CHAPTER FOUR: AGARTHA

21 5 0
                                    

Chapter 4: Agartha

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Umaga na ba? Panaginip lang ba ang lahat? Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga pero agad din akong napahiga dahil sa hilo.

"Arghh" bulalas ko. Gosh, Ano ba yung nangyari sakin? Shet, Mukhang nahihilo parin ako! So, Totoo ba yung mga nangyari or sanhi lang ito ng panaginip ko na napakarealistic dahil pati ngayon ay nararamdaman ko parin ang hilo.

Nang mahimasmasan kunti ay bumangon ako't umupo muna. Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nahihilo parin talaga ako hanggang ngayon. Nang buksan ko ang mga mata ko ay napakunot ang noo ko sa bumungad sa akin.

"Nasaan Ako?" Yun ang unang salitang lumabas sa aking bibig nang aking masilayan ang lugar na kasalukuyang aking kinaroroonan. Wala akong naaalalang nag-nature tripping ako. Wala rin akong maalalang may lugar na ganito kaganda ang aking natuklasan na. Sanhi ba'to ng sakit ng ulo ko or nahihilo lang talaga ako kaya ganito ang nakikita ko sa kwarto ko? Pero hindi, realistic 'to, gubat' to. Pati etong kinauupuan ko ay damo pero ang lambot na parang din akong nakaupo sa kotson.

Aking iginala ang aking paningin sa kabuoan ng gubat na aking kinahahantungan. Napakaganda, tanging salitang maiuugnay sa aking nakikita o baka ay mas maganda pa sa maganda. Hindi ito pangkaraniwang gubat na aking nakikita sa mga palabas o sa mga gubat na aking napuntahan na dahil sa aking pagna-nature tripping.

This Forest is Unexplainable. I mean, I can't really explain how beautiful this forest is. Para bang nasa Enchanted Forest ako pero malabo namang mangyari iyun. Kung inyong nakita na ang Avatar ay maaaring maiugnay ang ganda ng gubat na ito roon ngunit mas maganda pa rin ito.

May nakikita akong mga nagliliparang mga ibong may kakaibang anyo, apat ang mga pakpak nito at may buntot sila na para bang buntot ng isda. May ibang nilalang rin akong nakikita na kung aking pakakatandaan ay walang ganitong uri ng hayop sa Animal Family. May kakaiba silang mga kulay at anyo. Ngunit makikinita kong harmless ang mga ito dahil sa inosenteng mukha nila ngunit sila ay malalaki at may mahahabang mga balahibo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damo at muling iginala ang aking paningin sa gubat. Ang tataas din ng mga puno dito. Green na green talaga ang bawat dahon ng mga ito. Ang mga halaman naman ay nag-glo-glow. They're like some kind of glowing algae. But it's not really an algae. I mean, Basta! It's Unexplainable.

Sinubukan kong maglakad ngunit ako'y muling napahinto dahil sa naramdamang pagkahilo. Ngunit agad din naman itong nawala kaya ako'y naglakad muli.

Namamangha, Yan ang makikinita sa ekspresyon ng aking mukha ngayon. Kung may makakakita siguro sa akin ngayon ay siguro'y pagsabihan nila akong IGNORATE. Pero, Sino naman ang hindi maiignorante sa sitwasyon kong ito? This forest is a Paradise!

May mga nagliliparang mga Paro-paro akong nakikita. Kakaiba din ang mga paro-paro rito, Nagkikislapan ang mga ito dahil sa mga fairy dust na kanilang nailalabas sa bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak.

"Krrrawrrrkkknnn" bigla akong nagulat nang may marinig akong bigla nalang umungol sa aking tabi. At nang aking tignan ay isa palang kakaibang Hayop. Para siyang Fox pero ang hahaba ng balahibo niya at kulay ginto ang mga ito na hinaluhan ng kulay abo. Sinubukan kong hawakan ito ngunit agad niyang iniiwas ang kaniyang ulo sabay layo sa akin. Napangiti nalang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hanggang sa makita ko na ang hangganan ng gubat na ito. Napakaliwanag ng bukana ng gubat na halos di na makita ang labas nito. Kaya habang nakaharang ang aking mga kamay sa aking mukha ay sinuong ko ang bukana ng gubat. Nang maramdaman kong wala na ang liwanag ay tinanggal ko na ang pagkakaharang ng aking kamay sa aking mukha. Ngunit di ko inaasahan ang bubungad sa akin.

My Love From Agartha: Into The Hollow Earth (On Going) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora