IKATLO
Mugtong-mugto ang mga mata ko nang magising ako kinabukasan. Hindi ko maiwasang hindi umiyak ng buong magdamag at kahit na wala na sa harapan ko ang picture ng mag-ama ko, panay pa din ang ragasa ng walang sawa kong mga luha.
Si Tine ay maga-apat na taomg gulang na. Wala akong kwentang ina. Alam ko. Pero binigay ko si Tine kay Ish dahil walang-wala na akong maibibigay pa sa anak ko.
Alalang-alala ko pa noon.
"T-tahan na, tin-tin. Tahan na, anak ko..." Panay ang hele ko sa limang buwan kong anak. Wala siyang tigil ng kakaiyak at pulang-pula na ang buo niyang muka. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Katatapos ko lang sa school at umuulan pa nang gabing iyon at hanggang ngayon ay malakas pa din ang ragasa ng ulan.
Panay ang iyak ni Tine. Malakas na malakas at awang-awa na ko sa kanya. Matagal kasi siyang nagutom kanina dahil matagal bago ako nakadilihensiya. Kulang na kulang ang mga raket ko para sa pag-aaral ko, sa upa, sa nag-aalaga kay Tine at lalo na sa mga pangangailangan ng anak ko.
Tingin ko mababaliw na ko lalo pa at lumakas pa an mga iyak ni Tine. Pilit ko siyang pinapadede pero ayaw niyang tanggapin. Magkasabay ang luha naming mag-ina habang hinehele ko siya. Naospital si Tine noon.
Naospital ulit. At nasundan nanaman.
Tinigil ko munang mag-aral para sa anak ko at para ako na lang din ang mag-alaga sa kanya. Bata pa ako para sa ganito pero kahit anong ibato sa akin ng tadhana ay isusuko ko ang lahat para sa ikabubuti ng anak ko.
Si Ish ang tatay ni Tine. Si Ishmael. I'm sure of it. No one else. At hindi niya alam na may naging bunga ang aming pagmamahalan. Hindi ko sinabi dahil alam kong hindi niya ako paninindigan. Siya na mismo ang nagsabing wala akong kwenta sa kanya matapos naming maghiwalay.
Ang sakit sakit dahil mahal ko pa din siya at habang nakikita ko si Tine ay nakikita ko sa kanya ang kanyang ama. Pero ano nga bang magagawa ng pag-ibig sa sitwasyon namin ng anak ko ngayon? Nothing.
Tumagal ng isang taon sakin si Tine hangga't sa wala na akong maibigay. Nasaid na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakikitira na lang kami sa malayo kong kamag-anak at halos ipagtabuyan na kami nito kung hindi lamang dahil sa respeto sa mga namatay kong mga magulang. Said na ako. Said na said na.
Nagpants ako nang araw na ito at nagblouse na puti. Disente. Hangga't kaya ko, gusto kong maging muka disente at hindi isang babaeng humahabol para lang sa pera dahil lang sa naanakan siya. Hindi ako ganoong klaseng babae dahil totoong minahal ko si Ish. At kung gusto ko ng pera, hindi ko na dapat papatagalin pa ng isang taon at hindi ko na rin isusuko pa ang pag-aaral ko. Kaso ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal na mahal ko si Tine.
Nasa harapan ako ng pinto ng pad ni Ish. Ilang beses akong nagtangkang umalis na lang at ilang beses akong nasasaktan sa tuwing makikita ang mga mata ng anak ko. Ayaw kong iwan siya dito dahil wala akong kwentang ina kung ganoon.
Pero mas pipiliin ko nang matawag na walang kwentang ina kaysa makitang dumedede ng kape ang anak niya. Walang tigil ang buhos ng luha ko habang marahang nagdo-doorbell.
Ilang saglit pa ay bumukas ito. Dumagundong ang dibdib ko nang makita ang galit na mga mata ni Ishmael sa akin. Napadako ang tingin niya sa karga-karga ko.
Kay Tine lamang pumungay ang kanyang mga mata.
Anak ha, pakabait ka sa Papa mo. Hindi ka na kasi kaya ni Mama. Pero kapit lang anak ha, babalik si Mama. Babalikan ko ang mahal na mahal kong baby.
"Oh! Ano naman nangyari sa mata mo?"
Napabalik ako sa huwisyo sa boses ng kaibigan kong si Lacey. Naka-ukit ang pagaalala sa kanyang mga mata at napailing ako.
"Wala ito. Nagbasa lang ako ng nakakaiyak na novel kagabi." Inabot ko kay Lacey ang mga gamit niyang nalimutan sa apartment na pansamantala naming tinutuluyan. Nagmamadali kasi ito kaninang umaga. Tumawag din sa akin na kung aalis ako ay idaan ko daw sa site. Hindi ako aalis pero bilang matulunging kaibigan ay ibibigay ko sa kanya.
"Thank you! Saviour ka talaga!" Utas ni Lacey. I nodded.
Sa isang iglap lang ay banayad ang pakiramdam ko at dinarama ang simoy ng hangin sa Bukidnon. At sa isang iglap lang ay naglaho itong lahat nang may maramdaman akong pares ng mga matang mabibigat ang titig sa batok ko.
Pumikit ako ng madiin at pibilit ngumiti sa harapan ni Lacey.
"I- I gotta go, Lacey. May pupuntahan pa ako," paalam ko. Tumango si Lacey at naglalad na ako paalis.
Pero bago iyon ay may nga mumunting boses akong nadinig na dumagundong sa bawat hibla ng aking kalamnan.
"Daddy, sino po siya? Bagong architect mo po like Ms. Lacey?"
"No, baby. Daddy would never a hire someone like her. She's nothing of use to Daddy kasi."
Pinigilan kong umiyak dahil hanggang ngayon, ako pa rin ang walang kwentang tao sa kanya. I was that spiteful person who did nothing but to wreck everything.