Chapter 22

16 1 0
                                    

Chapter 22:

"Lagpas na sa dismissal time pero hindi pa rin nag-didismiss" narinig kong sabi ng lalakeng naka-upo sa likod ko. 

"Hindi ka pa nasanay parati naman yang ganyan, alam mo na may katandaan na rin" sagot ng kaibigan niya.

I didn't mind them dahil napansin ko ng nagsisimula ng magligpit ang prof sa kanyang mga gamit kaya malapit na itong mag dismiss, yan ang routine niya sa tuwing malapit na siyang matapos sa discussion niya at ang huling bagay na pinapasok niya sa bag ay ang kanyang ballpen. Mga sit-in naman yun sa klase kaya hindi ko rin sila kilala.

"If you don't have any questions you may leave the class and to those students that I have mentioned make sure to be back after fifteen minutes"

Nagmadali na akong tumayo sa aking kinauupoan at lumabas na ng classroom. Hinahanap ko yung notes ko dahil para ipa-review kay Sheena dahil mag-reretake siya sa written exam ngayon. Mas naiintindihan niya kasi ang mga notes ko kaya pinahiram ko sa kanya pero nakalimutan ko itong ibigay sa kanya, wala na siyang choice kundi mabilisang basahin ang mga nakasulat rito.

"Madali lang yung exam na yan wag kang mag-alala" sabi ko habang hinahanap pa rin yung notes.

"Raven! Bye! Ma una na ako" paalam sa akin ni Alex na kumakaway sa akin.

I just waved back and mouthed my goodbye dahil sa pagkaabala ko. Sobrang gulo na ng bag ko dahil sa paghalughog ko nito.

"Bakit biglaan pa kasi yung pag-announce niya sa mga kailangang mag-retake ng exam" naiinis na sabi ni Sheena habang nagbabasa sa libro.

"Ito na, basahin mo yan may sampong minuto ka pa para diyan" at inabot ko na sa kanya ang sampung pahina kong notes. "isipin mo nalang na panghatak yan ng grado mo at paniguradong kaya mo naman yan e"

Abala rin ang ibang mga estudyante sa pagbabasa ng kanilang mga notes habang ako ngayon ay panay ang tanong kay Sheena tungkol sa mga naaalala kong topics.

Himala nga na ang terror na guro namin at nagbigay ng tsansa para sa mga bumagsak sa huling written exam namin, noong isang araw lang niya sinabi.

"Punta ka sa last page kung gusto mo yung summary na ang basahin mo, pampa-refresh lang sa utak" sabi ko ng namalayan kong nanginginig na ang kanyang mga kamay.

She's an over thinker, parati nalang paano kung babagsak siya o kung ano pa yan. Yung mga negative thoughts ang pinapasok niya sa utak kaya parating natataranta at kinakabahan.

"Kaya mo yan, ikaw pa" I said comforting her.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto ng classroom na hudyat ay kailangan na nilang pumasok.

"Good luck" sabi ko ng papasok na siya ng classroom.

Alas sais na ng gabi pero nandito pa rin ako sa eskwelahan, maliban sa hinihintay ko si Sheena na hindi pa rin tapos sa exam ay nag-submit na rin ako ng mga kulang kong requirements dahil na busy rin ako noong christmas break, ang dami kasing demands ni papa na pati bahay namin ay pina-renovate niya.

Kakatapos ko lang mag-submit at ngayon ay kasalukoyang nagtatambay sa basement canteen dahil may aircon at kaunti lang ang mga tao. Sasakit lang ang paa ko kung hihintayin ko siya sa labas ng aming classroom dahil bawal naman umupo sa ledge at medyo nakakatakot na rin itong eskwelahan tuwing sasapit ang gabi, medyo may kalumaan na rin kasi.


Raven:
Nandito lang ako sa basement canteen, call me kung tapos ka na.


Tinext ko lang si Sheena, sinadya ko talagang hintayin siya para na rin ay mahatid siya sa kanila. Kung mag-cocomute lang siya ay malamang lutang yun dahil sa kakaisip kung tama ba ang mga sagot niya, nadukotan na rin kasi siya dahil kahit gabi na ay nag-commute pa rin kaya mas mabuting ihatid ko talaga siya.

Sanctuary amidst Chaos (completed)Where stories live. Discover now