URGE- Reason

56 2 0
                                    

<Thunder's POV>

Nakauwi na ako ng bahay, nag isa palang ako. Wala pa kasi si Skype. excepted kasi ngayon sa school yung mga varsity players tutal malapit na ang opening ng sinasalihan naming competition.

Napatingin tuloy ako sa picture na nakasabit sa wall. Picture namin ni Skype nung kasal namin. Actually, super secret lang nung kasal namin. Walang nakakaalam na kasal na kami sa school, kahit si Dork and Mike, di nila alam, syempre, lalo na si Cassandra, hindi niya alam na kasal na ako.

Kahit kasal na kami, di kami nagtuturingan na mag-asawa, di kami nagpapansinan sa school, di kami sabay pumapasok. Sa bahay naman hiwalay ang kwarto namin, pero kapag nandito ang parents namin napipilitan kaming magstay sa kwarto.

The reason kung bat mag-asawa kami is, una because of business, actually, kung di dahil sa tulong mula sa family ni Skype siguro matagal ng bagkas ang business namin. Kilala sa buong mundo ang architectural firms nila Skype at ang business naman namin is kami ang mga supplier ng mga construction materials. Nung nag-uumpisang maligi yung business namin, dapat ibebenta yung ni Daddy sa kanila, pero what they did is, kami ang kinuha nilang supplier sa mga ginagawa nilang projects, kasi maraming company ang nag-ooffer sa kanila ng mas mababang presyo ng materials kami pa rin ang kinukuha nila, at dahil sa ginawa nila, unti unti nakabawi kami sa pagkakalugi.

But one day, Mrs and Mr Austin talked to my parents, they ask my parents if gusto ko ba daw pakasalan ang anak nila, nung una ayaw ng parents ko, kasi gusto nila may freedom ako interms sa taong magiging asawa ko, masaya ako dahil ganon mag-isip ang magulang ko, pero naisip ko rin na maliit na favor lang naman ang hinihingi nila kumpara sa tulong na binigay nila sa amin, because of the "utang na loob" thingy pumayag akong maikasal sa anak nila. Ang reason naman kung bakit nila naisip na.ipakasal yung anak nila is, ayaw talaga ni Skype na imanage ang business nila , gusto talaga niyang maging Architect, gusto niyang tuparin ang pangarap ng namatay niyang kuya, di ko alam kung bat ganon, di ko na rin naman tinatanong si Skype eh. Kaya kailangan nilang mmakahanap ng papalit sa kanila balang araw, at ako iyon.

Sa totoo lang, iisip mo na swerte talaga ang magiging asawa ni Skype, instant billionaire, pero ako, di ako swerte. May iba akong mahal at si Cassandra yun, tinatry ko naman na kilalanin si Skype eh, pero hindi talaga kaya. Hindi siya ang tipo kong babae, Isipin mo ba naman, kaya niyang tumagal ng isang araw ns hindi nagsasalita, puro libro lang ang hawak niya, school at bahay lang ang gala niya, di sya nag-aayos, kaya nga nagulat ako nung nagkwento si Dork na maraming nanligaw kay Skype eh. Malayong malayo si Skype sa mga tipo kong babae. Sobrang layo niya sa kalingkingan ni Cassandra, si Cassandra ang tipo ng babaeng parang trophy ang dating, ang sarap ipagmalaki na siya ang girlfriend mo. Pero lahat ng yun, hanggang pangarap na lang, dahil kahit anong magyari, hanggang kaibigan lang ang relasyon namin.

Wala naman kasi akong balak na hiwalayan si Skype, ako na ang mahiya kung gagawin ko man yun, pero depende naman yung kung si Skype ang makikipaghiwalay, tatanggapin ko iyon ng buong buo at walang halo ng pagsisisi. Ipagdarasal ko na sana, sa panahon na maghihiwalay man kami, sana libre pa si Cassandra nun, at kami ang magkatuluyan.

Kahit all most one year na kaming kasal, masasabi ko na hindi pa rin kami lubos na magkakilala ni Skype, di namin alam ang mga ayaw at gusto ng bawat isa. Wala kaming kaalam sa bawat isa. Basta ang alam ko lang pagdarating siya sa kwarto na agad ang tuloy niya, magpapadala na lang yan ng pagkain kay manang, iyon ang buhay niya.

Pero ang pinaka malaking secret na gusto kong malaman is kung bakit gusto niyang tuparin ang pangarap ng kapatid niya.

<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>

You are Good Enough.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora