Chapter 4

56 1 2
                                    

Chapter 4

"Huy bakla, anuna? Kamusta ha?" Tinig ni Jazlyn ang naririnig ko ngayon.

Walang sawa niya akong kinakalabit dahilan kaya nagising ako ng tuluyan. Napakunot pa ang noo ko dahil sa kumirot ang ulo ko.

Napadaing ako ng pinalo ako sa pwet ni Jazlyn. "Anubaaaa..." Reklamo ko.

"Gumising ka na nga riyan! Ba't kasi naglasing lasing ka pa kagabi, as if namang pag naglasing ka babalikan ka ng ex mo?" Reklamo niya pabalik.

Dahil sa narinig ay napaupo ako at napasandal sa headboard ng kama ko. Napahilot ako sa sintido ko dahil patuloy paring kumikirot ang ulo ko siguro ay dahil sa hangover ko kagabi.

"Nakipaghiwalay siya sa akin eh, anong gusto mong gawin ko? Magpapiyesta?" Sarkastiko kong turan.

"Napakakulit mo kasi, dati kopa sinasabi sayo na hindi seryoso sayo yang Chandler na 'yan. Diba nga nagrounded ka na dati dahil sa kaniya? Tapos inalok mo na rin siyang ipakilala na sa daddy mo, pero ano? Tumanggi diba? Kasi nga hindi naman siya seryoso sa'yo... Pero ikaw, tanga ka, kaya pinagpatuloy mo pa relasyon niyo. Bilib din ako sayo at umabot pa ang relasyon niyo ng higit dalawang taon kahit pa hindi kayo legal sa kaniya kaniyang pamilya niyo." Tuloy tuloy na talak ni Jazlyn.

Napairap lang ako. "Ano, sesermunan mo lang ako?"

"Oo, sinabi ko kasi sayo hindi ka talaga mahal non! Tignan mo na, nakipaghiwalay sayo kagabi? Sa anong dahilan? Hindi malinaw diba?" Umikot ang dalawang mata niya pagkasabi ng mga katagang iyon.

"Nagsawa siguro siya sa akin?" Sabi ko.

"Gaga, kung mahal ka non, kahit magsawa siya hindi ka niya iiwan. Dalawa lang yan eh, it's either gago siya o talagang hindi ka niya mahal." Ani Jazlyn.

Pagkarinig ko noon ay humiga muli ako at nagtakip ng unan sa mukha.

"Mahal niya ako!" Sigaw ko habang nakatakip ang unan sa aking mukha.

"Siguro nga, kahit kaunti, kasi pinalipas muna niya ang finals natin bago ka niya hiniwalayan eh." Sarkastikong tugon ng babaitang kasama ko.

After almost three years of being on and off in a relationship, Chandler broke up with me with no clear reason. Basta isang gabi sinabi niya, ayaw na niya sa akin.

"What should I do?" Ani ko nang biglaang umupo muli at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Mag-ayos ka, sumama ka sa akin mamaya." Aya niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Homecoming ni kuya galing UAE," Sagot niya.

"Kuya Lawrence mo? Umuwi na siya?" Tanong ko pa.

Tumango siya, "Yup... Tapos na kontrata niya, saka diba sinabi ko sa'yo naibenta nila mama yung lupa namin sa probinsiya? Kahit papaano may pera at ipon naman na si kuya para makapag-aral sa flying school kaya umuwi na siya. Tinapos lang talaga niya yung kontrata niya." Aniya.

"Sama ako." Sabi ko.

"Tumayo ka na riyan! Mag-ayos ka na, before two pm dapat nasa bahay na ako may aasikasuhin pa ako sa bahay. Gusto mo bang sumabay sa akin o mauna na ako sa bahay?" Tanong niya.

"Anong oras ba talaga ang party?"

"Six pm pa naman." Sagot niya sa tanong ko.

"Hindi muna ako sasabay sayo. Anong gagawin ko doon diba? Malamang busy kayo doon," sagot ko.

"Ikaw ang bahala."

After that kumain muna kami ng umagahan. Nakita kolang si Yaya Astrid na naghahanda ng pagkain namin samantalang si Marah ay naghuhugas na ng mga napagkainang plato sa sink. Siguro ay kumain na ang ibang tao sa bahay at kami nalang ni Jazlyn ang hindi.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now