SY 11

17 3 1
                                    

"Chase wake up..." inalog ko yung braso niya para gisingin siya pero hindi siya gumigising.

Oh my gosh, ano ang gagawin ko?! Hihingi na ba ako ng tulong kina kuya?

Tumakbo ako sa pinto at handa ng umalis pero hindi ako natuloy dahil bumalik ako kay Chase para subukan ulit na gisingin siya.

"Chase, wake up. Please," halos nagmamakaawa na ako.

I held his wrist to feel his pulse and I couldn't find it.

Napapraning na ako.

I placed my ear on his chest to feel and hear if his heart is beating. Silence overrun the whole room and I was so focused to hear the beat of his heart.

"Uy, concern siya. Huwag kang mag-alala hindi pa ako mamamatay." biglang nagsalita si Chase.

Agad kong nilayo ang ulo ko sa dibdib ni Chase at tinapik ang kanyang braso.

"Aray!" reklamo niya pero nakangiti siya.

Parang hindi lang bugbog sarado yung mukha niya ngayon ha!

"Hala, ang sugat mo pala!" tinuro ko yung maliit na cut sa may upper left quadrant ng stomach niya.

May punit yung damit niya kaya ko nakikita ang sugat pero hindi naman ito malalim.

"Sandali, kukuha lang ako ng first aid kit." paalam ko sa kanya bago tumungo sa cr.

Nung bumalik ako ay nakatayo siya na nakatingin sa bulaklak na nasa ibabaw ng couch bed ko.

"Kanino galing 'to?" maigi niyang tiningnan ang bulaklak.

Kinuha ko yung bulaklak at nilapag ito sa desk. "Galing ito kay Ezekiel." nilingon ko siya. "Umupo ka nga diyan, gagamotin ko yung sugat mo."

"Tsss," asik niya bago niya sinunod ang utos ko na maupo sa couch bed.

Kinuha ko yung gunting sa loob ng kit at nag-aalinlangan ako kung gugupitin ko ba yung damit niya o ano.

"Uhm, okay lang ba if..."

Walang salita ang lumabas sa bibig ko nung biglang hinubad ni Chase ang t-shirt niya sa harap ko.

Napalunok ako at naka ilang kurap.

Hindi po ako ready sa biglaang pag hubad niya ng damit sa harap ko. Well, medyo nasanay na ako makita pa minsan-minsan ang mga kuya ko na walang pang ibabaw na damit sa bahay pero mga kuya ko yun... Si Chase, HINDI!

Hindi man lang ako nasabihan na maganda pala ang katawan ni Chase... May pa abs.

Hoy Emlyn! Bakit ka ba tumingin agad sa katawan niya?!

"Okay ka lang ba?" tanong ni Chase dahil nahulog ko yung gunting sa sahig na hawak ko kanina.

Tumango lang ako at saka pinulot ulit ang gunting.

"Hala! Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ba pwede?" kinuha niya yung t-shirt niya at nagpaplano siya na suotin na yun.

"Uhm, i-ikaw bahala. Okay lang naman." Sagot ko habang binubuksan ang antiseptic spray.

So ayon yung nangyari, ginamot ko yung sugat ni Chase at habang nililinisan ko yung cut niya ay tahimik lang kaming dalawa.

Nung matapos kong lagyan ng gauze pad ay napatingin ako sa mukha niya. Nagdudugo yung labi niya at namamaga yung kanang mata niya.

Ano ba kasi ang pinanggagawa niya sa buhay niya at bakit nagkakaganito yung kalagayan niya? Parating may pasa o hindi kaya dumudugo naman ang labi.

"Bakit ba ang hilig mo mapasama sa away ha?" inabot ko sa kanya ang isang basang towel at saka isang itim na t-shirt na hiniram ko dati kay kuya Kai na nakalimutan ko nang ibalik sa kanya.

Save Yourself (Dangerous Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora