URGE-I Was Never Enough

38 2 0
                                    

5 days na ang lumipas ng napag-usapan ang tungkol sa annulment namin ni Skype. And sad to say mabilis nang umuusad ang annulment case naming dalawa.

Nandito kami ni Skype ngayon sa house.. final exam week na kasi, kaya napilitan siyang umuwi at makasama ako sa bahay.

Papasok na sana ako ng kwarto ng makarinig ako ng tunog ng mga nagbabagsakang gamit sa kwarto ni Skype. Ano yung nagwawala ba sya?

Agad kong tinapat yung tainga ko sa pinto ng kwarto niya, at may narinig ako parang may umiiyak sa loob.

Naglakas loob ako pihitin ang doorknob ng kwarto niya at maswerte dahil hindi nakalock yung kwarto niya.

Tumambad sa akin si Skype na nakayukyok sa study table niya, habang maraming nagkalat na mga papel at libro ang nasa sahig, pati na rin yung iba't ibang gamit niya sa pagdodrawing nakakalat sa sahig.

"Skype.." tawag ko sa kanya, makita ko siyang nagulat kaya agad siyang tumayo at tumalikod sa akin.

"lumabas ka na.." madiin na sabi na ni Skype.

"Skype anong nagyari dito?" tanong ko sa kanya at binaliwala ang sinabi niya.

"lumabas ka na!!" nagulat naman ako sa lakas ng pagkakasigaw niya, humarap siya at nakita kong may luhang tumutulo sa mata niya. Marahas niyang pinunasan yung pisngi niya.

"Skype.." lalapitan ko sana siya pero nagulat ako nag tunulak niya ako gamit ang isang kamay niya.

"tanga ka ba, sabi ko lumabas ka na!" pasigaw niyang sabi, pero dahil mas malakas ako sa kanya, sinalang ko lang yung isang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit.

"di ako lalabas dito, hanggang di malinaw ang mga nagyayari sa atin" sabi ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa mata niya.

Nakita kong napangiti siya, pero yung ngiting mapait. Agad niyang hinila yung kamay niya. Padabog siyang umupo sa isang malapit na upuan, pero nakatalikod siya sa akin.

"di pa ba malinaw na kating kati na akong makipaghiwalay sayo.." sabi ni Skype habang nakatalikod sa akin.

Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, Nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.

"Hindi mo ba ako mahal Skype?" tanong ko sa kanya, di ko rin alam kung bat yun yung lumabas sa aking bibig. Alam ko naman yung sagot nya eh at alam kong hindi ako handang marinig ang sasabihin niya.

Nagulat ako ng tumayo siya at humarap sa akin, tinignan niya ako sa mga mata ko.. "hindi kita Mahal Thunder at kahit kelan hindi kita minahal" madiin na sabi niya. parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko, damamg dama ko lahat ng salitang sinabi niya. Wala akong nakikitang pagsisinungaling sa mata niya. Totoo ang sinagot.niya sa tanong kom

Napangiti ako ng mapait. Si Skype ba ang karma ko? Sa lahat ng kalokohan nagawa ko noon? Na kung sino yung babaeng gusto kong huling mahalin ay sinasaktan ako ng matindi ngayon.

"lumabas ka na" utos ni Skype sa akin. Na siyang nagpabalik sa kaisipan ko.

Nanatili lang akong nakatayo. Muli ko syang tinignan, umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Mahal kita Skype" mahinahong sabi ko sa kanya. "I know it's too late for me to realize it, pero Skype ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito, Skype, please I can't afford to loss you, please Skype" nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Nakita kong umikot yung mata nya, "you love me... but I will never be enough, dahil kahit kelan hahanap hanapin mo yung babaeng unang nilalaman ng puso mo. Oo mahal mo ako.... pero kahit kelan di ko magagawang maangkin ang puso mo, dahil nagawa mo na yung ibigay sa kanya." tumalikod na si Skype sa akin.... "I will never be enough for you, una palang alam kong panggulo na ako, that's why I'm giving you the freedom that you want."

"Skype, di mo ba naiintindihan..mahal na kita! di ko kailanga ng freedom na sinasabi mo" pasigaw na sabi ko. Nakita kong tumagilid siya.. umiling muna siya bago sumagot.

"nasasabi mo lang yan, dahil maghihiwalay na tayo... natatakot ka lang maiwan" humarap na siya at naglakad palapit sa akin.. "maayos na ang lahat, kaya...please lang... wag mo nang guluhin.." sabi niya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti, tsaka naglakad palabas ng kwarto niya.

Napapadyak na lang ako ng paa dahil sa inis na nararamdaman ko.

Naramdaman kong may mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Bakit ganto? Nasabi ko na kung anong nasa puso ko pero sa annulment parin ang bagsak namin.

Ang sakit.

You are Good Enough.Where stories live. Discover now