Chapter 17

39 5 0
                                    

Pagkatapos kong maligo ay dumeretsyo na ako sa cabinet ko para sana kunin ang pabango ko pero iba ang nakita ko.

"Cellphone ko!"

Tinignan muna nila ako saglit saka sila tumawa.

Anong trip ng mga to? Tinago ba nila?! Nang aasar sila!

"Baka nasayo lang talaga kanina pa" Pangunguna ni Ceres...

Bakit naman ako mag hahanap ng bagay na nasakin naman? Ano namang papasok sa isip ko para mag sayang ng oras sa walang kwentang bagay?

Minsan rin talaga tong Ceres na to eh.

"May punto si Ceres-"

"at bakit ko naman gagawin yun? Aber?"

"Para pag bintangan ako... At makapkap-"

Alam ko na kung saan pupunta ang usapan at tiyak na ako na naman ang pag titripan nito kaya inirapan ko na lang siya saka ibinaling sa iba ang tingin.

"Baka nga nakalimutan mo lang na nailagay mo sa bag mo tapos pag check mo hindi mo nakita"

Hindi ko na sana siya mapapansin na nakaupo sa kama ko at basa kung hindi lang siya nag salita.

Mabilis akong lumapit sa kaniya saka hinila siya paalis sa kama ko pero masyado siyang mabigat.

"Hermes basa na yung kutsyon ko! Maligo na nga dun!"

Imbis na tumayo ay binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.

Isa na lang talaga gagawin ko na siyang bag.

"Oo na maliligo na... Galit naman agad ang asawa k-"

"Hermes, Isa" Pag putol naman ng hari kaya mabilis na tumayo si Hermes saka kinuha ang mga gamit niya.

Takot pala eh... Titig palang kasi ni Zeus ay nakakasindak na.

"Psh, heto na heto na" Akmang papasok na sana siya sa banyo ng marinig namin ang baritonong boses ni Ceres.

Medyo masakit sa tenga dahil ang lakas ha! Mikropono ka ghorl?

"Hermes nakapagluto ka ba?!"

"Alam mo gwapo ka kaso patay guts ka palagi... Wala akong niluto kakakain lang nat-"

"Wala?! Kawawa naman tong bulate sa tiyan ko nag hihingalo na!" Oa siya minsan, este palagi.

Kalalaking tao pero mga boses pang biritan... Sabak ko sila sa The Voice eh. (─.─||)

"Oo na meron na... Gugutumin ko ba kayong mga anak ko?" Ani Hermes habang nakakrus ang braso at may tonong pang padre de pamilya. Saglit pa siyang tumingin sa akin. "Syempre hindi kasama si Lia sa anak ko kasi asaw-"

"DALAWA" sabay na sabi pa ni Zeus at Ares.

Akala ko kanina tulog na tong lalaking headset na to?

Napahilamos na lang si Hermes saka pailing iling na pumasok sa banyo para maligo.

Nag paiwan na lang ako sa kwarto habang kumakain sila... Hindi pa naman kasi ako gutom dahil andami kong nakain kanina.

Nag ayos ayos lang ako saglit dahil sayang naman ang mga make up na dinala ko kung hindi ko magagamit saka syempre kailangan ko parin namang umawra.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Where stories live. Discover now