V: Party

231K 5.1K 440
                                    

IKALIMA


Hindi ko alam kung nakarerelax ba ang marahang tinig ng mga taong naririto. Very civil and elegant with a tinge of malice. Kasuotan pa lang ng mga kababaihan ay sadyang sopistikada na. Ang marmol na sahig, mga statues na nakapalibot at simpleng kubyertos lang na hawak ko ay masasabi kong para sa mga mayayamang tao lang ang ganito.


Nakaupo na kami ni Lacey sa table kung saan nakaupo din ang team niya. Masaya silang nag-uusap at dito ako nakahingang maluwag nang malamang ganoon din ang kanilang opinyon sa opinyon ko, na ang sosyal masyado dito.


"Gusto ko isayaw mo din ako Chester." Ngumuso ang isa pang kasama ni Lacey sa ballroom sa gitna. Siya si Jillian. Nagsipagtawanan sila.


"Ayoko. Alam mo namang mas malambot pa bewang ko sayo." Umirap ang Chester at pumilantik ang daliri. Napangiti ako at nagtagpo ang mga mata namin. Napangiti din ito.


"Itong si Justice na lang isasayaw ko," kumento pa nito. Ngumiti ako ng tipid sa kanila at marahang siniko si Lacey sa ilalim ng table kaso parang hindi ako nito napansin ay mas ginanahan pa ang pakikipausap usap niya.


Wala akong nagawa. Hindi na lang ako nangulit pa dahil gusto naman niya ito. Don't wanna be a party pooper tonight.


Hindi ako masyadong nakikipagusap sa mga tao dito dahil ayokong magkamali ng sasabihin. Medyo gabi na. Nagbaballroom na din si Lacey doon, inaya siya noong Clark. Sa kalagitnaan ng panunuod ko ay may tumikhim. Lumingon ako at  nakitang ito ang pinakilalang Gabriel sa akin ni Lacey kanina.


May hitsura ito at mukang may lahing iba. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Mahaba rin ang pilantik ng pilikmata nito. Nag-init ang pisngi ko lalo nang ngumiti ito at pilit na hinuli ang tingin ko.


"I'm Gabriel. Pwedeng Gab na lang. Ako pala yung team leader nila." Swave ang boses nito at parang kagigising lang. I don't wanna be rude kaya simple akong ngumiti.


"Justice. Uh...wala naman akong pwesto. Si Lacey iyon, sinama lang ako..."


Nahuli ko itong nakangiti sakin kaya naman umatras ako ng kaunti. "Why?" Sabi ko.


Umiling si Gab. "Justice. Beauty did not give justice on you, Justice." And he winked. Namula lalo ang mga pisngi ko. Sh it! Humalakhak ito at halos tingnan siya ng ibang tao.


Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako lalo na sa mga mata nito. Hindi naman sinasadya ngunit lumanding ang mga mata ko sa isang pares pa sa vacancy lang ng lugar. Galit na galit ito at lumagok ng isang shot. Naghabol ako ng hininga at binalik ang tingin kay Gab.


"Is that a yes?" Tanong nito habang nakangiti. Napataas ang kilay ko.


"Ha?"


Iiling-iling si Gab at dinuro ang dancefloor. A dance? Hindi magawang hindi mag-init ng pisngi ko dahil bumabalik ang tingin sa pares ng mga matang iyon. Hindi sinasadya ako nakita kong may babaeng humahalakhak sa tabi niya at bumubulong ng nakakaakit sa tenga nito. Nanginig ang mga palad ko at binalik ang tingin kay Gab. Ngumiti ako ng matamis.


"Sure."


Hindi ako magaling sa mga ballroom na ganito. Dinala ako ni Gab sa gitna kasama ng iba pang mga mananayaw. Banayad ang galaw niya at sumasabay sa malamyos na musika. Maiinit ang palad nitong nakahawak sa bewang ko at ang isa ay sa kamay. Ngayong malapit na kami sa isa't isa, mas tumingkad pa lalo sa paningin ko ang pagkakahalo ng kanyang lahi.


"You are staring, Justice. Why? Cute ba ko?" Nakangisi si Gab. Impit akong napatawa at umiling.


"Para kasing may iba kang lahi," sabi ko. Tumaas ang kilay nito sa mapaglarong paraan. We spun one more time before engaging once more in our conversation.


"Yup. Filipina ang nanay ko, Aussie naman ang father ko."


Napataas din ako ng kilay sa pagmakangha. No wonder.


"Kaya pala," kumento ko.


Bago pa nakapagsalita si Gab ay nag-iba ang tempo ng music. Parang naging tango at nagsipagpalakpakan ang ibang guests. Ngumisi ito ng pilyo sakin at iniba din ang kanyang indak.


So god help me.


Humakbang siya ng isa at napaatras ako. Tumango ito. Inikot ako ng marahas at sinapo ng mahigpit sa bewang. Halos magulo ang buhok ko. Tango nga pala ito.


"I feel like we're in the 90's. I feel so old swaying to this!" Humalakhak siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humalakhak na din. Tama si Gab. Medyo old fashioned na, para tuloy kaming nasa mga movies.


Inikot pa ulit ako ni Gab ng isang beses ngunit nahagip ang kanyang tingin sa akin.


Ishmael's lips for for his muse at this moment. But his eyes, his smoldering eyes are only for me tonight. Itinaas nito ang whiskey sa labi at nagpaalam sa date. Kahit na nagsasayaw kami ni Gab at panay ang halakhak niya sa tenga ko, my mind was focused on his powerful strides.


"May I cut in?," utas nito nang makarating na sa amin.


Napapikit akong madiin.

The MayorWhere stories live. Discover now