PROLOGUE

42 4 0
                                    

I hope you read the info before this. Importante po yun para tayo'y magkaunawaan:)

Prologue

"Nasaan Ako?"

Yun ang unang salitang lumabas sa aking bibig nang aking masilayan ang lugar na kasalukuyang aking kinaroroonan. Wala akong naaalalang nag-nature tripping ako. Wala rin akong maalalang may lugar na ganito kaganda ang aking natuklasan na.

Aking iginala ang aking paningin sa kabuoan ng gubat na aking kinahahantungan. Napakaganda, tanging salitang maiuugnay sa aking nakikita o baka ay mas maganda pa sa maganda. Hindi ito pangkaraniwang gubat na aking nakikita sa mga palabas o sa mga gubat na aking napuntahan na dahil sa aking pagna-nature tripping.

This Forest is Unexplainable. I mean, I can't really explain how beautiful this foerest is. Para bang nasa Enchanted Forest ako pero malabo namang mangyari iyun. Kung inyong nakita na ang Avatar ay maaaring maiugnay ang ganda ng gubat na ito roon ngunit mas maganda pa rin ito.

May nakikita akong mga nagliliparang mga ibong may kakaibang anyo, apat ang mga pakpak nito at may buntot sila na para bang buntot ng isda. May ibang nilalang rin akong nakikita na kung aking pakakatandaan ay walang ganitong uri ng hayop sa Animal Family. May kakaiba silang mga kulay at anyo. Ngunit makikinita kong harmless ang mga ito dahil sa inosenteng mukha nila ngunit sila ay malalaki at may mahahabang mga balahibo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damo at muling iginala ang aking paningin sa gubat. Ang tataas din ng mga puno dito. Green na green talaga ang bawat dahon ng mga ito. Ang mga halaman naman ay nag-glo-glow. They're like some kind of glowing algae. But it's not really an algae. I mean, Basta! It's Unexplainable.

Sinubukan kong maglakad ngunit ako'y muling napahinto dahil sa naramdamang pagkahilo. Ngunit agad din naman itong nawala kaya ako'y naglakad muli.

Namamangha, Yan ang makikinita sa ekspresyon ng aking mukha ngayon. Kung may makakakita siguro sa akin ngayon ay siguro'y pagsabihan nila akong IGNORATE. Pero, Sino naman ang hindi maiignorante sa sitwasyon kong ito? This forest is a Paradise!

May mga nagliliparang mga Paro-paro akong nakikita. Kakaiba din ang mga paro-paro rito, Nagkikislapan ang mga ito dahil sa mga fairy dust na kanilang nailalabas sa bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak.

"Krrrawrrrkkknnn" bigla akong nagulat nang may marinig akong bigla nalang umungol sa aking tabi. At nang aking tignan ay isa palang kakaibang Hayop. Para siyang Fox pero ang hahaba ng balahibo niya at kulay ginto ang mga ito na hinaluhan ng kulay abo. Sinubukan kong hawakan ito ngunit agad niyang iniiwas ang kaniyang ulo sabay layo sa akin. Napangiti nalang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hanggang sa makita ko na ang hangganan ng gubat na ito. Napakaliwanag ng bukana ng gubat na halos di na makita ang labas nito. Kaya habang nakaharang ang aking mga kamay sa aking mukha ay sinuong ko ang bukana ng gubat. Nang maramdaman kong wala na ang liwanag ay tinanggal ko na ang pagkakaharang ng aking kamay sa aking mukha. Ngunit di ko inaasahan ang bubungad sa akin.

Totoo ba ito? Nananaginip ba ako? Nag time travel ba ako? Kasi kung oo ay wag niyo muna akong ibalik sa aking mundo dahil ang nakikita ko ngayon sa aking harapan ay di kapani-paniwala.

I am now towering a very big city. Isang syudad na ngayon ko pa lamang nakita. Isang syudad na hindi ko kailanman naisip na nag-eexist. May nagtataasang mga gusali na tiyak kong hindi lamang basta-basta ang pagkakagawa. It's made of crystals and some kind of precious stones. May mga metal buildings din akong nakikita na hinaluan na rin ng mga crystals. Everything is crystals, Everything is unbelievable.

Ngunit ang nakaagaw ng aking pansin ay ang mga naggagalawang mga sasakyan. Dude! Those are flying cars! Or kung car man itong matawag. Mayroon ding mga space ships at mayroon ding, ROBOTS! Oo totoo ang inyong nababasa, Mga Robots! Nasa Future na ata ako! Nagtime travel ba ako?

"Where exactly Am I?!"

——
MY LOVE FROM AGARTHA: INTO HOLLOW EARTH
~BLETEUNICUS

My Love From Agartha: Into The Hollow Earth (On Going) Where stories live. Discover now