Chapter 26

30 2 0
                                    

ARVIE's POINT OF VIEW

"Iisa tayo ng ina pero sukang-suka akong malaman na kadugo kita!"

"Nagulat ka ba?"

"Pero huwag kang umasa na ituturing kitang kapatid. Ngayon, tanungin mo sa Daddy mo at sa sarili mo kung bakit lahat ng paghihirap ni Sanya ay dahil sa inyo!"

Hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ng gagong Dominick na 'yon. Anong trip niya at dinadamay niya si Dad? Gano'n na ba siya kadesperadong isisi sa iba ang pagkakamali niya?

Hindi ko namalayang nag U-Turn ako at patungo na ako ngayon sa kumpanya. Binabagabag ako ng mga sinabi niya at gusto ko lang malaman mula kay Dad ang totoo para matahimik ang isipan ko.

Pagdating sa third floor, agad akong nagpunta sa office niya. Naabutan ko siyang may inaasikasong mga folders.

"Dad" panimula ko para mapansin niya ang presensya ko. Tumingin naman siya saka tiniklop ang hawak niya.

"Where have you been? Hinahanap ka nila Tita mo kanina pero 'ka mo busy ka" tanong niya saka inayos ang mga folders na sa tingin ko ay report ng bawat departments.

Lumapit ako sa desk niya upang tanungin ang pakay ko pero bago pa man ako makapagsalita ay may kumatok sa pinto. Sumilip si Steve at nagulat siya nang makita ko.

"What's it, Secretary Gian?" tanong sa kanya ni Dad. Nag-aalangang pumasok si Steve hawak ang kanyang tab. Tumitingin sa'kin si Steve nang may pag-aalala.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa mga kilos niya. Napakamot siya sa kanyang batok bago iabot kay Dad ang tab. Kinuha naman iyon ni Dad at narinig ko na lamang ang sarili ko.

"'Wag mong dinadamay ang Daddy ko!"

Nagbago ang expression ng mukha ni Dad. Ang dating casual niyang mukha ay napalitan ng pagkaseryoso.

"Tanga ka pala e! Kung hindi dahil sa sa'yo at sa Daddy mo, hindi sana magkakagulo ang pamilya namin!"

"Anong ibig mong sabihin? Kung pinanagutan mo sana siya, hindi sana siya naghihirap dahil sa kaduwagan mo!"

"Sir, mawalang galang na po pero nakakaabala na po kayo. Huminahon po kayong dalawa, mga Sir"

"Iisa tayo ng ina pero sukang-suka akong malaman na kadugo kita! Nagulat ka ba? Pero huwag kang umasa na ituturing kitang kapatid. Ngayon, tanungin mo sa Daddy mo at sa sarili mo kung bakit lahat ng paghihirap ni Sanya ay dahil sa inyo!"

"Hala! Breaking news 'to. Gosh, beshy navideo-han ko"

Iyon ang huling narinig namin bago matapos ang video. Tss. Viral agad, wala pang isang oras ang nakakalipas.

Nagpaalam si Steve na may kailangan pa raw siyang asikasuhin sa kanyang sariling office pero alam kong excuse niya lang 'yon.

Walang nagsalita sa aming dalawa ni Dad. Napanood na niya ang video so he had the idea why I came here so sudden. Wala ba talaga siyang sasabihin? Tititigan na lang niya ang mga papel?

"Kita mo nga naman kung anong pinagsasabi ng Eduardo na 'yon sa anak niya" Napailing si Dad matapos niyang sabihin 'yon.

Napakunoot ang noo ko dahil parang may iba pang nangyari maliban sa napanood at narinig niya kanina. "Dad, totoo ba ang sinabi niya? Iisa lang ba kami ng ina? Alam kong nagsisinungaling lang siya para sirain tayo at sisihin sa pag-reject sa kanya ni Sanya" desperado kong pahayag kay Dad.

Umaasa talaga akong mali ang sinabi ni Dominick. "Dad, tell me na anak niyo ako ni Mommy. Tell me na kayo ang mga magulang ko" pakiusap ko.

Tumayo si Dad para magkatapat kami. Seryoso siyang nakatingin sa'kin hanggang sa yumuko na naman siya. "'Di totoo ang sinabi ng anak ni Eduardo pero hindi rin totoo ang sinabi mo"

Trace of Fate (COMPLETED)Where stories live. Discover now