☆¤~•Chapter 2•~¤☆

8 3 0
                                    

Hi! Good Morning everyone! Isang panibagong umaaga na naman. Hahaha nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Pano ba naman tinandaan ko yung bilin ni Kolokoy este ni Kuya Nizol  na gumising daw ako ng maaga dahil siya ang maghahatid sa akin. Siyempre! Ngayon lang ata ganyan si Kuya no. Haha! Sigurado ako, mamimiss niya ako.

Ay nga pala, nakapag desisyon na po ako. Pumayag na ako sa gusto nila! Wala naman kaseng choice eh. At tsaka one year lang naman ako dun. One year lang naman ang titiisin ko para di sila makita. Kaya, yakang yaka ko yan! Ako pa!

Agad na akong nagbihis nang color Maroon na Shirt na may print na Kitty Angel. At pinarisan ng Jeans na White. At tsaka tumingin sa salamin.

"Naku, Merry pasensiya kana ha? One year tayong di magkikita. Pero hayaan mo, dadalhan kita ng pasalubong. Bago ako uuwi dito, dadala ako ng mga stickers at iba pang pwedeng idesign sa yo. 'sigh' Gusto sana kitang dalhin kaso di kana kakasya sa maleta ko." sabi ko sa harap ng salamin ko. Haha Merry is the name of my Mirror. Sabi nila, pag mahalaga sayo ang isang bagay, papangalan mo ito at kakausapin.

Tiningnan ko naman ang maliit kong salamin na nasa tabi ng maleta ko at kinuha. "Kaya si Baby Merry nalang muna ang dalhin ko ha. Wag kang mag alala aalagaan ko siya" sabi ko pa. Alam ko iniisip niyo na baliw na ako, pero ano magagawa ko, sadyang malapitin ako sa mga bagay katulad na lamang ng salamin, cellphone, higaan, alarm clock at iba pa. Ewan ko ba, pero sa tuwing kinakausap ko sila, nagiging masaya ako. Siguro dahil sa importante sila sa akin.

"May plano ka pa bang bumaba diyan!! Aba sabihin mo na kung hindi dahil may importante pa akong pupuntahan!!" alam niyo na ata kung sino yan ano? Haha walang iba kundi si Kuya. Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko siyang nasa harap nito. Walang kaimo-imosyon ang mukha niya.

"Asus! May pupuntahan daw" sabi ko sabay kurot ng mahina sa tagiliran niya. "Wag ka nang malungkot diyan kuya, alam ko mamimiss moko, pero wag kang mag alala dahil one year lang naman ako dun. Babalik din naman ako agad. At tsaka, dadalhan pa kita ng pasalubong."panunukso ko sa kanya dahilan para mas lalo siyang mainis.

"Tss.Kapal mo!" sabi niya at tsaka umalis. Luhh Grabi si Lolo este si Kuya.

Tss.. Hayaan na nga!

Sumunod na ako sa kanya sa baba para magbreakfast pero wala ako sa mood kumain ngayon, para atang naging excited akong makita ang new school ko. Ewan ko ba pero, etong exciting na nararamdaman ko ay may halong kaba.

"Good Morning Iha" nakangiting bati sa akin ni Tita. Nilapitan ko naman siya at tsaka nag beso. Ganun din kay Tito, at... Wag napo kayong umasang makipag beso si Kuya especially sa akin.

"Good morning din po" sabi ko at tsaka umupo na, nakita ko namang tiningnan ako ng masama ni Kuya pero agad din naman iyong nawala nung mapansin niyang tinitingnan din siya ni Kuya.

"Uhmm.. Iha, salamat naman at pumayag ka. Pangako, di mo pagsisisihan ang desisyon mo" sabi pa ni Tita while smiling. Tiningnan ko naman si Tito na gaya ni Tita, nakangiti din.

"Iha, alam kong magiging masaya ka dun. Pero ito ang lagi mong tatandaan. Wag mong kalimutang 'mag ingat' " sabi ni Tito ng nakangiti at umalis... Haha ang hilig ni Tito mag walk out. Napabaling naman ako kay Kuya na ngayoy (◎_◎;) nakangiti pero agad din naman iyong nawala nung tiningnan ko siya.

"Ayiiee kuya, ang cute mo palang ngumiti" panunukso ko sa kanya "Pero bakit palagi kang nakasimangot??" takang tanong ko pa. Nakita ko namang napabunyong hininga siya

LOST ACADEMYWhere stories live. Discover now