chapter 63

2.5K 126 33
                                    

Continuation......

Dark queen's POV*

"Fuck!!" Rinig kong sigaw ni devil Sabay sangga sa katanang hawak ngayon ni third habang idinidiin sa kanyang leeg habang sya ay iniipit nito sa pader

"Ayssttt....di ko to gustong gawin pero kailangan"iling iling na wika ko sabay pulot ng isang makapal na kahoy na bahagi ng nawasak na lamesa at malakas itong hinampas sa likod ni third ngunit laking gulat ko na lamang ng Hindi ito tumama sakanya ,dahil sa may isang braso ang sumalo rito kaya napatigin ako rito na ngayon ay may nakakakilabot na ngising nakapaskil sa kanyang mga labi

" alam mo ba kung Anong gagawin mo binibini"ngising wika nito sabay Kuha ng kahoy sa kamay ko sabay hila sa aking braso papunta sakanyang pwesto at mahigpit akong hinawakan sa leeg kaya ngayon ay sakal sakal nya na ako
Habang dahang dahang itinataas sa ere dahilan upang kapusin ako sa hangin kaya pilit kong tinatanggal ang malakas nyang mga braso sa leeg ko ,na napag tagumpayan ko naman ng magawa kong sipain ang kanyang than dahilan upang bumagsak ako sa sahig at mag agaw hininga habang nakahawak sa leeg ko at ibinaling sakanya ang aking tingin

"Hmmm...matalino ka binibini ,ngunit Hindi mo na yata iyan magagamit kung isa kanang malamig na bangkay " malademonyong wika nito sabay pulot ng isang katana sa sahig at agad akong sinugod kaya halos napapikit nalamang ako sa kaba dahil alam kong Hindi nyo ako nakikilala kahit na sino pa saamin sa sitwasyon nya ngayon ,dahil alam naming lahat na isang demonyo na ang namumuhay ngayon sa kanyang loob dahil lamang sa isang patak ng dugo

"Bahala na" nawika ko nalang at inihanda ang aking ulo ,dahil alam kong mawawalan na ako ng ulo ngayon

"Nawa'y mapatawad ka nya" wika ko sa isip ko at tuluyan ng pumikit at hinihintay na lamang na kitilin nya ang aking buhay ngayon at ora mismo

"Mga pasaway" rinig kong wika ng kung sino sabay sa malakas na pagbagsak

Blaggg*rinig kong tatlong sunod sunod na bagsak na tunog na kasabay lamang ng narinig kong Boses na sobrang pamilyar saaking pandinig ,dahilan upang mapamulat ako ng dahan at sa pagmulat ng aking mga mata at doon ko na ulit at kauna unahang nakita ng malapitan ang isang nilalang na syang kinatatakutan at iginagalang ng katulad kong matagal na sa GW

Ito ay nagmamay-ari ng isang purong itim na dyamanteng maskara na tumatabon sa kanyang mukha na tanging mapupulang labi at kulay berdeng mata nya lamang ang makikita habang hawak hawak ang kanyang sandatang di mo iisiping maaaring makapatay at humati ng daan daang tao sa kahit isang kisap lamang ng mata dahil sa talim nito't tibay .

Ang black rosary na syang pag aari ng Empress  o mas kilalang  DEATH ,the DEATH CROSS OF THE BLACK ROSARY ....

"Dalhin ang mga sugatan sa hospital ,ako ng bahala sakanila ,first at fifth dalhin nyo yung dalawa " huli nitong wika dahilan upang sumunod si fifth at first na ngayon ay akay akay ang dalawang babae na nag ngangalng third at second habang ang lalaki na nag ngangalang fourth naman ay hila hila ng empress na agad namang nag laho sa dilim ganon din ang buong BRG na akala ko ay matagal ng Hindi nabubuhay sa mundo at tanging mga legend na lamang

----------------------

Pageant -

Kinabukasan *

Third person's POV*

Lahat ay nagagalak at sobrang nasasabik na sa Mr.and Ms.Royalties ,dahil nga sa ngayong araw ito gaganapin at halatang nag hahanda na ang mga estudyanteng kasali sa pageant ganon din ang mga make up artist at ang mga humahawak ng dresser room para sa bawat kandidato at kandidatang kanilang aasikasohin na nagmula sa ibat ibang section at grado

Kasalukuyang inaayos na ng mga organizer at sinusuyod nila ang bawat parte ng stage kung sakali mang may problema o may delikadong mga kagamitan na makakasira sa gaganaping pageant

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon