URGE- Here's comes the trouble

41 3 0
                                    

a/n: last update for today... pinag iisipan ko kung gagawan ko pa si Skype ng POV.. kung gusto niyo, magvote or comment lang kayo..

***

Pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa Birthday Celebration ni Xander.

Hindi dapat ako naaapektuhan ng mga nangyayari sa pagitan nila ni Skype.

"hello Dork, nandito na ako sa lobby.Puntahan mo na ako" pagkasabi ko nun ay binaba ko na yung phone ko, di ko na inantay yung sagot niya.

Ilang saglit lang nakita ko si Dork na lumabas na ng elevator, kasama.niya si Francis, isa sa mga kateammate namin sa football.

"chicks ka ba para magpasundo?" pang-aasar sa akin ni Dork.

Di na lang ako sumagot dahil wala ako sa mood makipag-asaran. Di na rin siya nag-salita, alam na niya ang ibig sabihin ng pananahimik ko.

Tumigil yung elevator sa 11th floor, at pinasok namin ang isang.kwarto dito.

Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin ang mga kateam namin sa football kasama pa ang mga girlfriend nila,sana pala sinama ko si Cassandra, pero di naman sila close ni Xander eh, pati na rin yung coach namin nandito. Meron din iba na parang pamilyar ang mga mukha pero di ko kilala, siguro classmate to ni Xander.

Nakita ko si Mike na nakaupo sa sofa, kaya tumabi na lang ako sa kanya, sumunod din si Dork sa amin at umupo sa katapat na sofa.

Napatingin ako sa isang picture frame na nakasabit sa pader, pilit kong inalam kung ano yun.

"saranghae" napatingin ako sa taong nagsalita sa tabi ko, si Xander.. binigyan pa niya ako ng isang bote ng San Mig, syempre dahil birthday niya ngayon di ko sya tinanggihan.

"Saranghae yan, yung nakasulat, korean word for I love you" sabi ni Xander sa akin.

"korean..you know korean?" tanong ko sa kanya, meron kasi ako biglang naalala.

"of course I know, pure korean kasi ako, pero dito na kami sa Pilipinas tumira" sagot niya.

Buntong hininga na lang ang naisagot ko sa sinabi niya, Skype tried to bake, and even trying to speak korean language because of Xander. Napainom na lang ako ng alak.

"Xander, bat wala si Skype? di ba sya invited?" tanong ni Dork.

"May gagawin kasi sya" sabi ni Xander, pero halata sa mata niya na parang malungkot sya.

"ganon, binati ka na ba niya?" si Dork ulit ang nagtanong.

"yes, kanina.." sagot ni Xander, sabay inom sa alak niya.

"maganda ba yung mga cupcakes?" kahit ako ay nagulat sa naitanong ko sa kanya, nababakas naman sa mukha niya ang matinding gulat.

"ah, oo," sagot ni Xander ng makabawi ng gulat niya.

Tama.Tama.Tama lahat ng nasa isip ko.

"Ano na bang status niyo ni Skype? parang ang taggal mo nang manliligaw sa kanya ha..." sabi ni Dork kay Xander. Si Dork lang ang may alam tungkol sa pangliligaw ni Xander kay Skype, classmate kasi sila.

Di kaagad nakasagot si Xander, nakatingin lang siya sa iniinom niya, "uhm, kagaya ng sabi ko dati, may mga bagay ng dapat siya ayusin at tapusin" sagot ni Xander.

"kelan ba niya aayusin at tatapusin yun?" pati si Mike nakisali sa usapan.

Nabigla naman ako ng biglang tumingin si Xander sa akin, "malapit na" sagot ni Xander kay Mike.

Umiwas ng tingin si Xander sa akin at tumayo. "O sya, iwan ko na muna kayo ha, enjoy." sabi ni Xander at umalis na sa harapan namin.

Malapit na, malapit ng ayusin ni Skype ang lahat ng sa amin, para makasama ang lalaking mahal niya. Naramdaman ko yung puso ko na parang may kumukurot.

You are Good Enough.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