Chapter 6

58 4 0
                                    

Nagising ako sa tapik na naramdaman ko sa may braso ko.

Gusto ko na sanang imulat ang mata ko pero masyadong mabigat iyon at talagang inaantok pa talaga ako.

Umaga na kasi nang tuluyan akong nakatulog kanina.

"Lia gising na"

Nang imulat ko na ang mga mata ko ay bumugad sa akin si Hera na kasalukuyang nakaluhod sa gilid ko.

"Goodmorning" Bati ko sa kaniya. Medyo panlalaki pa ang boses ko dahil kakagising ko nga lang.

Duh morning voice!

"Bumangon ka na, nakaluto na si Hermes ng almusal baka maubusan ka ni Ceres"

Amoy ko na nga ang mga piniritong niluto ni Chef Hermes.

Sana may sinangag dahil sanay akong iyon ang palagi kong almusal.

Saglit pa akong nag unat unat... Sa akmang pag bangon ko ay mabilis akong bumagsak sa kama.

Ang salamangka ni Ares! Argh!

Muntik ko ng nakalimutan ang ginawa niya para raw "Hindi ako makatakas"... Tsk.

Tahimik kong nilibot ng tingin ang buong dormitoryo pero hindi ko nakita ang lalaking walang pakialam na iyon.

Wala na rin si Hera sa harapan ko, balak ko pa naman sanang ipatawag na lang sa kaniya ang mokong na iyon.

"Ah Diana" Nahihiyang pag tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang dumaan galing sa kusina."Nandun ba si Ares?"

"Um-"

"Bakit mo siya hinahanap?" pagputol ni Athena kay Diana.

Minsan masarap ring manakit lalo na kung si Athena yun.

Dakilang sawsaw kasi ತ_ತ

"Ikaw si Diana?" sarkastikong tanong ko sakaniya na naging resulta ng pagsimangot niya.

Well kahit di siya nakasimangot ay mukha siyang nakasimangot.

"Whatever"

"Diana pakitawag naman si Ares"

Binigyan niya lang ako ng simpleng tango saka siya umalis at nagtungo sa kusina.

Kung tatanungin ako kung sino sa dalawa ang gusto kong makasama ay mas pipiliin ko si Diana kahit hindi siya pala-salita.

Maamo ang mukha ni Diana kumpara kay Athena na laging busangot.

Imaginin niyo na lang yung teenager na may freckles tapos lagi kang mukhang iirapan.

"Bakit?" Walang ganang tanong sa akin ni Ares saka ipinatong sa leeg niya ang headphone nya.

Itinatanong pa talaga niya kung bakit? Ano siya nauntog?

"Tanggalin mo na, gutom na ako"

"Subuan kita gusto mo?" Mapang-asar na tanong ni Hermes habang hawak hawak pa ang siyanse niya.

Ngumiti ako saka ko pinag kuyom ang kamao ko ay ipinakita iyon sa kaniya.

"Eh kung isubo ko sayo to? Gusto mo?"

"Chill" Anito saka saglit na tumawa bago harapin si Ares. "Bro gutom na nga... Rawr!"

Ay confirm may ubo nga sa utak...

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Where stories live. Discover now