CHAPTER 07

264 16 1
                                    

IAN'S POV (IONI'S BROTHER)

"Kumusta na kaya ang kapatid nyo don?"

Nakatingin lang kaming tatlo kay Mama. Kanina pa sya palakad-lakad sa harapan namin.

"Ma, pwede bang umupo muna kayo?na-i-stress ang handsome face ko oh,"reklamo ni Ivan habang nakahawak sa sentido.

Tadyakan ko kaya to, no?kapal eh.

"Eh, sa nag-aalala ako sa kapatid nyo eh. Alam nyo namang ngayon lang nakalabas ng probinsya si Ioni, baka may mangyari don,"Nag-pa-panic na sabi ni Mama habang patuloy parin sa palakad-lakad.

"Ma, wag kayong mag-alala kay sister. Engot lang yon pero matalino sya. Oras na oh, kami yung nahihilo sa ginagawa nyo eh,"segunda ni Ion.

"Yun nga yung mahirap eh, engot siya–engot!"ani Ivan, kaya agad ko naman siyang binatukan. ngumuso naman ang tukmol.psh!

"Siguradong tulog na rin yon ngayon, at isa pa, tatawag naman yon satin kung may problema eh."Sabat ko habang nakahawak pa sa sentido. Maski ako ay nahihilo na rin sa ginagawa ni Mama. It's already 12:30:00 am in the morning for Pete's sake!Wala pa kaming tulog mula pa kanina. Nag-woworry din kami na baka mapano si Mama sa kaka-panic nya.

"Eh paano kung napahamak na sya?anong gagawin natin?"sabi pa ni Mama.

"Ma, nahihilo na ako."sabat ulit Ivan.

"Ma, matulog na tayo. oras na oh, siguradong tulog na si bunso, sige na."Pamimilit ko naman.

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nasisigurong maayos ang lagay ni Ioni."Nanginginig na ang kamay na sabi ni Mama.

Paano ba sya pakalmahin?anong gagawin namin?

"Osige, i will call Xandra para makasiguro tayo kung ayos lang si bunso,"sabat ko.

Napatingin naman sakin sina Ivan at Mama.

"Tama!Ang galing mo talaga kuya!"segunda ni Ion kaya inirapan ko nalang sya. Kahit kailan talaga abnormal.

Umayos sila nang upo maging si Mama ay umupo narin sa tabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni Xandra. good thing at kabisado ko ang number nya.

~Ring~Ring~Ring~

"Oh, hi kuya Ian. Napatawag ka?is there a problem?"Bungad nya kaya napangiti naman ako.

"Uhmm..sorry ah, mukhang nagising ata kita,"Nahihiya kong sabi, mukha kasing pagod ang boses nya.

"No, don't worry. Hindi naman ako natutulog eh, actually pauwi pa lang ako galing hospital. Pagod lang ako hehe,"bahagya pa siyang natawa kaya natawa din ako.

"Oh by the way, bakit ka nga pala napatawag?"Dagdag nya.

"Itatanong ko lang sana kung nagkita na kayo ni bunso?"Tanong ko sabay tingin sa kay Mama at sa mga Monggoloids kong kapatid.

"Ah yes, nagkita na kami kanina. Nandon na sya sa bahay and i'm sure na nagpapahinga na yon ngayon"Sagot naman ni Xandra.

MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now