldn 't sleep although may remedies narin kaming ginawa para maalis yung ubo niya pero hindi parin tumatalab." Fck. He is just explaining but all I can think of is how I miss his voice.

Para akong namingi, bakit ba ganito? Valerie, umayos ka! Doctor ka, you need to be professional huwag kang marupok!

Hindi ko alam kung paano pa naproseso ng utak ko ang mga sinabi niya pero mabuti nalang at naintindihan ko.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now