☆¤~•Chapter 1•~¤☆

21 3 0
                                    

Uhmm Hi everyone!!! Meet me!!

Angelina Grace Jerson is my name. My brother Nizol called me Eli, while my sister Thea called me Grace. Hay ewan ko ba sa mga yun kung bakit ganun ang mga naisip nilang itawag sakin. Basta kayo, I want you to call me Angel. Yan kase ang mga tinatawag ng mga kakilala ko sakin eh. By the way, Im 17 years old and studied at JERSON's Academy.

JERSON's Academy is our own school. Si mom and dad po ang nagpatayo niyan. I dont know kung ano talaga ang totoong story niyan. Si kuya at ate kase ayaw magsabi eh. Ewan ko ba sa mga yun.

"Maam Angel, tawag po kayo ni Señiorita sa baba" rinig kong boses ni Nanang Jing mula sa labas ng kwarto ko.

"Coming!!" sabi ko nalang at dali daling niligpit ang higaan ko. Haha!! Kakagising  ko lang kase eh.

Anyway, yung Señiorita na sinasabi niya ay si Tita Sabelle. Siya yung nag aruga at nagpalaki sa amin ni Kuya Nizol. Matagal na kaseng wala ang mga magulang namin eh ayun kay Kuya. I dont know kung ano ang ibigsabihin niya eh. Basta yun yung sinabi niya, wala na daw. Nakakalungkot ngang isipin ehh. Dahil wala akong alam sa mga nangyare. Actually, baby pa kase ako nun eh.

Nga pala, kung matanong niyo kung asan si Ate Thea, well she's already enroled in another ACADEMY. Di ko alam kung saan yun, basta ang alam ko nag tranafer na siya.

"Eli!!" boses ni Kuya "Bilisan mo na nga dyan!! Ano bang ginagawa mo??! Magpapaganda? Haha wag ka ng mag effort wala naman tayong bisita sa labas ehh. At tsaka kahit anong gawin mo di parin magbabago ang itsura mo!" dagdag niya pa.. Tingnan mo to! Tatawag na nga lang manlalait pa. Alam niyo, yang kuya kung yan ay di ko alam kung talagang kuya ko nga yan. Ehh di naman kase yan ang ugali ko ehh. Tsss... Hayaan na nga! Basta pag ako makakaganti sa kanya bahala siya dyan😞

Lumapit  ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko dun ang seryoso at nakacross arms kong kuya na ngayon ay nasa harapan ko. 'Hahah! Taray ng gurl' sabi ko sa isip ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.  Dahilan para kumunot ang noo niya.

"Pfftt..." pagpipigil ko ng tawa dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya.

"Happy??" sabi niya

"Bwahahha!!! Kuhang-kuha mo si Tita Sabelle pag ganyan ang posisyon mo kuya. Inshort parang babae ka sa posisyon m-- teka, gurly kaba ate este kuya?" tanong ko dahilan para tingnan niya ako ng masama. Haahaha ang Cute ni Kuya pag naiinis.

"Tsss.. Lalaki ako! Halika na nga! Daldal ka nang daldal diyan, baka mas lalong lumaki yung bunganga mo!" sabi niya at tsaka bumaba na. Haha pikon.!

'Angel 1 point! And Kuya, 0' nakangiti kong sabi sa sarili ko bago bumaba.

"Heyy Iha! Good Morning!" masiglang bati sa akin ni Tita Sabelle pagkababa ko. Katabi niya si Tito Samuel at kaharap naman ni Tito si Kuya then sa tabi ni Kuya, ako ang uupo diyan. Haha actually kay Ate Thea ang pwestong yan pero dahil wala pa siya ako muna. Hahahah!! Gusto ko lang kaseng mang-inis eh. "Oh! Siya Iha, sabayan mo na kaming kumain" sabi naman ni Tito Samuel kaya umupo ako sa tabi ni Kuya. Nakita ko namang tiningnan ako ni Kuya ng 'what-are-you-doing-look' pero di po english. Hahaha asa naman kayo, ehh di marunong mag English yan eh.Haha jwk lang po,, sa totoo lang magaling po yan😁

"Hindi yan ang pwesto mo, dun ka sa tabi ni Tita!" sabi ni Kuya at tsaka binaling ulit ang tingin sa pagkain.

"Dito na muna ako! Ang init dun eh at tsaka wala akong maiinis" sabi ngunit pabulong na yung huli. Siguradong di niya yun maririnig... Napa "Tsss" naman siya matapos kong sabihin yun.

