chapter 15

4.5K 157 0
                                    


----kinabukasan------

Lorie POV*

6:00 am

Maaga akong gumising dahil kailangan Kong gisingin ang pinsan Kong tulog mantika dahil Baka ma late nanaman yun sa klase at abotin pa ng topak sa ulo at hindi pa pumasok habang buhay

Tok*tok*

Tok*

Tok*

"Hoy babae gising na "

"Alexx!!" Sigaw ko pa pero  wala paring Alex na nagmumura sa loob kaya kumatok ako uli pero wala pa rin

"Hoy babae ,gising na !"

"Alexxx ,hoy tayo na dyan !" Sigaw ko dito sa labas pero wala parin

*Toktoktoktok..*-malakas na katok ko sa pintuan at halos mamula na ang kamao ko pero wala parin

San naba yung babaeng yun ?,baka kinain na sya ng kama nya kaya hindi na sumasagot

"Aray ,sakit na ng kamay ko huhu ,alex gising na kasi"

"Ahh ma'am wala napo dyan si miss Alex" hiyang wika ng napadaan na katulong kaya napanguso nalang ako

"Nasaan sya ?" Tanong ko

"Maaga po kasi syang umalis papuntang MU daw"sagot nya kaya napasimangot nalang ako

Yun naman pala wala eh ,sinapian pala ng kasipagan hmm...

" ah sige salamat "ngiting wika ko at agad namang umalis si layra

Langhiya nagpakasakit lang tong kamay ko tapos wala naman pala ang babaeng yun sa loob pshhh...

Napag pasyahan ko nalang pumunta sa kwarto ni kambal para gisingin sya at masundan namin yung babaeng yun sa school dahil siguradong naliligaw nanaman yun.hay nako bakit ba kasi hindi sya mang hingi ng mapa sa principal's office!.pwede naman yun imbis sa nag papakahirap syang maghanap sa letseng klasrom nya tsk..tsk..

Hay talaga naman, kung minsan talaga may pagkatanga rin yung babaeng yun eh

------------------

Zenrie POV*

Alas singko ako nagising dahil kailangan Kong isauli itong motor na hiniram ko sa bata kahapon para lang maka uwi ako sa bahay ng mabilis .alangan namang wag ko itong isauli noh

" Jairan Madreal ,Madreal Residence ,block 4 -black gate "basa ko sa nakasulat sa papel at may pirma pa sa ilalim  kaya napagpasyahan kong pumasok na ng village para maisauli na ang motor at makapunta na ako sa MU at mahanap ang letseng klasrom ko

Makahingi nga ng mapa sa principal mamaya.

" hoy miss bawal basurera dito sa village "sita saakin ng guard pero nilagpasan ko sila

" miss sandali ,halika dito"wika ulit ng guard kaya tinigil ko ang motor at lumingon sa kanila

"Ako " turo ko sa sarili ko kaya tumango naman ang mga ito kaya bumaba ako ng motor at lumapit sa kanila

"Bakit?" Tanong ko sa kanila pero nag sitawanan lang ang mga ito

"Hahaha,anong klaseng ayos yan hahaha pang madre hahaha"tawa ng tatlo

" Bakit ?"tanong ko ulit sa kanila

Mauubos oras ko sa mga to eh..

" ah hahahaha  ehem  miss ,parang hindi ka tiga dito ah haha"wika ng guard rat parang matatawa pa

Tinignan ba naman ako mula ulo hanggang paa tss..alam kong mukha akong weirdo pero anong magagawa ko kailangan eh

Naka oversized t shirt at jeans na ewan ko kung anong kulay mukha kasing baka.  kulay itim at puti kasi ang kulay.hindi pa kasi ako nakakabili ng mga bagong damit at hindi rin naman ako komportableng mag short o kaya palda yak.

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon