Clarity Amelia Salvacion's
Tahimik na magkasunod kaming pumasok sa unit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkailang sa isang tao lalo na sa isang lalaki. Wala naman kasi akong hiya sa katawan noon pa man at idinadaan ko sa biro ang pagtanggi sa mga nais manligaw sa akin noong nag-aaral ako dahil bukod wala akong interest sa pakikipagnobyo ay gusto kong walang masabi sa akin sina Madame Yvangelin at sina Mother Superior.
Ngayon hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan o kakausapin... Bakit kasi nanghahalik bigla?! At bakit kasi hinayaan ko at pumikit pa ko!
Nasarapan ka kasi!
"HINDI AKO NASARAPAN!" Natigilan ako at huli na ng marealised ko ang nagawa ko. Tinakpan ko ang bibig ko at nahihintakutang tiningnan ang amo ko na tila aliw na aliw na pinagmamasdan ako. May mapaglarong ngisi pa ito sa mga labi nya. Kaya nanlalaki ang mga mata kong natatarantang nag-isip ng palusot! "HINDI AKO NASARAPAN SA LONGGANISANG BAWANG NA KINAIN KO KANINA! TAMA!TAMA!" saad ko st dali-dali kong tinalikuran ang amo ko tsaka walang pasabing pumasok ako sa silid ko at nanlalaki ang mga mata ko ng makita kong natutulog roon si Atty. Luarrez kaya naman dahan-dahan akong lumabas at sinarado ang pinto. Nasapo ko pa ang dibdib ko ng makitang nakasandal sa tabi ng pinto ang amo ko na tila hinihintay talaga ako. Umayos ito ng tayo tsaka tiningnan ako ng may pilyong ngiti sa labi kaya napasimangot ako rito.
"Tine used to sleep on your room before. Hindi ko nasabi sa kanya na sayo na ang kwarto dahil bigla kang nawala." Biglang naging seryoso at nakakatakot ang ekspresyon ang mukha nito kaya nakaramdam ako ng kaba. Lumapit ito sa akin at hinila ako palayo sa pinto ng silid ko. Dinala nya ako sa kusina at doon kinorner ako sa island counter .
"Where did you go, Amelia?" Seryoso nitong tanong.
Napalunok ako sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang isa akong paslit na nahuling kumukuha ng biscuit sa stocks sa ampunan. "S-sa Paresan ni Manang Pilar. M-masarap yung luto nya boss sir amo! Promise!" Kabado ko pa sysng nginitian pero agad nauwi sa ngiwi iyon dahil nakita kong hindi nagbago ang ekspresyon nito. Bagkus mas naging nakakatakot pa ito. Ihhhr.
"Who you were with? I saw you emerging from a familiar car. But I want to confirm it if I am right." Nanlalaki ang mga mata ko ng biglang ipinantay nya ang mukha nya sa mukha ko kaya napaurong ako habang nakasandal sa island counter. Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Sa kaba ata ito! "Now, Amelia...answer me. Sino ang kasama mo?" Mapanganib st mapanghamon nitong tanong sa akin. Bakit pakiramdam ko isang malaking krimen ang ginawa ko at kinocross examin nya ako?!
"Uhm...kababata ko! Nakita ko sya papunta doon sa paresan! Mabait naman yun! Harmless sya!" Alanganing ngiti kong sagot rito.
"I am not asking you if whoever he is in your life...I am asking you his name, Amelia. Tell me. Who is the son of a bi---"
"OPS! BAD WORDS ! IIYAK NA NAMAN YUNG GUARDIAN ANGEL MO! PLEASE KAKAHIRE LANG NYA MGA 10 MINUTES AG---"
"AMELIA. ANSWER.ME." mariin nitong tanong na tila nagtitimpi na naman itong patahimikin nya ako sa paraang alam nya. OMG! Parang bet ko---joke lang po! Lord!
"Si David yun..." Kabado kong sagot. Tiningnan nya ako sa mata ko. Parang hinahamon nya akong magsalita pa. "Kababata ko."
"David who?" Tanong nya sa nagtitimping tono.
"Mayor David Agustin. Yung sikat na pinakabatang Mayor sa buong Pinas... Mabait kasi yun! Kaya safe ako dun! Kaibigan ko rin siya! Nilibre nya pa nga ako---"
"David Agustin huh? The country's youngest and Taint less Mayor. " Anito sa akin sa mapang-uyam na tono.
Ngumiti akong tumango rito. Proud ako sa kaibigan ko! Oh! May kababata at kaibigan akong Mayor at Lawyer! Ha! Payt me! "Mabait, magalang, matulungin, matapat, gwapo, hindi masungit, hindi nakasinghal everyday, nakangiti lagi, mabango, at---"
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...