Chapter 14

17 1 0
                                    

Chapter 14:

"Where's my sweetheart?" malambing na pagkakasabi.

Narinig ko ang isang boses kasabay ang pagsarado ng pintuan at gumuglong na maleta. Kasalukoyan akong nasa hapag-kainan, kumakain ng hapunan habang suot pa rin ang uniporme dahil hindi na nakayanan ang sobrang gutom habang nasa daan at naka pony tail ang buhok dahil sa sobrang init.

Kaka-uwi ko palang galing exams and a little bit of study out pagkatapos dahil sobrang haba rin ng coverage para sa exam namin bukas, hindi na ako inabutan pa ng madaling araw dahil pina-uwi na ako agad ni mama para sabay kaming kumain.

Ng narinig ko palang ang pamilyar na boses ay agad akong napatayo at dumiretso sa kung saan ito galing. Hindi ako magkakamali dahil boses yan ni papa, kabisado ko na ang boses niyang malambing pero strikto kung ibang tao ang kausap niya.

"There you are!" masayang salubong niya sa akin ng tumakbo ako at sinalubong siya ng yakap.

"I miss you pa!" sabi ko habang yakap pa rin siya.

ISang mahigpit na yakap ang salubong ko sa kanya na tinanggap rin niya.

"I miss you too sweetheart"

He calls me sweetheart, I don't know why but maybe its because mahilig rin talaga ako sa sweets or maybe he just likes that word.

"Its good to have you back pa" ngiti kong sinabi habang nakatingin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala na umuwi si papa.

Bumalik na ako sa hapag-kainan habang si mama naman ay abot tenga na ang ngiti nito.

"Kaya naman pala pina-uwi ako agad ni mama at medyo marami rin ang hinanda, uuwi pala si papa" tukso ko sa kanilang dalawa.

I really admire their relationship dahil kahit ilang taon ng kasal at malayo sa isa't-isa ay ramdam ko parin ang kanilang pag-iibigan. I wish to have a relationship just like what they have kung ikakasal man ako pero malayo pa yan, not in my vocabulary pa ang salitang yan.

Matagal rin kaming hindi nagkita ni papa, siguro ay mahigit pitong buwan rin. Kanina pa ako nagtataka kung bakit parang may birthday sa dami ng mga ulam na nasa hapag-kainan na may spaghetti at kinilong lechon nga, uuwi naman pala si papa.

"Tapos na po yung project mo pa?"

"Hindi pa pero nakasingit kasi ako ng leave kaya sinamantala ko na dahil siyempre malakas ka sa akin e"

Sabi nito sabay niyang inilagay sa aking plato ang chicken skin ng fried chicken at balat ng lechon na alam kong paborito rin niya, nagmana kaya ako sa kanya.

"May pasalubong ka po?" I kiddingly asked.

Okay lang naman kahit wala, I just miss him so bad. KOntento na ako sa presensya niya.

"Of course princess, makakalimutan ko pa ba ang patakaran mo dito na 'no pasalubong no entry'?"

Tumawa kaming tatlo. How can I forget that? Noong bata pa kasi ako ay may dinikit ako sa pinto na 'no pasalubong no entry' dahil nagtatampo ako sa tuwing aalis si papa, inutusan ko pa noon si manang na ipa-laminate yun para hindi mabasa kung uulan man at aabot kung kailan uuwi si papa.

"Talaga po? Okay lang naman pa kahit wala"

Masaya na akong sabay tayong kumakain dito sa hapag kainan. This house feels lively again.

"Well, wala ka ng magagawa dahil bumili na ako pero mamaya ko na ibibigay pagkatapos nating kumain"

Tumango lang ako at nag-usap lang kaming tatlo tungkol sa mga bagay gaya ng project ni papa doon sa Maynila, sa progress ng mga ginagawang construction sa rancho at kung kumusta ang pag-aaral ko, para rin magka-ideya talaga kami sa mga kaganapan sa mga buhay namin.

Sanctuary amidst Chaos (completed)Where stories live. Discover now