KABANATA 25

132 45 24
                                    

"Liam, paumanhin ngunit sa aking palagay ay hindi ito ang tamang oras upang makipag-biruan," saad ni Victorina, umaasang nagbibiro lamang si Liam at hindi totoo ang sinasabi nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Liam, paumanhin ngunit sa aking palagay ay hindi ito ang tamang oras upang makipag-biruan," saad ni Victorina, umaasang nagbibiro lamang si Liam at hindi totoo ang sinasabi nito.

"Wala sa vocabolary ko ang pagbanat ng isang hindi magandang biro. Hindi ko ugaling magbiro nang nakakasakit sa kapwa," seryosong tugon ni Liam.

"Ngu-ngunit hindi ako naniniwalang magagawa ko iyon. Hindi kailanman sumagi sa aking isipan na paslangin ko ang aking mga magulang. Maging ang saktan sila ay isang napakalaking kasalanan para sa akin," nanginginig ang tinig na wika ni Victorina. Maging ang mga kamay at tuhod niya ay nanlalambot na rin.

"Victorina, sinasabi ko lang kung ano ang nakasaad sa kwento. Si Leanna na lang ang sisihin mo," sagot ni Liam sa kaniya. Inabutan niya ng tubig ang dalaga nang mapansing namumutla ito.

"Leanna? Siya ba ang iyong kapatid?" naninigurong tanong ni Victorina. Nanginginig na rin ang kaniyang mga labi.

"Tama ka, siya rin ang gumawa sa inyong kwento," saad ni Liam. "Manang-mana talaga siya sa akin. Akalain mo? Ang bata pa niya pero nakagawa na siya ng nobela," pagmamalaki niya pa. Hindi talaga maiwasan ni Liam na ipagmalaki ang kaniyang kapatid sa sinumang taong kaniyang kaharap.

"Kung ganoon, bakit ang salimuot naman ng ginawa niyang kwento? Hindi iyon makatarungan para sa akin!" pagpoprotesta ni Victorina.

"Siguro, para ipakita niya na maging ang pinakamabuting tao ay maaaring magbago lalo na kapag napupuno na siya sa mga ibinibigay ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Gusto rin niyang ipakita ang maaaring kalabasan ng pagpupumilit natin sa mga bagay na imposibleng makamit," wika ni Liam. Napatitig na lamang si Victorina sa kaniya.

"Sinasabi mo bang kasalanan ko kung bakit nangyari iyon?" ani Victorina.

"Binibini, kung tutuusin ay wala ka namang kasalanan dahil si Leanna lang naman ang may kontrol sa lahat ng bagay na ginagawa mo," sagot sa kaniya ni Liam.

"Kung ganoon, kontrol din ba niya ang mga nangyayari ngayon? Ang pagkausap ko sa iyo?" naguguluhang tanong ni Victorina.

"Ang komplikadong ipaliwanag pero ang pagkakaalam ko ay gumamit ng mahika si Madam Arlyssa para magawa mong mabuhay katulad ng isang normal na tao," tugon ni Liam.

"Magtitiwala na lamang ako kay Ginang Perez. Hindi naman siguro niya ako pababayaan," nag-aalala ngunit pilit na pinapakalma ni Victorina ang kaniyang sarili. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang palda dahil sa tensyong nararamdaman. "Nasaan nga pala ang iyong nakababatang kapatid. Nais ko siyang makilala. Hindi ba siya magagalit kapag nalaman niyang ipinasuot mo sa akin ang kaniyang mga kasuotan?"

"Nasa Laguna sila ngayon para sa booksigning niya. Pinasikat lang naman siya ng ginawa niyang kwento tungkol sa inyo. Huwag kang mag-alala dahil nagmanang mabait sa akin iyon at hindi siya magagalit na sinuot mo ang mga damit niya," saad ni Liam.

My Love from 18th Century [COMPLETED]Where stories live. Discover now