🐰ˢᵗʳᵃʸ ᵏⁱᵈˢ🐰

132 14 1
                                    

«Cʟᴀʀʀɪᴄɪ Cʜᴀɴɴᴇʟᴇ»

"ang kyut mo naman. What's your name?" tanong ng kasama ni Zander at pinanggigilan na ang pisnge ni Ashio.

The truth is wala akong tiwala sa mga babaeng to dahil sa kabang nararamdaman ko, sana nga lang ay mali ako ng hinala na kasamahan ni Mark ang mga ito.

"Ashio" tipid na sagot ng anak ko at lumapit na ito sa akin.

Gaya ng binulong kanina ni Kheigt ay nagmumukha silang mga kontrabida na which is true.

"Cla nakakasigurado kaba sa galaw ng mga babaeng yan?" bulong na tanong saakin ni Hershey, mukhang hindi rin sya mapalagay sa presensya nila.

"I don't know either. Maghintay nalang tayo" sagot ko. Ano bang nakain ni Zander, Nathan, Kairo at Kyle para dalhin sila dito? ah oo nga pala hindi pa sila nakakakain kanina aist. Pero pwera biro bakit nila dinala ang mga yan dito e kanina lang naman nila nakilala.

"hindi talaga ako mapalagay magmula ng makita sila" muli nyang saad.

"pabayaan na muna natin. Mukhang nahahalata nilang sila ang pinag-uusapan natin" pahayag ko dahil nakatingin saamin ang apat na babae.

"oh sige alis muna kami dahil inaantok na si Zhan" paalam nyang kina-tango ko. Di bale bukas pa naman ng gabi ang night swimming namin.

"mag-papa-alam narin po kami, lumalalim na kasi ang gabi" paalam din nung apat.

Nang masigurado kong naka-alis na sila tsaka ko binalinga ng tingin ang apat na lalake.

"are you four sure to them?" tanong kong kina-tingin nila sa isat isa.

"kasi ano ung- WHAT?" napayuko naman sila dahil sa pagsigaw ko.

"hindi, kasi e si Zander kung sino-sino kasi ung tinuturo na babae" pag-reklamo ni Nathan.

"ako nanaman? sino ba kasing nag-sabi na lapitan nyo rin sila?" irap naman nyang tanong.

"o sya tama nayan. Gusto ko lang namang malaman kung seryoso kayo sa kanila at ayan nga sinabi nyo namang hindi" pahayag ko pero bakit hindi sila mapakali sa kinalalagyan? is there something wrong?

"pero kasi ano natawag namin silang mag night swimming"

"WHAT/ANO?" mukhang magkaka-problema pa kami neto.

"ayan kasi masyado kayong babaero at kung sino-sino nalang ang dinalala at pinapakilala saamin" pangangaral naman ni Kheigt. May problema kaya ito sa apat? kanina pa kasi sya sumasalungat e.

"ang mabuti pa nyan matulog nalang tayo at bukas mag-usap-usap" sabat ni Kian na kina-sang-ayon naman naming lahat, anong oras narin kasi e.

«Cʜᴇʟsᴇᴀ»

Nalapitan nga namin sila pero mukhang nagdududa na sila sa presensya naming apat.

"ang talas naman ng pang-amoy ng mga yun" pag-reklamo ni Lorraine at naupo sa sofa.

"ano pa bang aasahan mo sa mga gangster? malamang matatalino ang mga yun" irap naman sagot ni Jamiah.

"kaysa magtalo kayong dalawa, ang isipin nalang natin ngayon ay kung paano natin madudukot ang anak ni Kian at Clarrici" paalala ni Shehanna.

"tutal may night swimming namang magaganap bukas ng gabi ay duon nalang natin isiwalat ang plinaplano nating pag-dukot" sabat ko naman sa kanilang usapan, wala naman kaming balak saktan ang mga bata ang gusto lang namin ay ang kabahan sila dahil nalalapit na- nalalapit na ang muli nilang pag-haharap.

Sʜᴇ's Mʏ Lᴏsᴛ Cʀᴜsʜ 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora