CHAPTER 47

204 4 0
                                    

IONI'S POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Inaantok man ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Inaantok akong nag-unat at iginala ang mata ko. Napatayo pa ako sa gulat ng makitang wala na si Zander sa kama niya! At lalo akong nagulat sa kumot na nakabalot sakin!

Nagtataka ko iyon hinawakan. "Nagkumot ba ako??

"Teka, Nasan na 'yon?"nagtataka kong tanong.

Pero lalo lang ata akong nagulat ng mapansing maayos at malinis ang buong kwarto!Nakaayos ng mabuti ang mga unan at kumot, wala na rin ang pagkain na nakalagay sa maliit na mesa kagabi.

'Kinain kaya niya?'

Mabilis akong pumunta sa banyo at malinis din iyon!Paanong..

"Naglinis ba siya?"naguguluhan kong inilibot muli ang mata ko. "Pero may sakit siya kaya paanong.."

'Psh!Baka naman pinalinis niya lang sa iba!'

"Eh bakit hindi sakin?"kontra ko sa sarili ko.

'Malamang tulog ka, shunga!Nahiya ata sa nakanganga mong bunganga kaya hindi kana ginising'

Nakanguso akong nagkamot ng ulo. Sakto namang tumama ang paningin ko sa orasan. Alas nwebe na!

"Puta!"nagmamadali kong iniligpit ang kumot na nakabalot sakin kanina at mabilis na bumaba.

Gago!Bakit kasi hindi niya ako ginising?!

Nagmamadali akong bumaba habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko dahil hindi ko na nagawang kumuha pa ng suklay!Siguradong bubungangaan at susungitan na naman ako ni Cancer kapag nakita akong nakatunganga!

Gago naman kasi siya. Dapat ay ginising niya ako! Ano nalang sasabihin sakin ng mga ibang nagtatrabaho dito?Lalo na don sa naglinis sa kwarto niya! Mamaya isipin pa niyang favorism si Cancer! Naku, magkakaroon pa ako ng kaaway nito eh!

Pero ganon nalang ang paghinto ko sa huling baitang ng hagdan ng makita ko sa si Cancer sa sala!

Nakaupo ito sa isang single na couch habang nakapandekwatrong pangbabae st nagbabasa ng dyaryo. May kape rin sa tabi niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng dyaryo. Pero shuta!Ang hot niya sa posisyon niyang iyon!

Lihim akong napalunok. Pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan. Ano ba 'to?

Hindi ko magawang humakbang dahil pakiramdam ko ay nangatog bigla ang mga tuhod ko. Hindi ko rin maiintindihan ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Para akong aatakihin sa sobrang kabog nito! Sinusumponh ba ako ng hika ko?

'Hindi naman ganito' kontra ko sa sarili ko

"I guess you're not going to stand there just to stare at me?"

Ganon nalang ang gulat ko ng bigla itong magsalita. Dahan-dahan niyang ibinaba ang dyaryong hawak niya dahilan para mas makita ko ang gwapo at presko niyang mukha. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot ito ng salamin na bumagay naman talaga sa kaniya.

"You have to stop that. Baka masanay ka, mahirap yan."mayabang itong ngumisi, prenteng kinuha ang kape niya para uminom.

Para akong tanga na nakasunod sa bawat galaw niya. Wala rin akong mahanap na salita na sasabihin sa kaniya.

"What?Tatayo ka na lang ba dyan at tititigan ako?" ayun na agad ang naiinis niyang boses. Wala pa man ay nawawalan na siya ng pasensya sakin.

MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now