XXI: Only Justine

222K 3.8K 59
                                    

IKADALAWAMPUTISA


Mali ang magkulong sa bahay at iwanan ang trabahong kasisimula pa lamang, ngunit iyon ang ginawa ko. Pinabayaan naman ako ng Human Resources. Call it a sick leave. Nakahiga lang ako, inaalala ang sakit na nararamdaman kanina. Why would I even feel that way? Its so foreign to me. Its long dead, its buried in the deepest graves. Why now?


Bandang alas tres na ng hapon nang kumatok si Aling Percy sa aking kwartong tinutuluyan. 


"May naghahanap sa 'yo sa ibaba, Justice! Kay ganda ng sasakyan, boss mo raw?" aniya sa labas ng pinto.


Napakunot ako ng noo at mabilis na tumayo. Kinilatis ko ang namamagang mukha sa harapan ng salamin. Malay ko kung presintable ako, ngunit lumabas na rin ako.


Binabaybay ko pa lang ang mga baitang ay tanaw ko na kaagad ang magarang sasakyan ni Gab. Ang kulay asul na kintab ay hindi pinalagpas ng mga mata, ngunit burado ang lahat ng iyon nang makita ang rosas na kanyang dala-dala.


"This is not a bad time, is it? Don't worry! Hindi naman kita yayayain sa kung saan. Kakamustahin lang sana kita, Justice." Gabriel is standing in all his glory. Silver three piece suit, leaning on his expensive car. May tindig siyang nakakapangyaya. Ngunit angmga tindig na taliwas dito pa ang gusto kong makita.


"Hindi naman, Gab. I mean, Sir Gab. Hindi mo na kailangan pang dumalaw. I'm okay." sabi ko nang papalapit na.


Gab took his wayfarers off, and handed me the roses. "Gab na lang, Justice."


Napatingin naman ako sa mga bulaklak. They're beautiful, alright. Very fresh, parang kapipitas pa lamang. I bet, they cost him a fortune. Pero hindi ko yata matatanggap ang mga pabor niya para sa isang empleyadong nakabababa sa kanya ng libong palapag.


"Pangit ba? Do you want anything else?" Alala ang gumuhit sa kanyang mukha.


"H-Hindi! Maganda!" sabi ko. Ayoko namang mangdamay nang tao porque ganito ang pakiramdam ko.


"Well, then?" paghihintay niya.


Malaking buntong hininga ang pinawalan ko. I cannot just not accept it, can I? Sayang naman kasi ang effort niya. I don't want to cause him anything, but damn, I'm a mess right now. To hell with it.


"Salamat!" Ngumiti akong matamis sa kanya nang damputin ang mga bulaklak mula sa kanyang mga kamay. Gab flashed me his award winning smile. Pwede na siya sa commercial ng toothpaste.


Napatagilid ang ngiti ko nang sulyapan si Aling Percy na nagwawalis sa tabi. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang ngiting-aso niya sa tabi. I looked back at Gab. Waiting? 


"Uhh, gusto mong pumasok sa loob?" sabi ko na. Its freaking inevitable. Kahit na gusto kong wasakin lahat ng bagay dito dahil galit na galit ako kay Ishmael at sa sarili ko, ay hindi ko pwedeng idamay ang ibang tao lalo na kung heto sila't nag-abala pang kamustahin ka at bigyan na roses. I'm not an itch with a b.

The MayorWhere stories live. Discover now