LII: Bye

176K 2.9K 73
                                    

"Hey..." Pumasok si Ishmael sa kaniyang office.

Tumayo na 'ko at sinabit ang bag. Hindi ako kumibo.

Sa drive pa lamang ay wala na ring kibo si Ishmael. Nang makauwi kami sa mansion ay tulog na si Justine. Dinaanan ako ni Ishmael sa pinto ng kwarto ni Justine at doon ko nakita ang pasa sa gilid ng labi nito.

"Tsk, Ishmael, ano 'yan?" Hinarangan ko ito.

I eyed the reddish bruise on the side of his skilled lips. Tumagilid ang labi ko.

"This...is considered a 'no'." Pumikit ang isa nitong mata.

Sinarado ko ang pinto ni Justine at hinarap si Ishmael. Pinindot ko ang mamasa-masang pagkakasuntok sa kanya ng tatay niya. Halos tampalin ni Ishmael ang daliri ko.

The governor said no. I imagined him ripping the resignation letter in two, then I imagined Ishmael's helpless face. Both of their hearts had turned into ice. Inaninag ko na lamang ang mga paintings sa tabi.

"Halika, gamutin natin..." pag-aya ko.

"This is nothing."

Nakakibit-balikat si Ishmael habang papaibaba na pero inaya ko ito sa kitchen. Habang nagdadampi ako ng labi ay sa akin lamang ang tingin ni Ishmael. 

"Oh, ano?" tikhim ko sabay iwas ng tingin. My cheeks are turning red. Hindi ko alam kung bakit hinihingal ako kaagad sa tingin niya.

"Aalis ako mamaya. Pupuntahan ko 'yung mga nasunugan, then, tomorrow I'll be at the site." sabi ni Ishmael kinabukasan. 

Tumango ako kahit nakapikit. I felt his lips on my shoulders. Nagtalukbong ako ng comforter. 

That nap I took, nagising ako na hindi ko naihanda si Justine o naihatid man lang. Infact, she's here already from her daycare. Habang pababa sa hagdanan ay hawak ko ang ulo dahil sa matinding hilo.

"Mommy is awake! Mommy!" Tinigil ni Justine ang paglalaro ng Lego.

"I'm sorry, baby. Nakatulog lang ako." paliwanag ko.

I let her play sa maghapon tutal naman ay malapit na ang bakasyon niya. Sinamahan ko ito sa garden. I cooked her lasagna. 

"You looked so tired earlier so I did not wake you up na. Mommy, are you sick?" sabi ni Justine nang nagmerienda kami.

"No, Justine. Kulang lang sa tulog." kibit-balikat ko.

Natapos ang hapon at dinner nang wala si Ishmael. Sabi ko kay Justine ay kumain kami sa labas dahil mukha itong malungkot. Hinawi-hawi ko ang kulot niyang buhok.

"Its okay, mommy. Sanay na po 'ko." Tumango si Justine sa akin kahit na namumula na ang ilong.

I explained to her that her daddy's just busy. May kailangan itong gawin dahil siya pa rin ang mayor. Sinamahan ko ito sa kwarto hanggang makatulog. Then, I watched the news. Isa doon ay iyong sunog nga na nangyari, but I never did saw Ishmael.

"Dina, umuwi ba si Ishmael kagabi?" sabi ko sa maid.

Tinigil nito ang paglilinis. "Ay, wala naman po si Rolly kagabi tsaka hindi po pinarada 'yung sasakyan."

"Ah, ok. Thanks." sabi ko.

The case must've been really bad. Ngayon ay kailangan ng tao si Ishmael. I could never deny the people of his responsibility to them. Naiintindihan ko. Kailangan kong intindihin.

The next morning ay nawala na ang hilo ko. Back to my routine, I prepared Justine for school. Maaga ko itong sinundo dahil may meeting tungkol sa recognition. 

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon