Chapter 5

36 0 0
                                    

Chapter 5

The rays coming from the sun is slightly hitting my face and the reason why I immediately feel awakened.

Naramdaman kong nasa malambot na kama ako kaya tumihaya pa ako at tuluyang nag-inat.

"Aaaaah!" I said while stretching my arms.

Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay bago tuluyang umupo sa kamang hinihigaan ko at hindi parin tuluyang minumulat ang mga mata. Naibukas ko lamang ito nang narinig ko ang pintuan na biglang bumukas.

Muntik ng mahulog ang panga ko nang makita ang isang lalaking kakalabas lang ng banyo at nakatapis pa ng tuwalya sa pang-ibaba.

"Sino ka?!" Agad kong tanong sa lalaking tila hindi naman nagulat na nakita ako. "Anong ginawa mo sa akin?!" Ani ko at tinignan pa kung may suot akong pang-ibaba at pinakiramdaman ang sarili kung may masakit ba sa pagkababae ko. Mabuti nalang at wala!

"Gising ka na pala." Sabi ng lalaking kakalabas lang ng banyo.

"Oo gising na ako! Ba't binabalandra mo yang katawan mo rito? Manyak!" Sambit ko at tinakpan ang mga mata. Shet, bakit ngayon kolang tinakpan?!

"Wala sa banyo yung damit ko. Kukunin ko sa cabinet.... Cover your eyes if you want to missed something that is wonderfully made." Nakangisi ang lalaki matapos sabihin iyon at dumiretso patungo sa cabinet na katabi ng kama na hinigaan ko.

Tinakpan ko talaga ang mga mata ko, anong akala nito? Mag-eenjoy ako sa view?

Habang nakatakip ang mata ko hindi nakalagpas sa akin ang aftershave scent ng lalaking ito. His scent is so manly to the point that I could smell it all day.

"Pwede mo ng alisin yang nakatakip sa mata mo." Aniya pero hindi ako gumalaw. "I'm fully covered, miss." Dagdag pa niya kaya tuluyan ko ng inalis ang mga kamay kong nakatakip sa mata ko.

Pagkadilat ng mga mata ko muntik ng mahulog ang puso ko dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Nakatitig siya sa akin habang nakalapit ang mukha sa tapat ng akin. Kailangan pa niyang yumuko ng kaunti para pagpantayin ang mga mukha namin.

"Sino kaba?!" Tanong ko sa lalaking kaharap ko. "Manyak ka noh? Rapist?"

Ngumisi ang lalaki. "Ikaw tong natulog sa kwarto ko tapos ako pa sasabihan mong manyak?"

Kwarto niya 'to? Teka nasaan ba ako? Hinalughog ko ang buong kwarto at napansing hindi ko nga ito kwarto! Shet! Lagot ako neto kay daddy.

Tumayo agad ako at tumakbo patungo sa pintuan pero dahil bigla itong bumukas natamaan ang ulo ko!

"Aw!" Nasapo ko ang ulo ko dahil sa mahinang pagkakauntog nito sa pintuan.

"Huy, bakla!" Napagtanto kong galing kay Jazlyn ang boses na iyon. "Anong ginagawa mo riyan?" Concern na tanong niya.

Nang makabawi sa pagkakauntog ay hinarap ko na si Jazlyn.

"Anong nangyari kagabi? Bakit nandito ako? Saka sino ba 'yang lalaking yan?" Sabay tingin ko sa lalaking pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. He is totally clothed and smirking from ear to ear. Gwapo ka sana, nakakairita nga lang.

"Lasing na lasing ka kagabi, kung ano anong ginawa mo. Hindi mo ba matandaan?" Tanong ni Jazlyn sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Anong pinaggagawa ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Gusto mong malaman?" Narinig kong sinabi ng lalaking kasama namin sa kwarto. Nanlaki ang mata ko dahil nakangisi ang loko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now