Chapter 30

29 4 0
                                    

Ito ang araw na bibisita kami sa puntod ni Zka... Nang oras na malaman ng nanay nina Hestia iyon ay ipinalibing na si Zka at umuwi na rin muna pansamantala si Hestia para magpahinga.

Hindi madali sa kaniya ang nangyari, at ang mabuti ay naunawaan naman ng mga nanay nila ang nangyari at hindi sinisi si Hestia sa pagkawala ng kapatid.

Papaalis na sana kami pero hindi parin dumarating si Zeus kaya hindi pa kami makaalis...

"Lia, wala pa si Zeus pwede mo ba siyang hanapin?" Medyo nag-aalinlangang ani Diana sa akin.

"Ako? Bakit ako?" Imbis na sagutin ay nagtinginan pa sila na parang hindi alam ang sasabihin sa akin.

Ang wirdo nila ngayon... Bakit ako ang maghahanap sa hari? Hindi ko naman kabisado ang mga pinupuntahan niya.

Dahil hindi na sila sumasagot ay tumango-tango nalang ako. Baka hinihintay na rin kami ni Hestia roon kaya dapat na kaming magmadali.

"Sige, babalik ako"

Iniwan ko na sila roon at lumabas na ng dormitoryo para hanapin si Zeus sa kung saan.

Sana lang ay makita ko siya kaagad bago ako maligaw rito. Panay ang lingon at sulyap ko sa kaliwa't kanan para hanapin siya.

Nakita ko siya sa may poste at patakbo ko na sana siyang lalapitan ng makita ko kung sino ang kasama niya.

Isang babae ang yumakap sa kaniya matapos magdampi ang mga labi nilang dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kakaibang kirot mula doon.

Hindi na bago ang pakiramdam na ito sa akin, pero ang alam ko ay ngayon ko palang ito naramdaman.

"S-sorry" sabi ko sa lalaking nabangga ko ng patakbo na sana akong aalis sa lugar na iyon.

"Lia!" Rinig kong pagtawag niya sa akin pero nanatili akong tikom at hindi siya nililingon.

Ayokong mas masaktan pa, kung nasasaktan man ako ngayon gusto kong sarilihin nalang ito.

"Lia" anito ng tuluyang mahagip ang pulsuhan ko at biglang hatakin ako papalapit sa kaniya.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko kasabay niyon ang pagngiti ko sa kaniya.

"Tara na daw, baka hinihintay na tayo ni Hestia" nakangiting sabi ko saka siya muling tinalikuran pero katulad ng ginawa niya kanina ay muli niya akong hinatak at iniharap sa kaniya. "Tara na"

"Lia, mali yung nakita mo"

"H-ha? Wala naman sa akin yun... Wala naman akong dapat ikagalit" pinanindigan ko ang maayos na pakikiusap sa kaniya pero ang ngiti sa labi ko ay unti-unti ng nawawala. "Wala namang tayo"

Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko at ang pagtulo ng itinago kong luha... Kasabay niyon ang pagbigat ng dibdib ko.

Masakit pala.

"Zeus sabihin mo nga sa akin, pinaglaruan mo lang ba ako?"

Akmang hahawakan niya ang pisngi ko pero agad kong inilayo ang mukha sa kaniya at dun na umiyak.

"H-hindi-"

"Aaminin mo ba kung sakaling oo?... Alam mo bang naniwala ako nung sinabi mo sa aking mahal mo ko? Naniwala ako na hindi mo ako kayang saktan, ang bobo no?"

Ang bobo... Bakit ang bobo mo Aphrodite. Bakit ang bilis-bilis mong maloko? Hello, si Zeus yan o... Imposibleng mahulog sayo yan ng totoo.

Ang bobo lang Liana.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Where stories live. Discover now