Chapter 35

41 4 0
                                    


Kinagabihan ay napansin kong hindi parin bumabalik si Ares sa dormitoryo simula ng magpaalam siyang aalis na muna.

Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na muna ako para tignan kung pabalik na ba sya. Saktong paglabas ko ng tarangkahan ay bumungad siya sa akin.

Sinubukan kong iiwas ang tingin sa kaniya at marahang umatras para hindi niya na ako pansinin pa pero hindi ganoon ang ginawa niya... Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang braso ko at isubsob ako sa dibdib niya.

"Ares" mahinang pagtawag ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig at lalo akong idiniin sa kaniya.

Kahit na alam kong wala rito si Zeus ay kinakabahan parin ako sa posibilidad na baka madatnan niya kami sa ganitong posisyon.

Alam kong ipagsasa walang bahala niya lang iyon pero ayoko paring isipin na baka masaktan ko siya sa ganoong dahilan kaya kaagad ako lumayo sa kaniya at iniiwas na muli ang tingin.

"I missed you" sinserong sabi niya.

"Thank you"

"Pinatawad mo na ba siya ulit?" agad akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi niya.

Iyon ba talaga ang unang tanong niya simula ng bumalik ako? Iyon lang ba ang inaalala niya?

"Pinatawad ko na kayo, Ares... At bumalik ako para tapusin ang laban, iyon lang" paliwanag ko sa kaniya. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at ilapat iyon sa palad niya, hinawakan rin niya ang kanang panga ko at itaas iyon para masalubong ko ang titig niya.

Kahit gustuhin ko mang tanggalin ang kamay niya sa akin ay hindi ko kayang gawin. Parang may pumipigil saakin na gawin ang mga bagay na iyon.

Humakbang siya papalapit sa akin. "Samahan mo ako"

Sinubukan kong tanungin siya pero parang tinanggalan ako ng boses at kahit anong buka ng bibig ko ay walang niisang salita ang lumalabas sa akin.

Napansin kong medyo malayo-layo na kami sa dormitoryo at papalabas na ng AA ang dinadaanan namin... Mas lalong ipinagtaka ko ay hindi naman ito ang daan papunta sa Triple A kaya saan niya ako balak dalhin?

"Ares palabas na to ng AA, saan ba talaga tayo pupunta?... Hindi rin tayo nagpaalam kina Zeus baka hanapin nila tayo"

"Ako naman ang kasama mo Galy, hindi rin kita ipapahamak."

Imbis na magmatigas pa ay sumunod nalang ako sa kaniya... Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin tungkol sa nararamdaman niya kaya imposibleng ipahamak niya ako, may tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya sisirain iyon.

Habang lumalayo kami ay paiba ng paiba ang pakiramdam ko... Dumidilim na rin kaya lalo akong dinadapuan ng kaba ngayon.

Pakiramdam ko ay nasa delikadong lugar ako.

"Ares, babalik na ko" nagulat ako ng hindi niya ako pansinin, sa halip ay hinawakan niya pa ang pulsuhan ko. "Ares aalis na ko."

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin at binilisan ang paglalakad niya. "Ares ano ba nasasaktan ako!"

"Hindi ka pwedeng umalis, Galy... Hindi pa tayo nakakarating." Iba na ang tono ng pananalita niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Kahit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin ay nagpumiglas parin ako at ng makawala na ako sa kaniya ay hinarap ko siya... Saktong di-butones ang damit niya kaya mabilis kong tinanggal iyon pero hindi ko pa natatanggal lahat ay hinawakan na niya ang kamay ko para pigilan ako.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Where stories live. Discover now