Clarity Amelia Salvacion's
Tahimik akong umiinom ng gatas at lactating cookies habang hinihintay kong matapos si Elisha sa pagpapabreastfeed ko sa kanya. Nakasuot na ito ng kulay nude colorbaby dress.
Napatingin ako kina Dave at Hends na tila mas nastress pa sa akin dahil hindi pa rin ako tapos maayusan. Si David at Mother Superior kasi ang maghahatid sa akin kay Ybarra mamaya habang si Hends naman ang Butler in Honor ko. Oo... Wala naman kasi akong talagang close na babaeng kaibigan na kasing close ko sa dalawa. Kanya kanya ng trip yan! Si Ybarra ay walang choice ng irequest ko sa kanya iyon in the end si Queen ang ginawa nyang bestwoman nya. Ewan kung may mga ganun bang term. Basta ang alam ko lang pumayag na ito kahapon lalo na't sinabihan ko sya na hindi nya man lamang nya ako ininvolve sa preparasyon.
"Hindi ka pa nakabihis... Dalawang oras na lang bago ang kasal mo, Clarity!" tila aburidong saad ni David na ikinangisi ko naman.
"Okay lang yan. Hindi naman mahirap isuot ang gown ko lalo na at tutulungan naman ako ng mga abay ko. Kaya relax lang nga kayo't narerecharge itong inaanak nyo." saad ko tsaka sinilip mula sa loob ng breastfeeding shawl ang tila nagugutom kong anak. Nakaayos naman na ang make up at buhok ko. Magbibihis na lang ako at konting retouch.
"The two of you should check on mother superior. You should breathe... Daig nyo pa ang bride na ngayon ay parang hindi ikakasal sa sobrang relax." natatawang saad ni Devone Angela na isa sa mga bridesmaids ko. Queen is busy adoring Evaine and Hydroiana. Habang si Alizia at Serene naman ay masayang naguusap tungkol sa medical stuffs... Si Rebel ay busy sa tila pakikipagbargain kay Yrene na nagbubugnot na ata. Si Angelique at Sabrina naman ay may pinaguusapan ding kung ano.
"Pormalidad lang naman ito. Sa akin naman kasi talaga ang bagsak ng kapatid ninyo." nakangisi kong saad na ikinatawa ng mga ito liban kay Queen na napangiti lamang. Naging kabiruan ko na rin naman kasi sila at nakakakwentuhan tuwing may pagtitipon sa pamilya nila.
" I love the spirit! " ani Rebel na ikinangisi kong lalo.
Tila nayayamot namang umalis ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko maintindihan kung bakit sila kabadong kabado e ikakasal lang naman ako at wala namang ibang dahilan para makaramdam ng pagkabahala. No one can ever stop this wedding.
"I heard, Hades will bring his woman. Sinundo nya pa kaninang madaling araw. Good thing that the wedding is on afternoon...kadarating lang nila kanina." saad ni Devone Angela.
Umirap naman si Queen. "Hades really love that lady. I remember him begging to take care of her while Rosalie is dying." she remarked na ikinangiwi ko na lamang. The Queen Savage.
Naramdaman kong tumigil na si Elisha sa pagdede kaya naman nakangiting inayos ko ang robe at tinanggal ang shawl. Lumapit naman si Angelique at kinuha si Elisha mula sa akin.
"Well, Hades is Celestino's son. Kanino pa ba magmamana?" ani Devone Angela na tumayo at nilapitan ako. "Let's get you dress. Natapos naman na yung moment mo with your gown right?" anya. Tumango naman ako at nagpatianod rito. Tumayo naman sina Queen at Rebel upang tulungan ako sa pagbibihis.
Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa napakagandang wedding dress na ipinagawa ni Ybarra para sa akin. Wala naman kasi akong dream wedding... At wedding gown. Gusto ko lang maikasal sa lalaking laan ng Panginoon sa akin. Kahit nga Civil wedding ay ayos na sa akin basta sa tamang tao lamang ako maikasal.
YOU ARE READING
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...