☆¤~•Chapter 5•~¤☆

11 4 0
                                    

"Welcome to LA, Ms. Kim and also for Ms. Angelina" bati niya ngunit nakatalikud parin. Napatingin naman ako kay Aira na gaya ko'y nagtaka rin.

"P-pano niyo po nalaman?" takang tanong ko. Tumayo naman siya at humarap sa amin. Whoaa!! Ganda naman niya, ang puti niya at ang kinis ng mukha. Naka suot siya ng uniform ng teacher at gaya ng pader, ginto din ang kulay nila. May maliit din itong kwelyo at manggas na medyo kumikinang din. Tapos yung,, nasa kanan na bahagi, malapit sa dibdib niya ay may pangalang,, Headmistress na naka lagay, tapos sa abba nito ay nakalagay na Ms. Raffa.

"Well, well, well" this time, pumunta naman siya sa direksyon namin at tiningnan kami mula ulo hanggang paa at unti unting inikutan. "Nakita ko kayo kayo sa labas kanina. Kaya inutusam ko si Rein na papasukin kayo dito. Alam ko kaseng BAGO palang kayo dito." tapos niyang sinabi yun ay bumalik siya sa kanyang upuan. At parang may hinalungkat sa table niya.

"Umupo muna kayo" sabi niya,, umupo naman kami sa may table.

HM
table > yan kami
Ako Aira

"Ms-"

"Its HM" sabi niya pa habang naghahalungkat pa rin

"Uhmm HM Raf, sa totoo lang po, ako lang po dapat ang papasok dito. Eh may emergency po kaseng nangyare, kaya napasama nalang po itong si Aira. Matanong ko lang sana kung na inform na po kayo ni Kuya niyan" sabi ko sa kanya, tumigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Ms. Angelin--"

"Angel nalang po"

"Ok, Ms. Angel, may nag inform na sa akin before kayo dumating" sabi niya at kumuha ng dalawang brown envelope at binigay sa amin. Yan siguro yung hinahanap niya kanina. "This is a form. Fill up-an niyo nalang" sabi niya at tsaka binigyan kami ng tig iisang ballpen na mala ginto ang kulay

>ang laman ng form<
Name: Angelina Grace Jerson
Age: 17
Birthdate: January 29, 2004
Height: 1.76
Weight: 45kg
What kind of manipulator??? - ???
Signature: ѧňɢєʟıňѧ

>finish<

Di ko na inaseran ang pang six kase wala akong alam diyan. Kaya sinuli ko naman ulit sa kanya. Si Aira ganun din nasauli na niya pala.

"Etoh ang susi ng Dom niyo,, dun kayo sa,,," tiningnan niya pa yung papel na malapit sa table niya "room 29 Ms Angel and room 10 Ms. aira" sabi niya at tsaka binigay sa amin ang malagintong susi. Sayang! Di kami magkadorm ni Aira. "Si Rein na ang maghahatid sa inyo sa dorm niyo͡° ͜ ͡° " dagdag pa niya dahilan para taka ko siyang titigan. Rein? Sino si Rein "Yung kasama niyo kanina papunta dito, yun si Rein" ahh si Ate Rina pala yung sinasabi niya. Pero, umalis na yun eh.. Hay!! Bahala na nga,. Nagsimula na kaming umalis at nasa tapat na kami ng pinto niya. Binuksan ko ito at laking gulat ko na bumungad sa aking harapan si Ate Rina.

"Oh ate Rina, akala ko may aasikasohin kapa" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Haha wala. Natapos ko na. Sige, hali na kayo" sabi niya at nauna ng maglakad. Marami kaming mga nadaanan pero kahit ni Isa wala akong nakikitang estudyante. Siguro dahil sa susunod pa na araw yung pasukan.

"Uhmm young ladie-"

"Angel and Aira nalang po" sabi ni Aira

"Oo nga naman,, masyadong pormal ehh. Di po kami sanay" pagsasang ayon ko

"Pasensiya na kayo, yan kase yung kasanayan ko eh. Pero dahil sa sinabi niyo, Angel at Aira nalang" sabi niya at tsaka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa dumating kami sa may hagdan na kulay ginto at puti, actually stripe po siya at nasa gilid nito, ay may pangalang, WELCOME TO DOMINATORY tapos may arrow pa na naka turo papunta sa way kung saan ang hagdan.

