chapter 23

3.7K 124 3
                                    

The trouble maker Zenrie alexine sa itaas⬆⬆⬆

Kinabukasan...

Ashton POV*

Kabababa ko lang ng sasakyan at bumungad agad saakin ang mga estudyanteng nagsisik sikan sa isang lugar at nag bubulungan dito sa parking lot

"Hala grabe diba second year yan "

"Oo nga noh tignan nyo brutal talaga ang pag ka tapos sakanya "

"Grabe mabuti nalang at maaga akong nakauwi "

" Sino kaya yung may gawa nyan ?"

"Siguradong yung gumagalang killer yung gumawa nyan "bulongan ng mga estudyante kaya nagka roon na ako ng ideya at bahagyang lumapit sa lugar

Nagsisimula nanaman sila ..isip ko at naglakad papunta sa mga estudyante

" tabi"wika ko kaya nag sitabi na ang mga estudyante kaya bumungad sa akin   ang isang katawan ng lalaki na maraming sugat at pasa sa mukha at mayroon rin itong hiwa sa leeg na siguradong yun ang paniniwalaan ng iba na dahilan ng pagkamatay nito

"Pinuno -shit!anong nanyari dyan?" Gulat na bungad nila vince pagkalapit at pagkalapit palang nila sa pwesto ko at halos lahat sila ay napamura sabay turo sa gilid na bahagi ng bangkay

"Sila nanaman to sigurado" seguradong wika ni zero at pinulot ang isang itim na rosaryo na katabi lang ng bangay habang hawakhawak ito kaya  agad itong kinuha ni Vince at  binigay saakin kaya napaisip ako ng malalim dahil sigurado akong Hindi to sakanila at peke lang tong nasakamay ko

"Sa HQ bilis " utos ko sakanila at mahigpit na hinawakan ang rosaryo

"Pumasok na kayo sa mga klase nyo at walang lalabas " paalala ko sakanila dahilan upang madaling nagsitakbohan ang mga estudyante sa kani kanilang klasrom

"Buhatin nyo" Utos ko sakanila kaya naman nagtulakan pa sila kung sino and mag bubuhat ng bangkay

"Hoy Vince buhatin mo daw"

"Anong ako sabi nya buhatin nyo edi ibig sabihin tayo" wika ni Vince

"Buhatin mo nalang kasi zero ,tutal malakas kanaman eh"

"Ano ! Ako ? Pagbubuhatin nyo ng bangkay "pagtangngi no zero dahilan upang nakangiti silang napatingin saakin kaya tinaas ko ang kamay Kong may bali ng dahil sa babaeng yun

"Oh bat ako tinitignan nyo ,masakit yung mga kamay ko kaya hindi ko yan mabubuhat " pagtanggi ko dahilan upang mawala ang mga ngiti nila

"Hoy!ikaw at yung kasama mo!" Sigaw nitong kumag na si peter sa naglalakad na dalawang lalaki kaya mabilis naman itong nagsilapit dahil sa takot

"Buhatin nyo yan at sumunod sa amin" utos ni peter kaya binuhat naman ng dalawa ang bangkay hanggang sa nakadating na kami sa HQ

------

HQ-

"Bumalik na sila" wika ni kiron sabay lapit sa bangkay ng lalaki

"Hindi sila yung pumapatay " wika ko kaya napa maang sila sinabi ko

"Bakit naman pinuno?" Tanong nila at

"Dahil peke to at Hindi totoo ,dahil kung totoo to edi dapat sumabog na to pati ang katawan ng lalaking yan " paliwanag ko at sinipa pa ang bangkay na ngayon ay nakadapa na at doon bumungad ang isang may kalakihang  butas na siguradong isang grupo lang ang may gawa

"Nakikita nyo ba yang butas" wika ko sabay turo sa butas na ngayon at nangingitim na kaya napatango naman ang mga ito

"Ang black rosary gang ay hindi naglalagay ng butas sa target dahil ang mismong rosaryo mismo ang tumatapos sa target ,at kung totoo nga tong rosaryong to edi dapat lasog lasog na ang katawan nyan dahil nga ang bawat bilog ng rosaryo ay parang maliliit na bomba at kahit isang bola lang nito ay kayang tumapos ng isang target dahil sa sobrang lakas nito " paliwanag ko sakanila dahilan upang ma pa tango tango sila

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon