KABANATA 3

240 47 15
                                    

Te Amo, Mi CieloI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Te Amo, Mi Cielo
I

Hunyo 6, 1750
Sa Bayan ng San Asuncion

"Binibini, hindi ba't ngayon tayo magtutungo sa pamilihan?" tanong ni Catalina sa amo niyang si Victorina na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagbabasa sa hawak niyang aklat at mukhang walang balak na gumayak.

"Iyon ay ipagpaliban na muna natin. Marami pa akong dapat na pagka-abalahan dito sa bahay," tugon ni Victorina nang hindi pa rin inaalis ang paningin sa hawak na aklat. Wala naman talaga siyang mahalagang gagawin, gusto lamang niyang tapusin ang binabasang nobela. "At kung maaari, ibig ko sanang ipagtimpla mo ako ng tsaa," utos pa nito sa kaniyang kasambahay.

"Binibini, huwag niyo sanang masamain ngunit baka magalit ang donya kapag nalaman niyang hindi pa nakahanda ang inyong kasuotan para sa nalalapit na pagpupulong para sa kaarawan ng gobernador heneral," nababahalang usal ni Catalina sa kaniyang amo. Marahil ay siya na naman ang makakagalitan ni Doña Carmen kapag nalamang hindi pa nakahanda ang anak nito.

"Bueno, ipaghanda mo na ako ng tsaa at ako'y maliligo na rin sa aking palikuran," pagpapakalma ni Victorina sa kaniya.

Sinunod nga ni Catalina ang utos ng kaniyang amo habang si Victorina ay naligo na rin at naghanda para sa kanilang lakad. Pagkatapos maligo ay nagpatuyo ito ng katawan at buhok at isinuot ang kaniyang asul na baro na tinernuhan ng asul din na saya. Naglagay din siya ng kaunting kolorete sa kaniyang mukha para mas lalong mapatingkad ang taglay niyang kagandahan. Isinuot niya rin ang paborito niyang mga bakya na iniregalo pa ng kaniyang ama.

"Binibini, narito na ho ang inyong tsaa. Pinagdala ko na rin kayo ng mainit-init pang kakanin," wika ni Catalina at ibinigay ang mga dala niyang pagkain kay Victorina.

"Salamat. Saluhan mo na rin ako," ani Victorina ngunit tumanggi si Catalina dahil ito'y nahihiya.

Nang matapos ni Victorina ang kaniyang agahan ay inanyayahan na niya si Catalina na magtungo sa pamilihan. Nagpaalam muna sila kay Doña Carmen na abala sa pagbuburda. Wala ngayon si Don Antonio sa kanilang tahanan dahil abala siya sa pag-aasikaso sa kanilang hacienda at maging sa mga tungkuling ginagampanan nito sa kanilang bayan.

"Catalina, ikaw na ang bahala sa aking unica hija. Tiyakin mong makakauwi kayo nang walang galos," habilin ng senyora bago sila hayaang lumisan.

Sakay ng kanilang kalesa na pinatatakbo ng dalawang kabayo ay sinamahan sila ni Mang Kanor patungo sa pamilihan. Hindi maiwasang mamangha ni Victorina habang pinagmamasdan ang napakalawak na hacienda na pinaghirapan pa ng kanilang mga ninuno. Hanga rin siya sa kaniyang ama dahil nagawa niyang panatilihin ang taglay nitong ganda at kapayapaan.

My Love from 18th Century [COMPLETED]Where stories live. Discover now