"Hoy tumigil na nga kayo dyan! Nasa harap tayo ng pagkain tapos mag aaway kayo?" saway ni Tita Sabelle samin

"Ehh si Kuya kase Tita, ayaw niyang tumabi ako sa kanya. Parang maglalambing lang eh" i said while pouting. Nakita ko naman si Kuya na napa irap

"Ehh naglalambing lang naman pala itong kapatid mo Nizol eh. Ikaw naman nasobrahan na sa kasungitan" pagtatanggol ni Tita sakin. Tiningnan ko naman si Kuya na nakatingin sa akin ng masama, at tsaka ko siya lihim na benelatan.

"Oo nga po Tita, siguro nung nag paulan ng kasungitan si Papa God, siguro nasalo niya lahat" patawa kong sabi dahilan para matawa si Tita ngunit si Tito at Kuya hindi natawa. Hahah magkakampi kase ang mga yan eh.

"Hahaahahhahaha" tawa namin ni Tita. Ngunit agad din naman iyon nawala nung nakita kong tiningnan ako ni Tito ng masama. Tiningnan Ko naman si Kuya na ngayo'y naka smirk na.

"Tama na nga yang tawa na yan!" Saway ni Tito sa amin "Ay oo nga pala, Angel nag usap na kami ni Tita Sabelle mo." dagdag niya pa. Bigla naman akong naging  Curious.

"Usap?? About what?" nagtatakang tanong ko

"Kahapon lang, may dumating na sulat galing sa ANGEL's ACADEMY. Academy kung saan ka namin ilipat." bigla naman akong nalungkot da narinig mula kay Tito

"Bakit ho? Masaya naman po ako sa School ko eh. At tsaka, ba't kailangan ko pang mag transfer? Diba mas maganda nga na nasa JERSON's ACADEMY ako eh dahil sa mismong paaralan ko ako nag aaral. Sa paaralan kung saan ang nagtayo ay ang mga magulang ko. Tito, Tita,, tanging yun nalang po ang natitirang ala ala nila sa akin." paiyak ko ng sabi. Alam kong mababaw pero kung kayo ba sa posisyon ko  di kayo maiiyak? Kayo ba na nagkaroon ng tanging isang bagay galing sa mga taong mahal mo tapos kukunin sayo. Anong mararamdaman niyo.?

"Iha, di naman namin sinasabi na kukunin namin ang kaisa-isang alaala na yan eh. Malalayo lang yan sa'yo pero di mawawala. Iha, makinig ka. Tandaan mo tong sasabihin ko sayo." sabi ni Tita sa akin at tsaka nagbuntong hininga. "Sa paaralan na yun, magiging masaya ka. At-- basta! Alam kong maging masaya ka dun. Isipin mo nalang na para din ito sa mga magulang mo. Sigurado ako pag nandito sila, hihilingin nila yang kaligayahan na yan sayo." pagkocomfort sakin ni Tita

"Masaya? Pano ako magiging masya kung wala dun ang taong mga mahal ko" nakita ko namang ngumiti si Tita at Tumayo at tsaka pumunta sa akin.

"Basta! Maniwala ka lang sa akin, sa amin. Para din ito sa kaligtasan mo." sabi niya at tsaka umalis na. Kaligtasan?? Bakit? Makikidnap ba ako? O may gustong pumatay sakin?

"Tito, Kuya, ano ba ang ibig niyang sabihin?" tanong ko. Ngunit sa halip na sagutin ako, ay ngumiti lang si Tito, si Kuya naman parang walang narinig. Tss... Asa ka namang ngingiti yan.

"Basta, wag ka nang magtanong. Para din ito sa kaligtasan mo. Bukas kana pala aalis kaya mag impaki kana" sabi naman ni Tito at tsaka umalis na din.

"Bukas, gumising ka ng maaga, ako maghahatid sayo." sabi ni Kuya at tsaka..... Umalis?  Hay naku! Ano ba problema ng mga yun?

"Manang?? Pakiligpit po ng pinagkainan." sabi ko at nag walk out. Haha! Kala nila sila lang may paa ha. Kala nila sila lang marunong umalis.!

Pero tama si Tita Sabelle di naman mawawala yung alaala na yun eh. Malalayo lang ako pero di yun mawawala. Pero pano na sila dito? Mamimiss ko sila eh? Especially yung kolokoy este masungit kong Kuya. Mamimiss ko ang mga pinaggagawa ko sa kanya. Mamimiss ko ang itsura niyang naiinis. Hahhahaha.

Pero.....

Ano na nga ba ang desisyon ko?

*•*~*•*~*•*~*•*~*•*~*•*
Please vote and Comment
JLice29❤💕 

LOST ACADEMYWhere stories live. Discover now