Chapter 21

25 3 0
                                    

DOMINICK's POINT OF VIEW

Grabe, ang sakit ng ulo ko. Halos wala akong maalala kagabi dahil masyado akong nalasing sa dami ng alak na nainom ko. Ang alam ko lang ay nakita ko si Sanya sa bar kagabi. I don't even know if it is just a dream or not.

Isama pa ang malakas at walang tigil na pagkatok ng sino mang nasa labas ng kwarto ko. "Sandali lang!" inis kong sigaw habang yamot na pinagbuksan ng pinto.

"Dominick, your Daddy told me to inform you that you should arrive in his office before ten o'clock. May two hours ka pa para pagbihis" malumanay na sabi ni Veronica.

Masamang umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa utos ni Daddy. "Sabihin mo sa kanya na hindi ako pupunta" walang gana kong tugon at pagsasarhan na sana siya ng pinto pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Ang balita ko, tungkol sa mga Capistrano ang pag-uusapan or to be specific, tungkol kay Sanesha Yamien Yamada" nakangiting dagdag ni Veronica.

Awtomatiko akong naging interesado at lumingon sa kanya. "What about her?"

Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know, kaya nga pinapupunta ka roon." Tinap niya ang balikat ko. "Dominick, if you need me, huwag kang mahihiyang lumapit sa'kin"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit kalian, hindi ko kakailanganin ang tulong mo" inis kong saad bago malakas na isinara ang pinto. Ayaw ko sa lahat ay mukha niya ang makikita ko. Mas lalo lang akong naiinis.

Naalala ko ulit ang sinabi ni Veronica, tungkol kay Sanya ang pag-uusapan pero bakit naman? Hay, nakakapagod mag-isip kaya mas mabuting magbihis na'ko agad.

Isang oras pa bago mag alas dyes ng umaga, nakarating na ako sa office ni Dad. "Ang aga mo naman basta si Sanya ang usapan" nakangising bungad ni Dad. Umupo ako sa bakanteng armchair at kaharap siya. Ang aga-aga, alak at tobacco agad ang inaatupag. Ganyan ba ang huwarang doctor? Tsss.

"Moderate lang ang iniinom ko" bigla siyang nagsalita. Alam na lam niya kasi kung anong iniisip ko ngayon kaya hindi na lang ako kumibo nang mahulaan niya.

"Don't waste my time, sabihin mo na sa'kin kung anong tungkol kay Sanya" utos ko sa kanya.

"Basta kay Sanya talaga, maagap ka pa kaysa sa mga responsibilidad mo sa kumpanya" kumento ni Dad.

Responsibilidad ko rin si Sanya kaya mas una siya at ang anak namin kaysa sa kung ano pang bagay. Pero hindi ko masabi kay Dad kasi inalisan ako ni Sanya ng karapatan sa kanya at sa anak namin.

"Sorry to say pero pinapunta talaga kita para sumama sa meeting, para mas mahasa ka pa sa pag-manage nitong kumpanya once matapos mo ang degree mo" nakangiting sinabi ni Dad bago sinindihan ulit ang kanyang tobacco.

Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magsalita sa kanya dahil ayaw kong tuluyang mawalan ng respeto. Nagtitimpi lang ako pero gustung gusto ko nang magwala. Sinasabi ko na nga ba, ginagamit niya lang ang kahinaan ko para manipulahin ako ng sarili kong ama. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hinahayaan ko lang gawin niya 'to lahat sa'kin, kaya nawala si Sanya sa'kin dahil na rin mismo sa kaduwagan ko.

Nagtaka kami ni Dad dahil sa biglaang pagpasok ng secretary niya dito sa office nang hindi man lang kumakatok. Balisa ang mukha niya. "Sir, may nagpupumilit pong pumasok at gusto raw po kayong makausap"

"May appointment?" tanong ni Dad pero umiling lang ang secretary niya kaya napatayo na si Dad. "Sino raw?" curious niyang tanong. Na-curious na rin ako dahil ito ang unang beses na may mag-eskandalo sa kumpanya namin.

Bago pa man makasagot si Secretary Din, may narinig kaming sigaw mula sa labas ng office.

"Eduardo, ilabas mo ang anak mo! Alam kong nandito siya kaya lumabas kayo dyan!" rinig namin ang malakas na boses ng isang babae na sa tingin namin ay nasa near 50 na ang edad.

Trace of Fate (COMPLETED)Where stories live. Discover now