chapter 28

3.3K 143 0
                                    


Author//si Liana yung nasa taas  ∆🔝⬆⬆
                                          

---------

Liana POV*

Kay dali lang ng araw at pasukan nanaman  , dahil lunes na ngayon at makikita ko nana man ang mga taong ansarap bitayin at ang mga estudyanteng sarap patahimikin dahil sa sobrang iingay at walang humpay sa painggitan ng mga gamit nilang mamahalin tsk...mga ignorante!

"Hoy Liana ,Alis na tayo bilis ,sunduin daw tayo ni Lorie !" Sigaw ng maingay kung kasama sa bahay na si nally na sisigaw sigaw sa labas ng kwarto ko na parang kinakatay na baboy

"Hoy lia bilis bilis yung kilos ,papunta na daw yun!" Sigaw nya pa saakin at kinatok katok pa ng malakas ang pintuan ko

Kulit..ansarap busalan yung bibig eh!

"Maghintay ka nga ,Hindi naman tayo kakainin ng babaeng yun eh" wika ko at binuksan ng malakas ang pinto dahil natapos na ako sa pagbibihis ng lintek na unipormeng toh tskk...sarap itapon eh

Bogshhhh....rinig Kong lagabog pagbukas at pagbukas ko palang ng pintuan dahil natumba lang naman ang maingay kong kaibigan dahil nakasanday pala sya sa pintuan

"Aray!lia naman eh!!" Reklamo nya habang nakadapa parin at hinahampas hampas ang sahig

"TSS...tumayo ka nga dyan kung ayaw mong gawin kitang daanan " banta ko dahil nakaharang ang buo nyang katawan sa sahig

"Ehhhhh!!!ikaw naman kasi eh" reklamo nya pa at tumayo kaya ako naman yung hinampas hampas nya ng kamay nyang sintigas ng ulo nya

"Alam mo bang maskit na ha" inis Kong wika habang patuloy parin sa pagbaba ng hagdan

"Tsk..Ewan ko sayo ,alam mo ba kung anong araw ngayon?" Masayang wika nya at tumalon talon pa kaya napakunot ako ng noo

"Edi lunes ,araw ng pasukan TSS.." Wika ko at tumalikod na sa kanya pero pinigilan nya ako dahilan upang mapaharap ako sakanya

"Ikaw naman lia eh,wala kabang naaalala kung anong araw ngayon?" Tanong nya pa

"TSS..Hindi ko nga alam " maang Kong sagot dahilan upang mapasimangot ito

Hahahaha..akala nya naman nakalimutan ko ,pero syempre maang maangan muna ako dahil mamaya balak ko syang isupresa kasama yung nga kaibigan naming halos ilang bwan na din naming Hindi nakikita at darating sila mamaya

"Akala ko ba ,susunduin nya tayo ,eh bakit wala pa yun?" Takang tanong ko dahil hanggang ngayon at wala parin si Lorie na susundo daw saamin

"Hoy dalawang ipis ,kailan pa ba kayo lalabas dyan !" Sigaw ng kung sino sa labas na si Lorie pala na ngayon ay bored na nakasanday sa kotse nya

"Sino yung kasama nya?" Nakasimangot na tanong nally at nginuso pa ang kasama ni Lorie na nakaupo sa loob dahil nakabukas ang bintana kaya kitang kita ko ito kung paano matulog
Kaya lumabas na kaming dalawa kaya ito namang kasama ko ay galak na lumapit agad Kay Lorie at may patalon talon pang nalalaman

"Oh anyare sayo bat parang nakahithit ka nanaman ng katol"takang wika ni Lorie Kay nally na ngayon ay masaya at nakangiting aso sa harap ni Lorie at mayamaya ay talon ng talon

" eh lorie ,alam mo ba kung anong araw ngayon?"masayang tanong nya kaya nanlaki naman ang nga mata ni Lorie na syang ikinalaki pa ng ngiti ni nally
At binabantayan ang susunod na sasabihin ni Lorie

"Shit !pumasok na kayo ,quiz pala tayo Kay mrs.Santos ,hala Hindi tayo pwedeng malate !" Kabang wika nito na syang ring ikinangamba ng loob ko kaya dali dali naman kaming pumasok sa loob

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon