Chapter 37

25 1 0
                                    

Chapter 37:

"Thank you talaga Alex! You are a life saver" paulit-ulit kong sinabi habang nasa bahay niya ako.

Bumalik ulit ako ng Cebu kahit isang buwan palang ang nakalipas ng huling punta ko rito.

"Ano ka ba? Stranger ka ba ha? Maka thank you ka ay para ka kung sino e parang kapatid na nga kita" sabi niya habang karga ang natutulog niyang anak.

"Baka gumising yang anak mo ay ma-stress ka pa lalo" sagot ko naman para tumahimik na siya.

"Happy stress kaya utong baby ko no" sabay paghalik kay Alvin paniguradong mama's boy ito paglaki.

Natatawa lang ako dahil motherhood really did change her maliban nalang sa pagmamahal niya sa kulay pink na nagpapasalamat akong lalake ang anak niya dahil kung babae pa edi pink na siguro ang bawat sulok ng bahay nila.

"Anong oras ba ang balik mo para mapaghanda kita ng pagkain"

"I will just text you in case dahil kung late ang buyer ay paniguradong matatagalan ito" sabi ko habang papasok na sa pinahiram niyang kotse sa akin.

"Drive safely Raven and no using of phone while driving" paalala niya.

"Yes po mommy!" pang-aasar ko sa kanya at sinara na ang pinto baka batukan pa ako.

Bumalik lang naman ako ng Cebu dahil sa utos nila mama na ibenta ang rancho, it was a huge sacrifice they had to make dahil parati lang sila labas ng pera para doon kaya nalakihan na sa gastos. Hindi na ako kumontra pa ng sinabi nila sa akin ito, alam kong pinag-isipan talaga nila ito ng sobrang tagal and they did the best choice.

I'm sure na maiintindihan naman nina lolo kung nasaan man sila ngayon ang desisyon nila papa, if they won't then wala na silang magagawa dahil napagdesisyonan na. Alam rin naman siguro nila na mahirap rin para sa kanila ang bitiwan yun.

Ang buyer naman ay gustong doon pa sa rancho pirmahan ang mga papeles kahit pwede namang magkita dito sa siyudad pero dahil sabi niya ay gusto niya munang makita ang lugar ay doon nalang kaya pinagbigyan ko na para matapos na rin at wala na akong koneksyon pa sa Cebu maliban nalang nina Alex at tito Henry. I don't even know kung pati ang resort ay binenta rin nina papa, I just stopped asking about it a long time ago.

Maaga pa naman, malapit ng mag tanghali pero maaga pa para sa akin. Eleven in the morning at kahit na kagabi ako dumating ay pinili kong mag maneho pa rin papunta doon kahit na nag-offer si Alex na driver niya nalang ang mag maneho pero tumanggi ako dahil sa kanila na nga ako tumira tapos magpapa-maneho pa ako. Its good to be back here and driving gaya noong nasa law school pa ako.

Buti na nga lang ay nakarating rin ako agad dahil walang traffic kaya hindi ako inabot ng dalawang oras sa daan.

Pumasok lang ako dahil nakabukas na ang lumang gate at nadaanan ko ang cafe na lalong sinira ng panahon kaya dumiretso na ako sa maliit na conference room na mabuti nalang ay hindi nasunog noon.

Pagkalabas ko ay may mga lalakeng mukhang mga body guard dahil sa nilalagay nial sa tenga nila at puting uniporme at marami rin sila. The buyer must be super rich.

"Raven Ortera?" tanong ng isa sa kanila na nakaharang sa pinto ng conference room.

Nararamdaman ko na ang kaba pero binalewala ko ito at tumango lang kaya tumabi siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Good morning sir sorry if I kept you waiting" sabi ko ng makapasok na ako.

Nilatag ko sa malaking lamesa ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan, hindi naman ako concerned sa bayad dahil tapos na kaya nga wala sa plano ko itong pag-uwi ko.

Sanctuary amidst Chaos (completed)Where stories live. Discover now