This story is kinda different from the previous Stavros Love... Makikita natin ang parehong perspectives nina Amelia at Ybarra to make it more comprehensive. (char!)
Clarity Amelia Salvacion's
"Kumain ka muna ng marami bago mo inumin ang mga gamot okay? Tutulungan kitang kumain... Celin..." magaan kong saad sa 10 taong gulang na bakas parin ang mga pasa at sugat nito dahil sa pang-aabusong naranasan nito sa kamay ng kanyang ama at tiyohin. Narescue ito ng mga otoridad sa kabilang barangay. Sa aktong hinahalay at sinasaktan ang bata ng maratnan ang mga ito. Awang awa ako sa bata ng dalhin siya nina David dito. Dumaan din ito sa medico legal habang natutulog siya at Kinakailangan itong magtestify sa korte ngunit hindi iyon mangyari yari... Dahil ng dapat ay kakausapin siya ng mga social workers at prosecutor na hahawak ng kaso nya ay nagwala ang bata at hindi mapakalma...
Walang makahawak o makalapit man lamang sa kanya dahil sa pagwawala nito at sinasaktan ang sarili kaya kinailangan siyang itali at patulugin ng ilang araw... Magdadalawang linggo na siya rito sa pangangalaga namin.
Kinuha ko ang loob nito at lagi siyang sinusundan at sinasamahan saan man siya manatili sa center. Hanggang sa hinahayaan na nya akong makalapit at mahawakan siya kahit paunti unti lamang...
Nalulungkot ako tuwing makakakita ako ng biktima ng ganitong mga kaso. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga amang kayanv gawin ang ganitong mga bagay sa kanilang sariling anak...
Matapos ko itong pakainin at painumim ay sinabihan ko itong maaari na siyang maligo at makihalubilo sa mga batang nasa center din. Tumango lamang ito at nagtungo sa silid kung saan siya nabibilang at sa palagay ko'y maliligo ito tulad ng sabi ko sa kanya ngunit duda ako kung makikihalubilo siya sa iba... Dahil bukod sa akin ay ilag na siya sa iba...
"Is that girl Celine?" napapitlag ako at napaharap sa pinagmulan ng pamilyar na boses.
Namilog ang mga mata kong binati ito. "D-Doc Hendricks!" ngumisi naman ito sa akin at ikiniling ang ulo.
"You look thinner than the last time we met... Clarity... It's seems like you are not fine yet huh? Been 6 months already..." anito sa tila nanunuyang tinig. Ngumuso pa ito parang umaaktong di nagugustuhan ang nakikita.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya rito. Anim na buwan na nga pala ang nakakaraan mula ng mangyari ang lahat ng iyon... At apat na buwan na mula ng huling dalaw ni Madame Yvangelin sa akin dito bilang parte ng pag-iingat nito. Alam din daw ni sir Celestino ang nangyayari at dahil sa laki ng pagmamahal nito sa asawa ay pinili nitong huwag makialam pa at hayaan na lamang ang mag-ina nya.
Anim na buwan na rin akong sumusubok na makausad at makalimot."Oh! Nagkita na pala kayo ng maganda nating nurse dito, Doc!" masayang bungad ni David sa amin ng dumating ito mula sa kung saan. Nakangisi itong tumingin sa akin. "So, Clarity, ikaw ang personal na mag-aassist kay doc habang mananatili ito rito sa atin ng isang buwan para tingnan ang kalagayan ng mga naririto sa center. Nabanggit ko na rin sa kanya ang tungkol kay Celine. Sana ay matulungan natin ng husto ang batang iyon... " may lungkot at galit na saad ni David. Malaki talaga ang puso nito sa mga kababayan nya lalo na sa mga kabataan. Kaya ganito na lamang sya kapursigidong matulungan ang bawat isa sa abot ng kanyang makakaya...
" First things first, Mayor. I want to know first her history..." seryosong saad ni Doc Hendricks kaya naman alam kong ako na ang dapat magsalita.
"Gusto nyo bang pag-usapan muna ito sa bahay ni Yorme... Habang nagmimiryenda?" magaan kong tanong sa kanila na agad nilang inayunan.
--
Cristoffer Ybarra Stavros'"You really going to ruin yourself because of that woman huh?" malamig na saad ni Queen Ate sa akin ng pumasok ito sa aking silid sa loob ng unit ko.
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...