X: Nasaan Ang Daddy Mo?

216K 4.7K 704
                                    

IKASAMPU


Ang kulot ng buhok ng anak ko. Parang ang sarap-sarap hawakan dahil mukang ang lambot-lambot. Bumagay ito sa kutis niyang simputi ng gatas. Bilugan ang kanyang mga mata at tuwing titingin ito sa akin ay tingin ko, gagawin ko ang lahat ng kanyang iuutos. Pumula ng kaunti ang kanyang pisngi dahil sa pagiging meztiza niya. Sobra akong namamangha at naiiyak dahil ang lapit-lapit na niya sa akin.


Humangin ang electric fan at nakaamoy ako ng strawberries at cupcakes. Gustong-gusto ko ng ihagkan ang anak ko.


Hindi ko alam kung anong espiritu ba ang sumanib sakin. Kinakausap ni Lacey si Justine at namamangha din dahil sa mga mata nito. Tanong ng tanong ang kaibigan ko kung nasaan ba ang bahay noong kaibigan niyang si Leigh at sino ang kasama ni Justine doon. She's just mere inches before. Dati, nasa bisig ko lang siya at pinapainom siyang gatas dahil gutom siya. Ang laki-laki na niya, tapos ang bibo pa.


"Talaga? Nakapunta ka nang Enchanted Kingdom? Ang swerte mo naman, Justine! Ang cute mo pa!" Halos panggigilan ni Lacey ang matataba niyang pisngi.


"Opo kamo! Kapag na kay Lolo ako, pupunta kaming enchanted kasi fun daw doon. Pero, ako lang naman sumasakay sa mga teacups. Ako lang nahihilo! Tapos, siya, kakain lang ng kakain. Kaya ang laki-laki kamo ng belly!" madaldal niyang sabi.


Napangiti naman akong malaki habang patuloy na nakikinig sa kanila. Hindi ko pa yata kayang makipagusap sa kanya kaya si Lacey na ang ang nagpakilala sa kanya sa akin. Tita Justice. Justice lang. At iyon ang isa sa pinakamasakit na sampal na natamo ko. Kasi hindi pwede.


"Madami ba kayong money, be? Pwedeng pahiram si Tita Lacey?" sabi kaagad ni Lacey. Siniko ko siya.


Tumango-tango naman kaagad si Justine tapos ay binalingan ako.


"Bakit ka hindi magtalk? Hindi ka naman Pipi dati, Tita Justice. Gusto mo dalhin kita isa in-in-infirm--in-- ah basta!" puna niya sa akin.


"Infirmary ba, Justine?" ngiti ko. "Ahh, infirmary! Ang talino niyo naman po! Parang si daddy, pero syempre mas matalino ang daddy ko sa inyo. Mayor 'yun, e! Ang daming english-english sa phone kapag nakikipagusap kamo. Tapos, ang dami-dami-dami-daming bilin. Sabi niya, h'wag daw akong lalapit sa hindi kilala. Ay! May abs kamo si daddy! Binilang ko minsan 'nung natutulog siya. Anim! S-i-x! Tapos nahuli niya 'ko, tapos sabi niya gagawin niya daw pong eight 'yon para mas madaming girls na ma-date!" sabi niya kaagad habang nilalaro 'yung headband niyang may check sa gitna.


"Pahawak nga rin ako, Justine?" Ngumiting-aso si Lacey kaya siniko ko ulit.


Ngumiti lang ako sa kanyang malawak atsaka sinuot sa kanya ang head niya. Bagay ito dahil nakasando siyang pink at jogging pants. Mukhang nag-sports sila ngayon ng kaibigan niya.


"Justine? 'Diba, sabi ni daddy ay 'wag nakikipagkita sa strangers? Stranger ako -- kami. Baka mamaya bad kami. 'Diba?" marahan kong sabi sa kanya. Nagtinginan kami ni Lacey. Nagaalala kasi ako sa anak ko dahil baka mamaya, lahat ng taong magpakilala sa kanya ay pupuntahan niya kapag nakita niya.


"Hindi naman na po kayo stranger, e! Nakita ko nga kayo sa picture! Sa wallet ni daddy pa nga!" Kumikislap ang kanyang mga mata at pinagkuyakoy ang mga paa.

The MayorWhere stories live. Discover now