🐰(ᵍ) ⁱᵈˡᵉ🐰

41 2 0
                                    

_ᵈᵃʸˢ ᵖᵃˢᵗ_

⍟Jᴀᴅᴇ Sᴛᴇᴇʟ⍟

"are you guys ready?" tanong ni Chelsea habang abala ito sa pagkakabit ng baril sa kanyang binti.

This is the day, ito na ang araw na ilalabas namin si Mr. Tan at sana ay mag tagumpay kami sa misyong ito.

"yes! at handa narin ang mga tauhang dadalhin natin" sagot ni Shehanna bago tuluyang masuot ang gloves sa kanyang kamay.

Me? prenteng naka-upo sa couch habang hinihintay silang matapos, na bobored na ngarin ako ih parang nangangalay narin ang pwet ko.

Basta kasi babae ang babagal kumilos, sya rin namang walang magbabago.

"well done" ani Jamiah at hawak na neto ang sniper it's a silencer para hindi agad mahalata ang mangyayari mamaya sa loob ng kulungan.

Pinaghandaan talaga namin ang araw na ito para matapos na ang kabaliwan ni Mr. Tan.

Agad kaming sumakay sa kulay itim na van at nasa likod naman ang isa pa, back up namin kumbaga.

Abala rin si Chelsea sa pag didiscuss sa gagawin namin mamaya, well its all planned ' inalam muna namin ang pasikot-sikot sa kulungan para mas mapadali rin ang pag puslit ni Tan. Buwis buhay itong gagawin namin dahil talaga namang marami ang bantay sa prisinto.

May mga naka kabit din saaming mga tenga para mas mapadali ang aming kommunikasyon sa isat isa.

"thats all" anas ni Chelsea. Napatingin naman ako sa labas, shit! limang pulis kaagad ang bulagta. Talagang maaasahan ang mga sinama namin.




Agad narin kaming bumaba ng sasakyan, napatago ako sa may poste dahil maraming pulis ang lumabas mukhang aware na sila sa mga nangyayari.

Tinutok ko naman ang dala kong sniper sa ulo ng kalaban bago ito kalabitin and boom R.I.P

Lumabas na ako mula sa pinagtataguhan, mukhang nakapasok narin ang iba naming kasamahan sa loob ganun narin kina Shehanna at Chelsea.

Tumakbo narin ako papasok at naabutan ang mga bangkay na nagkalat sa sahig, nakita korin ang iba naming kasamahan na patay.

"darn Steel! magpapakamatay kaba?" inis na singhal ni Jamiah at nakita ko nalang ang isang bulto na bumagsak sa'king harapan. Shit! kamuntikan na ako dun, tinanguan ko lang ito bago tinuloy ang pag pasok. Akala ko tapos na pero mukhang hindi pa dahil parami ng parami ang nakikita kong nalalagutan ng hininga.

Nagtago muna ako sa isang tabi at itinutok sa kalaban ang baril, kalabit lang ako ng kalabit sa gansilyo neto dahil kung hindi ko iyun gagawin ako naman ang patay.

Ingay nalang ng baril ang naririnig at hiyawan ng ibang nakakulong.

"shit! ilabas nyo na si Mr. Tan, mukhang may mga parating pa" galit na sabi ni Chelsea.

Ako na ang nagprisinta para mahanap ang selda ng boss namin, ilang pulis rin ang napatay ko bago mahanap ito.

"bat ang tatagal nyo?" galit nyang tanong, yan agad ang bungad saakin pero imbis na sagutin ay binaril ko nalang ang kandado ng kulungan nila.

Napatingin ako sa loob at nakita ko si Mrs. Tan na humahagulhol.

"pls Mark don't do this" umiiyak nyang paki-usap pero winaksi lang ni Tan ang kamay ng ina at agad na lumabas.

Sʜᴇ's Mʏ Lᴏsᴛ Cʀᴜsʜ 2Where stories live. Discover now