Nagsimula na kaming umakyat hanggang sa umabot kami sa pinakadulo nito. Isang paraya namang kulay ginto na pinto mula sa harapan ko papuntang kaliwa ang aking nasilayan. At Mula sa harapan ko papuntang kanan ay puro kulay pilak ang kulay ng pinto. Actually yung pinto na nasa harapan ko ay may kulay ginto sa kaliwa at may kulay pilak naman sa kanan at pareho pa ito ng numero (room 1 gold) and (room 1 silver)

"Yang mga gintong pinto na yan, ay nagsisimbolo ng kwarto ninyong mga babaeng estudyante at ang pilak naman ay para sa mga lalaki" paliwanag ni Ate Rina

"Ehh yung nasa harapan po?? Yung dalawang room 1?? Para sa ano po yan??" takang tanong ko

"Uhmm yan? Ehh hindi ko alam eh.. Ang alam ko si HM lang ang nakakaalam niyan at ang mga royalties" royalties? Sino sila?

"Ehh royalties po?? Sino po sila? At tsaka yung HM po bakit po Hm yung tawag? Di po ba pwedeng Ms. Principal?" Tanong ko dahilan para kumunot ang noo ni Ate Rina

"HM is Shortcut of Headmistress or Headmaste. At tsaka Principal? Di na ata uso dito yan friend. And yung Royalties?? Hmmm... Wag mo namg itanong yan At tsaka wag ka ng maraming tanong,, at excited na akong mameet ang dorm ko." excited na sabi ni Aira at tsaka hinatak ako. Ay!! Nandito pa pala siya?? Kala ko wala na,, bago ko lang kase siyang napansin na nagsalita eh😅

After a couple minutes....

Ayun, nakarating na ang bruha sa dorm niya. Na meet pa nga niya este namin pala yung ka partner niya. At alam niyo po ba kung anong sabi??

'Hi! Fulinyce is my name but you can call me Fulyn. 18 years old and Ice manipulator. Hehhe welcome to your dorm partner!' sabi at tsaka hinatak si Aira at isinara ang pinto. Di man lang kami pinansin? Ay, ang bad naman😞. Pero ok lang, total gaya ni Aira, excited din naman akong mameet yung partner o makakasama ko sa dorm ko eh.

"Uyy, Angel hintayin mo ko, ang bilis mo namang lumakad." reklamo ni Ate Rina. Di ko namalayan na nauna na pala ako sa kanya. Haha,, yun siguro yung sinsabi nilang,,, excited much😁

"Hehe sorry po. excited lang" sabi ko at tsaka nag Peace sign.

"Ahh ganun ba?" sabi niya at tsaka tumingin sa isang pinto na nasa tabi namin. "14 room palang tayo,, ehh sa ano ka bang room?" tanong niya,, tiningnan ko namn yung susi na binigay sakin nung HM kanina.

"Room 29 ho" sabi ko

"Aysst ang layo pa pala, sige magteleport nalang tayo" teleport?? Ano yun?

"Ahhh ate,, ano po yung telepor--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinawakan, kasabay nito ang biglang pagka-- pagka.... A-ano to??

*•*~*•*~*•*~*•*~*•*~*•*
Hihihi... Hello mga silent readers!! Kaway kaway naman po diyan!
Pagpasensiyahan niyo na po yung grammatical errors or mga wrong typos ko ha,, di pa kase edited yan, pero yaan niyo, i-editin ko yan kung may time ako. Sorry din dahil pangit yung,, yung alam niyo na,, yung story ko. Bago palang po kase ako eh... Heheh sana naman po magustuhan niyo. Heheh thank u po,, sana po ma enjoy niyo po ito.

Wait, lang po! Pahabol lang,, need kopo ng ibang characters,, ehh sa wala po akong maisip ehh,, pwede ba kayong mag suggest?? Hehebsana po yung unique lang.. Mga ten characters lang po yung need ko,,...

Thanks again sa pag support sa story,, sana subaybayan niyo pa ito at suportahan lalo. Pleade vote vote and vote para masaya,, and comment, comment, comment para maingay!!

Tag te-ten votes po bawat chapter, then mag uupdate ako ng 5vor more chapters.. Hhehe

Babyeee po,,
Hope you enjoy it!
Love po kau ni Ms. J
**********************
JLice29❤💕

LOST ACADEMYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن