Chapter 8

23 2 0
                                    

CHAPTER 8:

"Hello?" Sinagot ko ang tawag dahil kanina pa ito nagri-ring kahit tulog na ako.

Kung sino man ang taong tumawag ang kapal ng mukha niya... walang respeto sa tulog ko.

"Lumabas ka nga" sabi ng tao sa kabilang linya.

Aba! Ang demanding naman nito pero sino nga ba ito? Tiningnan ko ang pangalan at si Altair pala.

3:46 am

Basa ko sa oras sa aking cellphone. Ang aga-aga naman manggulo ng taong ito.

"Panira ka ng tulog, ngayon nga lang ulit ako nakatulog ng mahimbing tapos sisirain mo pa" sabi ko habang nakapikit ang aking mga mata.

"Lumabas ka sa inyo" sagot lang ni Altair. "Bilisan mo"

Aba teka lang naman, siya na ngang nakaabala sa tulog ko tapos ang demanding pa.

"Madaling araw pa kaya at bakit naman ako lalabas sa amin?" tanong ko naman.

"Malamang dahil nandito ako sa labas ng bahay niyo"

Sa gulat ko ay agad akong napabangon sa aking kama at dali-daling pumunta sa bintana niyong kwarto ko at hinawi ang kulay puting kurtina para sumilip sa labas ng aking na  nasa harap nitong bahay.

Nakita ko ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming bahay at siya naman ay nasa labas ng sasakyan. Ang ilaw lamang sa harapan ng aming bahay at sa poste ang tanging liwanag sa oras na ito. Siguro ay nakita niya ako kaya kumaway siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Labas ka nga para malaman mo"

Lalabas ba ako o hindi? Pero wala naman akong choice dahil nasa labas na siga at makokonsensya ako pag pinahintay ko pa siya.

"Sige lalabas ako wait lang"

"Bigyan kita five minutes"

Wow, siya pa itong nanggising tapos siya pa ang demanding.

"Huy! Ang demanding mo na-"

Hindi ko na natapos ang aking sinabi dahil pinutol na niya ang tawag.

Kinuha ko muna ang susi ng aming gate na nasa loob ng aking bag bago lumabas sa aking kwarto.

Pagkalabas ko sa aming bahay ay agad rin siyang tumawid kaya dali-dali kong binuksan ang aming gate.

"Bakit ka na naman nandito? Manggugulo ka na naman ba?" tanong ko habang nakatayo sa labas ng aming gate. "Ngayon nga lang ako nakabawi sa tulog tapos gigisingin mo ako ng ganitong oras? Respeto naman sa beauty sleep ko"

Hindi ito sumagot at sumenyas lang na papalapitin ako pero hindi ko ginawa at nasa tapat lang ako kung nasaan siya.

"Lapit ka nga" sabi nito.

"Demanding mo naman, ikaw na yung nanggising ng tao tapos papalapitin mo pa bahala ka diyan"

"Sige magtitigan nalang tayo"

Unti-unti na akong nainis sa taong ito.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo ay maghanap ka nalang ng ibang gugulohin mo dahil babalik na ako sa pagtulog"

Akmang papasok na ako sa gate ng bigla niyang hinawakan ang aking palapulsohan para pigilan ako.

"Ano na naman ba? Bakit ka nga nandito?" naiinis ko ng tanong.

"I just want to ask a favor"

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa paghawak sa aking palapulsohan bago siya sinagot.

Sanctuary amidst Chaos (completed)Where stories live. Discover now