SY 15

14 2 2
                                    

"Bakit ka napapawisan?" tanong ni Chase nung nakabalik na siya.

Hindi pa rin tumatahan ang pag bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon. Tumingin lang ako kay Chase pero umiling lang din at saka nag iwas ng tingin sa kanya.

"Wala, naiinitan lang ako." Palusot ko.

"Ha? Ang lamig kaya ng simoy ng hangin."

Ayaw kong isabi kay Chase ang nangyari kanina dahil baka mag-alala pa siya o di kaya baka madamay pa siya kaya mas mabuti na sa akin na lang 'to.

"Umuwi na tayo, Inaantok na ako." yaya ko kay Chase at saka nauna na akong pumasok sa sasakyan.

Sa buong biyahe, tahimik lang ako at ganon din si Chase. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi sa akin ng lalaki at hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Bakit niya ba ako binantaan? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Tungkol ba ito kay Felipe? O tungkol ito sa paghahanap ko ng hustisya para sa aking mga magulang?

Tama ba ito na dapat kong itago lang ito sa sarili ko? Oo, dahil ayaw kong madamay ang mga kuya ko sa kung ano man ang pinasok ko.

"We're here." Chase announced.

Napatingin ako sa bintana at nasa labas na pala kami ng bahay. Inalis ko na yung seat belt sa katawan ko at binuksan na ang pinto para makalabas.

"Good mornight," Chase stated.

Natulala ako ng ilang segundo bago ako maka sagot. "Thank you for tonight. Good night," At saka pumasok na ako ng bahay.

Dumaan ako sa balcony at nakapasok agad ako sa kwarto ko sa pinakatahimik na paraan. Uminom ako ng tubig at saka humiga na sa aking kama.

*Beep*

CFerrero: Hey, you okay?

Agad kong sinagot ang message ni Chase kasi kung babagalan ko, baka mag-isip siya na hindi talaga ako okay.

EmRiver: Yeah, I am. Good night.

CFerrero: Okay. Goodnight Emlyn. :)

The next morning, both of my kuyas were not around. They just left me a note saying....

Bunso, alis muna ako. May aasikasuhin lang. :)

Emlyn, I have some errands to do.

Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ko ito. May nakahandang pagkain na sa lamesa pero hindi ako kumain at bumalik ako sa kwarto para magbihis ng damit pang gym.

Sinusuot ko na ngayon ang handwrap ko at nagtungo na sa punching bag. Habang nakatingin sa punching bag, naramdaman ko bigla ang pagkulo ng dugo ko nung ma-alala ang nangyari kagabi.

Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko nung isinuntok ko yung punching bag. Pa ulit-ulit ko itong sinuntok pero tumigil din para habulin ang hininga ko.

Bakit niya naman ako bababantaan ng taong iyon eh kahit nga ako mismo, hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng mga sagot.

Bakit niya naman ako sasabihan na delikado? If that so, he must be spying on me already. Maybe he knows that I'm doing something to find the culprit that is why he threatened me to stop it.


But why would I stop it? I already started this puzzle, so I must finish this myself.


Whatever the consequence...


Pagkatapos kong mag gym at maligo, buong hapon ay nasa harap lang ako ng laptop ko. Dito na rin ako kumain sa kwarto habang hinahanap sa web ang pangngalang Ruvez.

Save Yourself (Dangerous Love Series #1)Where stories live. Discover now