🐰ˢᶠ9🐰

20 5 0
                                    

_ᵈᵃʸˢ ᵖᵃˢᵗ_

«Cʟᴀʀʀɪᴄɪ Cʜᴀɴɴᴇʟᴇ»

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng dumating kami sa lugar na ito, masasabi ko namang walang masamang nangyayari.

"mabuti naman at pinayagan ka ni kuya na ako lang ang kasama?" baling ni Karl. Kasama ko nga pala sya dahil pupuntahan namin sila nay Amy, remember them? sila ung nag-alaga saakin at tinuring na magulang ni Karl nuon. Kasama rin namin ung tatlong bata at si Kian naiwan kasama ang iba.

"oo naman at kasama rin naman natin ung mga bata" sagot ko at tipid na ngumiti.

Ilang araw nalang at magaganap na ang kasal ni Kim at Wafer, I'm very happy to the two of them. Sila kuya kaya? kailan kaya maiisipang magpakasal? siguradong kukulitin nanaman sila nina mommy.

"I see" tipid nyang tugon at tumahimik na.

Nag masid nalang din ako sa paligid, gaya parin ito ng dati kung may pinagbago man ay mas dumami ang mga taong nagpupunta. May dumami rin ang mga nagtitinda, part parin naman ng Guevarra Island ang bahay nila nay Amy ' yun nga lang may kalayuan ito. Nagtatakha nga ako kay Travis at Travon dahil palaging nagpupunta ang mga ito sa resort/beach ng Guevarra.

"hey you ok?"

"ahh oo naman. Na miss ko lang ang lugar na to" sagot ko naman.

Bukas narin pala ang dating ng mga magulang namin para naman daw ma prepare ang kasalang magaganap.

"tama ka. Ilang taon ring hindi ako bumisita sa kinilala kong pamilya at paniguradong nagtatampo na ang mga iyun" tugon naman nya. Hindi nga pala ako nakadalaw nuon dahil sa nangyari kay Ashio.

"ako rin naman, ilang taon naring hindi nakakadalaw sa kanila" gatong ko sa sinabi nya.

"mom malayo paba? pagod na ako sa paglalakad" may pag welgang tanong ni Travis, nuon halos araw arawin nila ni Travon ang pag punta sa beach but now wala na its gone.

"we're almost there baby" sagot ko naman.

"sana pala naiwan nalang ako kay daddy" hirit pa nya kaya agad kong sinuway "baby don't say that ok? ayaw mo bang makita muli ang tinuring mong lola, lolo at tita nuon?" kinunutan lang ako neto ng noo. Sabi ko nga na amnesia pala sya kaya hindi maka-alala.

"mom I don't even know them" walang gana nyang sagot at lumapit na sa mga kapatid. Iba na talaga si Travis sabagay nuong maliit nga talagang kakaiba na ang ugali nya.

"palagi ba kayong dumadalaw sa doktor ni Travis?" may pag-aalalang tanong ni Karl.

"twice a month kung dumalaw kami para malaman ang sitwasyon nya" malungkot kong sagot dahil hanggang ngayon wala paring makita ang doktor na progreso ng pagka-amnesia nya.

"mukhang napuruhan nga sya kaya hanggang ngayon ay wala paring maalala" nanghihinayang namang saad nya.

"how about Thalla and Travon? wala pa bang balita tungkol sa kanila? it's been a years" napa hinga nalang ako ng malalim.

"wala pa nga" muling sagot ko bago tumahimik, ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa dalawang bata dahil nadudurog ang puso ko tuwing naririnig at binabanggit ang kanilang mga pangalan.

Pagkalipas ng ilang raan ay nakarating din kami sa wakas, lumaki na ang kanilang bahay ung kahoy ay naging semento na sa pamamagitan ng tulong ng magulang nila Karl.

Kumatok lang si Karl ng tatlong beses bago buksan ng kung sino man. Lalake ito at may kalong na bata? woah sino sya? asawa ni Kaira?

"sino po sila?" magalang nyang tanong. Hmm may hitsura sya.

"ah eh- kyahh kuya, ate" agad na salubong ni Kaira at agad kaming sinunggaban ng yakap.

"Kaira may asawa't anak kana?" di makapaniwalang tanong ko.

"opo ate. Ayan nga po't bagong panganak palang ako hehehe" medyo nahihiya nyang sagot.

"pasok muna tayo sa loob" muli nyang hirit.

"Travis come inside now" ma otoridad kong tugon, ni hindi kasi gumalaw sa kinakatayuan. At ung kambal ay nauna na sa pag pasok.

"but mom" pag reklamo pa nya.

"just go ok? pls naman anak hwag kang ganyan" paki-usap ko. Tumango nalang sya bago ako sundan sa pag pasok.

"nay, tay kumusta po kayo?" tanong ko sa mag-asawa pagkatapos yumakap.

"mabuti buti naman Clarrici anak" sagot ni nay Amy, halata mo narin sa kanya ang katandaan.

"sino naman ang gwapong batang to?" baling nya kay Travis, tinitigan lang sya ni Travis at ni hindi nag balak magsalita.

"hehehe si Travis po nay. Pag pasensyahan nyo na po dahil wala syang maalala" nahihiyang sagot ko. Gulat pa sila, siguro nga hindi nila nabalitaan ang mga nangyari saamin.

"nasaan naman si Thalla at Travon" kakasabi ko palang na ayaw kong pag-usapan pero ito po tayo at nahahalungkat nanaman ang bagay na iyun.

"ma! sinabi ko naman sa inyo hindi ba?" may pag reklamong tugon ni Kaira.

"ok lang yun. Wala papo kaming balita sa kanila" sagot ko at napayuko.

"sino naman ang dalawang batang to?" napa-angat ako ng ulo dahil sa tanong ni tay Berto.

"mga anak korin po. Kambal po sila si Ashio at Ashia" sagot ko.

"napaka-ganda at gwapo ng mga anak nyo ate" may pagka selos na sabi ni Kaira kaya medyo napatawa ako. Iba rin mag patawa e.

"ahh oo nga pala si Justin asawa ko. Justin sya si ate Clarrici at kuya Karl" pakilala saamin ni Kaira sa asawa.

"magandang umaga po" halata ko lang may pagka-mahiyain itong asawa ni Kaira. Pero baka pag dating sa kama may pagka bastos, ayt bad! ang ingay ng bunganga ko hehehe.

"mag meryenda muna tayo, sakto sakto ung niluto ko kaninang banana que" shit! sarap naman. Lalo na't luto ni nay Amy.

Nagtungo muna ang matanda sa kusina at pag balik may dala na syang tray at pitchel na may lamang juice. Damn! naglalaway na ako, amoy palang masarap na mas lalo na pag kinain. Right?

"mommy can I have one?" tanong ni Ashia habang nakaturo ang kamay sa banana que.

"of course baby" sagot ko bago ito abutan.

"me too mom" ani Ashio kaya binigyan ko narin. Ngayon nakatingin na ako kay Travis na kanina pa tahimik, wala atang balak kumuha.

"baby tikman mo. Paborito mo nga ito nuong bata ka lalo na't luto nang lola Amy mo" pahayag ko kay Travis.

"fine" padabog nyang tugon. Dumukot narin ito ng isang piraso, kumagat at ninamnam nya ng maigi. Natuwa nalang ako nang lumiwanag ang kanyang mukha.

"mommy isa pa" pag welga ni Ashia kaya nilagyan ko nalang ng dalawang piraso ang mangkok na kinakainan nya.

Dumukot narin ako ng para saakin baka kasi maubusan hehehe.

"mommy one more pls" hirit ni Travis, kaya dali dali koring binigyan. May pagka pihikan kasi sya sa pagkain lalo na kung luto ng ibang tao.














-ᵉⁿʲᵒʸ ʳᵉᵃᵈⁱⁿᵍ ᵍᵘʸˢ ᵖˡˢ ˢᵖʳᵉᵃᵈ ᵐʸ ˢᵗᵒʳʸ ᵖˡˢ ᵖᵃʳᵃ ⁿᵃᵐᵃⁿ ᵈᵘᵐᵃᵐⁱ ᵃⁿᵍ ʳᵉᵃᵈᵉʳˢ ᵏᵒ ʰᵉʰᵉʰᵉ

ᐯOTᗴ, ᑕOᗰ, Տᕼᗩᖇᗴ ᗩᑎᗪ ᖴOᒪᒪOᗯ ᗰᗴ

Sʜᴇ's Mʏ Lᴏsᴛ Cʀᴜsʜ 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon