22

441 20 33
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

Iniwan ko muna ang mga bata sa silid nilang mag-iina. Kailangan ko munang ilista lahat ng dapat bilhin na stocks dito. Meron palang mga stocks dito dahil madalas daw na nagagawi ang kuya nya rito tuwing may tuwing may ichecheck ito sa plantasyon nila dito sa Batangas... Pero mga basic need lamang iyon na hindi mapupunan ang lahat ng pangangailangan namin...lalo na ng mga bata...Sinabi ko kay Ybarra ang plano ko bukas pero mariin itong tumutol at sinabing hayaan ang caretaker na gumawa niyon. Ang init pa ng ulo ng sabihin iyon sa akin kanina kaya hinayaan ko na lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko ng makarinig ng paghinto ng sasakyan sa harapan ng villa... Agad akong tumayo upang icheck kung sino yun at sabay pa kami ni Ybarra na lumabas. Huminga ako ng malalim at umusog para maglagay ng distansya sa pagitan namin. Kailangan kong sanayin ang sarili ko. Alam ko naman ang limitasyon ko.

Napatingin ako sa mga bumaba mula sa sasakyan at napatingin kay Ybarra ng bigla itong magsalita at nangamba...

"Bakit sinama mo siya kuya?!" Kinakabahan at naiinis na sabi nito sa kuya nya.

Napansin kong tila natakot si Miss Rebel sa ginawa nito. Gusto ko siyang suwayin pero mas pinili ko na lamang manahimik at tahimik na pinagdarasal na hindi magresign ang guardian angel nya.

"She promised. " may diin saad ng kuya niya.

"But..."

"Trust me to this." putol ni Sir Carlos.

Matalim na tingin ang pinukol nito sa dalaga na nakapagpailing sa akin lalo na at may tila asidong kumakalat na naman sa sistema ko.

Kaya mo talagang gawin at kalabanin ang lahat para sa kanya...

Napangiti ako ng matabang...

"Clarity, prepare something for them. " nakuha nito ang atensyon ko sa malambing nitong boses ng sabihin nya iyon. Tumingin ako diretyo ss kanyang berdeng mga mata na puno ng kung anong emosyon para sa akin... Kitang kita ko ang lambot ng ekspresyon nya na nakapagdulot ng kaguluhan sa puso ko...

Bakit ka ganyan? Di ba at siya ang mahal mo? Pakiusap... Wag mo akong bigyan ng rason para umasa dahil alam ko na sa larong ito... Ako ang talo....

Huminga ako ng malalim tsaka tahimik na tumango bago tumalikod at naglakad papasok ng villa. Ramdam ko ang mabibigat nitong panitig sa akin.

Mabigat ang loob kong naghanda ng maiinom at makakarin ng mga ito kahit alam kong hindi rin naman sila makakakain pagnalaman nila kung anong ang mararatnan nila sa silid na iyon.  Sigurado akong isang malaking kaguluhan ang hatid nito lalo na at may asawa at pamilyadong tao ang babaeng minamahal ng mahal ko...

Naisip ko kung bakit napakalupit ng mundong ito para sa amin... Bakit kailangan naming danasin ang lahat ng ito?

Lalo na ng mga batang iyon... Alam kong hindi ko dapat sila inaalala pa dahil ina nila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito... Pero hindi naman tama na isisi ko sa kanila ito...
Hindi nila deserve ang lahat ng sakit na nararanasan nila... Napakababata pa nila...

Huminga ako ng malalim at nagpasyang dalhin na ang mga inihanda ko sa silid ng mag-iina kung nasaan ang mga bisita...

Papasok na sana ako ng mapahinto ako dahil sa narinig mula sa loob...

"Your cousin... Peol Jay... Did it to her." Puno ng galit na sabi ni Ybarra.

Napalunok ako at pilit na hinahanap ang tila nawalang lohikal na pag-iisip...

Inaasahan mo na ang lahat ng ito... Clarity Amelia... Inihanda mo na ang sarili mo hindi ba? Kaya wag kang maging mahina... Kailangan ka nya... Kailangan ka ng mahal mo... Matatapos din ito...

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon